settings icon
share icon
Tanong

Bakit nakapakahalaga ng katuruan na si Hesus ay ipinanganak ng isang Birhen?

video
Sagot


Ang doktrina na si Hesus ay ipinanganak ng isang birhen ay napaka-halaga sa Kristiyanismo (Isaias 7:14; Mateo 1:23; Lucas 1:27,34). Una, tingnan natin kung papaano inilarawan ng Bibliya ang mahimalang pangyayaring ito. Bilang tugon sa katanungan ni Maria na, �Paano mangyayari ito gayong ako ay isang birhen,?� sinabi ni Anghel Gabriel, �Darating sa iyo ang Banal na Espiritu, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ang lililim sa iyo. Dahil dito, ang Banal na iyong ipapanganak ay tatawaging Anak ng Diyos� (Lucas 1:35). Hinikayat ng Anghel si Jose na pakasalan si Maria sa pamamagitan ng mga katagang ito: �Ito ay dahil ang dinadala niya sa kaniyang sinapupunan ay sa Banal na Espiritu (Mateo 1:20). Sinabi ni Mateo na si Maria ay isang birhen �Ngunit bago pa sila nagsama (ni Jose), si Maria ay natagpuang nagdadalang-tao na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu� (Mateo 1:18). Itinuturo sa Galacia 4:4 na si Hesus ay ipinanganak ng isang birhen: �Ngunit nang ang takdang panahon ay dumating, isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak na ipinanganak ng isang babae at ipinanganak sa ilalim ng kautusan.�


Mula sa mga nabanggit na mga talata, malinaw na ang kapanganakan ni Hesus ay sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu sa katawan ni Maria. Ang hindi materyal (Banal Espiritu) at ang materyal (sinapupunan ni Maria) ay may kaugnayan sa isa't-isa. Hindi nagdalang tao si Maria sa ganang kanyang sarili. Ang kanyang katawang lupa ay ginawang kasangkapan lamang ng Diyos. Tanging ang Diyos lamang ang makagagawa ng himala ng pagkakatawang tao ni Kristo.

Kung hindi paniniwalaan na ang Panginoong Hesus ay nanggaling kay Maria, lalabas na si Hesus ay hindi totoong tao. Itinuturo ng Bibliya na si Hesus ay totoong tao na may pisikal na katawan at dugo kagaya natin. Ito ay natanggap Niya mula kay Maria. Kaya nga, si Hesus ay totoong Diyos, na may walang hanggang katangian ay tunay ding tao ngunit wala ni anumang bahid ng kasalanan. Ang anumang kasalanan na maaaring manggaling sa dugo ni Maria ay nilinis ng Banal na Espiritu. Tingnan ang Juan 1: 14; Timoteo 3:16 at Hebreo 2:14-17.

Si Hesus ay hindi ipinaglihi sa kasalanan. Wala din Siyang anumang nagawang kasalanan (Hebreo 7:26). Sa mga katulad nating normal na tao, ang kasalanan ay naipapasa mula sa henerasyon hanggang henerasyon sa pamamagitan ng ating ama. Kaya't ang lahat ay nagkasala (Roma 5:12, 17, 19). Ngunit sa kaso ng Panginoong Hesus, walang kasalanan ni Maria ang naipasa sa Kanya dahil hindi lamang isang birhen si Maria kundi dahil din naman sa paglilim Kay Hesus ng Banal na Espiritu habang nasa sinapupunan ni Maria. Kaya nga si Hesus ay walang hanggang Diyos at totoong tao din naman.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit nakapakahalaga ng katuruan na si Hesus ay ipinanganak ng isang Birhen?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries