settings icon
share icon
Tanong

Ano ang Islamism o Islamismo?

Sagot


Kakaiba ang Islamismo (Islamism) sa Islam. Ang Islam ay isang relihiyon na may ilang sekta, samantalang ang Islamismo ay isang relihiyon at kilusang pulitikal sa loob ng Islam, base sa ilang literal na interpretasyon sa Quran. Sa partikular, hinahangad ng Islamismo na ipasakop ang sosyedad sa Sharia, ang sistema ng moralidad at relihiyon ng batas na nanggaling sa Quran. Ipinapahayag sa Sharia ang istriktong kodigong moral para sa halos lahat ng aspeto ng sosyedad at personal na buhay — mula sa mga regulasyon sa pagnenegosyo hanggang sa personal na kalinisan sa katawan – at ipinapaliwanag nito ang salitang Islam (na ang ibig sabihin ay "pagpapasakop") sa isang literal na paraan na kinakailangan para sa bawat tao na magpasakop sa Sharia o mamatay.

Sa kalikasan ang Islamismo ay isang kilusang pulitikal—interesado sila sa pananakop. May ilang Islamista na naniniwala na ang pinakamagandang paraan upang magampanan ito ay sa pamamagitan ng rebolusyon at pagdigma at ipasakop ang mundo sa Islamismo sa pamamagitan ng pananakot at kapangyarihan ng estado. May iba namang naniniwala na mas maaabot nila ang kanilang layunin sa pamamagitan ng repormasyon sa sosyedad mula sa ibaba pataas.

Dahil sa mga gawaing terorismo ng Islamismo, lumikha ito ng malaking pagkatakot sa mga Muslim. Ang ilan sa mga takot na ito ay balido. Ang pagsali kapalit ng buhay o kamatayan ay totoong-totoo at nakakatakot na aspeto ng Islamismo. Ngunit dapat na tandaan ng mga Kristiyano na habang ang bawat isang Islamista ay isang Muslim, hindi Islamista ang bawat isang Muslim. Sa katotohanan, maraming Muslim ang inuusig ng mga Islamista dahil ayaw nilang sumangayon sa batas ng Sharia o dahil nanggaling sila sa ibang sekta ng Islam o nakatira sa isang maling komunidad.

Ano ang biblikal na tugon sa Islamismo? Dapat na ituring ng mga Kristiyano ang kanilang mga kaaway bilang mga taong naliligaw at nahaharap sa kaparusahang walang hanggan. Nakabilanggo ang mga Islamista sa isang madilim at desperadong relihiyon at ginagawa ang kalooban ni Satanas na inaakala nilang kalooban gn Diyos. Hinulaan ni Jesus ang paglabas ng mga taong gaya ng mga Islamista, "Ititiwalag kayo sa mga sinagoga. Darating ang panahon na ang sinumang pumatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Diyos. At gagawin nila ito sapagkat hindi nila ako kilala, ni ang Ama" (Juan 16:2).

Dapat na kumuha ng kaaliwan ang mga Kristiyano sa katotohanan na hindi ang mundong ito ang ating tunay na tahanan. Magtagumpay man tayo o hindi sa digmaan laban sa terorismo at Islamismo, hindi ito ang ating pangunahing layunin sa buhay. Sinabi ni Jesus, "Ang kaharian ko'y hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian, ipinaglaban sana ako ng aking mga tauhan upang hindi maipagkanulo sa mga Judio. Ngunit hindi mula sa sanlibutang ito ang aking kaharian!" (Juan 18:36). Kung haharap tayo sa kamatayan sa kamay ng ating mga kaway, ipinaalala ni Jesus sa bawat isa na hindi tayo narito sa mundo bilang mga mananakop kundi bilang mga 'tagapagligtas'—tayo ay mga kinatawan ni Kristo at tagapagpahayag ng Kanyang pag-ibig at kapatawaran (2 Corinto 5:20).

"Narinig ninyong sinabi, 'Ibigin mo ang iyong kapwa at kamuhian mo ang iyong kaaway. upang kayo'y maging tunay na mga anak ng inyong Ama na nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa mabubuti gayon din sa masasama, at nagpapaulan siya sa mga matuwid at sa mga di-matuwid" (Mateo 5:43–45). Dahil sa literal na pagsunod ng mga Islamista sa Quran, napuno ng poot ang kanilang puso at wala silang habag sa mga taong hindi nagpapasakop sa Sharia; at wala silang alam tungkol sa pag-ibig at pagpapatawad ng Diyos. Dapat nating ipanalangin ang mga nakabilanggo sa Islamismo na nawa'y makita nila ang katotohanan tungkol kay Jesu Cristo. Sa panahong nagbabanta si Pablo na maipapatay ang mga alagad ng Panginoon, naengkwentro niya ang Panginoon at isinilang siyang muli. Nawa'y mangyari din ang gayon sa mga tagapanguna at tagasunod ng Islamismo.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang Islamism o Islamismo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries