Tanong
Paano haharapin ng mga Kristiyanong magulang ang pagdadalang tao ng kanilang menor de edad na anak?
Sagot
Maaaring ang isa sa pinakamahirap ng gawin para sa mga Kristiyano ay ang pagtanggap na hindi kasalanan ang pagdadalang tao. Hindi kasalanan na magbuntis ng hindi pa nakakasal. At hindi kasalanan na isilang sa mga magulang na hindi pa kasal. Ang kasalanan ay ang pakikipagtalik sa hindi asawa – para sa lalaki at babae. Ngunit ang relasyon na hindi ayon sa Bibliya ay mas madaling itago mula sa mga mapanuring mata kaysa sa pagbubuntis o pagdadalang tao, at nakakalungkot, na nakakasira ito sa reputasyon ng pamilya sa Kristiyanong komunidad.
Bagamat isang nakakapanlumo at nakakapanghinang karanasan na malaman na buntis ang iyong menor de edad na anak, napakahalaga na mapanatili ang perspektibo ng kaharian ng Diyos. Nagawa na ang kasalanan. Anuman ang nakaimpluwensya sa kabataan na nagtulak sa kanya sa pagkakasala ay hindi na maiiwasan pa. Ang bagong sitwasyong ito ay hindi na tungkol sa moralidad ng pagtatalik bago ang matrimonyo ng kasal o reputasyon ng pamilya. Ito ay tungkol na sa pagsilang ng isang sanggol. Ang mga anak ay biyayang galing sa Diyos at may plano Siya para sa bawat isa sa kanila (Awit 139:13-18). Kahit na hindi ideyal ang mga pangyayari sa pagdating ng sanggol, ang batang iyon ay iniibig ng Diyos at mahalaga sa Kanya gaya rin ng iba.
Ang kabataang nagdadalang tao ay mahalaga din sa Diyos. Ang papel ng mga magulang ay turuan at gabayan ang kanilang mga anak sa isang makadiyos na pamumuhay anuman ang kanilang sitwasyong kinakaharap. Ito ay isang pangunahing responsibilidad para sa mga magulang. Maaaring ang kanilang anak ay natatakot, nahihiya at emosyonal. Responsibilidad ng kanyang mga magulang na tulungan siyang paglabanan ang mapanirang emosyon at magbalik loob sa kanyang Ama sa langit.
May ilang magulang na natatakot na maaaring ang pagsuporta at pag-ibig sa kanilang anak ay magtulak sa kanila sa mga paguugali na maaring magbunga ng maagang pagbubuntis. Ngunit, muli, ang pagdadalangtao at pagsisisi dahil sa isang sanggol ay masasabing hindi isang kasalanan at napakaraming benepisyo na aktibo at maaaring ipakita sa publiko ang pagsuporta sa isang nabuntis na menor de edad. Lumilikha ito ng kapaligiran kung saan ang bata ay pinahahalagahan bilang isang biyayang mula sa Diyos. Pinalalakas nito ang loob ng ama na gampanan ang kanyang responsibilidad ng walang pagkatakot. At hindi hinihimok ng Bibliya ang pagpapalaglag sa sanggol bilang isang opsyon.
Kung iniwan ng isang pamilya ang isang buntis na kabataan – kahit sa emosyonal na aspeto – maaaring makagawa siya ng mga mapanganib na desisyon. Maaaring isipin niya na ang tanging solusyon ay makisama sa ama ng bata. Maaaring hindi niya alam kung paano ingatan at alagaan kanyang sarili at ang kanyang ipinagdadalang tao. May ibang nabuntis na menor de edad na itinatago ang kanilang sitwasyon sa kanilang mga magulang dahil sa kanilang hindi magandang relasyon sa isa’t isa loob 8 tahanan.
Natural na makagagawa ng mas matalinong desisyon ang mismong nagdadalang tao tungkol sa kanyang hinaharap at sa kanyang anak kung tinatanggap at ginagabayan siya ng kanyang magulang. Hindi ito makatutulong para sa isang kabataan na magisip ng maayos. Dagdag na pahirap at kabigatan ang hindi pagtanggap ng mga magulang. Tutulungan ng matalinong magulang ang kanilang anak sa pagdedesisyon kung ipapaampon o aalagaan ba ang kanyang anak. Makatutulong din na isama ang ama ng bata at ang kanyang pamilya sa pagdedesisyon. Dapat na ipaalam sa ama na pagaari din niya ang kanyang anak gaya ng ina. Pagkatapos ng maingat na panalangin, dapat na linawin ng mga magulang ang kanilang maibibigay na suporta sa pagtataguyod sa bata. Maaari ding isaalang alang ang paggamit ng mga institusyon na tumutulong sa mga nabubuntis na kabataan.
Ang ating Diyos ay makapangyarihang Diyos na makapagbibigay ng kagalakan at pagpapaalala sa kabila ng kasalanan. Maaaring may mga napakahirap na sitwasyon na kakaharapin ang nabuntis na menor de edad, ngunit ang ating Diyos ay Diyos na tumutubos sa tao mula sa kanilang mga kasalanan.
English
Paano haharapin ng mga Kristiyanong magulang ang pagdadalang tao ng kanilang menor de edad na anak?