settings icon
share icon
Tanong

Ano ang tamang paraan sa pagtatapon ng isang sirang Bibliya?

Sagot


Walang “biblikal” na paraan sa pagtatapon ng isang luma o sirang Bibliya dahil walang sinasabi ang Bibliya patungkol sa katanungang ito. Kaya nga ito ay isang bagay na maaring pagpasyahan ayon sa personal na kumbiksyon. Mahalagang maunawaan na hindi ang papel o ang tinta o ang mismong libro ang “sagrado” o “banal.” Ang Salita ng Diyos ang banal, hindi ang materyales kung paano at saan iyon isinulat. Hindi natin dapat sambahin o gawing idolo ang Bibliya. Ang layunin ng Bibliya ay turuan tayo tungkol kay Jesus na Tagapagligtas at ang kaligtasan na Kanyang ipinagkakaloob at turuan tayo na sambahin Siya ng ating buong puso, buong kaluluwa, buong pagiisip at buong lakas. Ang papel at tinta na ginamit sa Bibliya ay tanging kasangkapan lamang para maiparating sa atin ng Diyos ang Kanyang salita.

Sa kabila nito, tila ang pagtatapon ng isang sirang Bibliya sa basurahan ay panghuling desisyon na lamang. Maraming lumang Bibliya, kung aayusin ay magiging gaya sa bago at maaari pang maibigay sa isang tao para kanyang magamit. Kahit na ang luma at puro guhit na Bibliya kung ibibigay sa isang taong walang Bibliya ay maaaring maging isang napakalaking pagpapala. May mga taong iniingatan ang kanilang mga lumang Bibliya para maipamana sa mga anak o upang ipaalala sa mga susunod na henerasyon kung paano nagtalaga sa Salita ng Diyos ang kanilang mga ninuno. Maraming mga pagpipiliang gawin sa halip na itapon ang lumang Bibliya sa basurahan. Dapat itong ipanalangin.

Ngunit kung talagang sirang-sira na ang isang Bibliya at hindi na talaga magagamit pa, maaari na itong itapon. Hindi magdudulot ng lungkot sa Diyos ang pagtatapon ng isang sirang Bibliya. May ilan na pinipiling sunugin ang sirang Bibliya kaysa itapon iyon sa basurahan. Walang paraan ang mali at tama. May isang kuwento tungkol sa isang tao na nagtapon ng isang sirang Bibliya sa basurahan. Nakita ng basurero ang Bibliya at hinango iyon mula sa basura at nagumpisang basahin iyon at sa huli, naglagak siya ng pananampalataya kay Cristo bilang kanyang Tagapagligtas. Maaaring gamitin ng Diyos ang Kanyang makapangyarihang Salita (Isaias 55:11; Hebreo 4:12) para magpatotoo tungkol sa Kanya, kahit na ang mga pahina ng isang Bibliya ay naitapon na.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang tamang paraan sa pagtatapon ng isang sirang Bibliya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries