settings icon
share icon
Tanong

May itinakdang oras ba tayo ng kamatayan?

Sagot

Sinasabi ng Bibliya na "ang lahat ng mga araw na itinakda para sa akin ay nasusulat sa iyong aklat bago pa man magkaroon ng isa man sa kanila" (Awit 139:16). Kaya, oo, alam ng Diyos kung kailan, saan, at kung paano tayo mamamatay. Alam ng Diyos ang lahat tungkol sa atin (Awit 139:1-6). Kaya ba ibig sabihin nito na ang ating kapalaran ay nakasulat na? Ibig sabihin ba nito na wala tayong kontrol sa kung kailan tayo mamamatay? Ang sagot ay oo at hindi, depende sa pananaw.

Ang sagot ay "oo" mula sa pananaw ng Diyos dahil ang Diyos ay walang hanggan ang kaalaman—alam Niya ang lahat at alam Niya kung kailan, saan, at kung paano tayo mamamatay. Wala tayong magagawa upang baguhin ang alam ng Diyos sa mga mangyayari. Ang sagot ay "hindi" mula sa ating pananaw dahil mayroon tayong ambag sa kung kailan, saan, at kung paano tayo mamamatay. Malinaw na ang isang taong nagpakamatay ay nagdulot ng kanyang sariling kamatayan. Ang isang taong nagpakamatay ay mamumuhay pa ng mas mahaba kung hindi siya nagpakamatay. Gayundin, ang isang taong mamamatay dahil sa isang walang kabuluhang desisyon (halimbawa, paggamit ng droga) na "nagpapabilis" ng kanyang sariling kamatayan. Ang isang taong namamatay sa kanser sa baga mula sa paninigarilyo ay hindi mamamatay sa parehong paraan o sa parehong oras kung hindi siya nanigarilyo. Ang isang taong namamatay dahil sa sakit sa puso dahil sa habang-buhay na sobrang hindi malusog na pagkain at kaunting ehersisyo ay hindi mamamatay sa parehong paraan o sa parehong oras kung kumain siya ng mas malusog na pagkain at nag-ehersisyo ng higit pa. Oo, may hindi maikakailang ambag ang ating mga sariling desisyon sa paraan, oras, at lugar ng ating kamatayan.

Paano ito nakakaapekto sa ating buhay sa praktikal? Dapat tayong mamuhay sa bawat araw para sa Diyos. Tinuturuan tayo ng Santiago 4:13-15, "Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming mananatili roon, mangangalakal kami at kikita nang malaki.” Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo'y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala. Sa halip ay sabihin ninyo, “Kung loloobin ng Panginoon, mabubuhay pa kami at gagawin namin ito o iyon.” Dapat tayong gumawa ng matalinong desisyon tungkol sa kung paano natin gagamitin ang ating buhay at kung paano natin aalagaan ang ating sarili. At sa huli, pinananampalatayanan namin na ang Diyos ang may walang hanggang kaalaman at kontrol sa lahat ng bagay.

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries