Tanong
Ano ang isang kabit? Bakit pinahintulutan ng Diyos ang mga lalaki na magkaroon ng maraming asawa o kabit sa Bibliya?
Sagot
Sa Bibliya, ang isang concubine ay isang babae na nakikisama sa isang lalaki na parang asawa, ngunit walang katayuan bilang tunay na asawa. Ang mga concubines o kabit sa panahon ng ng mga patriyarka at mga sumunod na panahon ay may mababang ranggo—sila ay “pangalawa” sa tunay na asawa. Ang isang concubine o kabit ay hindi maaaring pakasalan ang kanyang amo dahil sa kanyang pagiging alipin bagama’t para sa kanya, ang relasyon ay eksklusibo at nagpapatuloy. Sa simula pa lamang, ang mga concubine o kabit ay ginagamit upang magkaanak para sa mga asawang baog (tingnan ang Genesis 16:1–4). Nang maglaon, tila ang mga kabit ay iniingatan lamang para sa kasiyahang sekswal (tingnan ang 2 Cronica 11:21). Ang mga concubines sa Israel ay nagtataglay ng ilan sa mga karapatan ng mga lehitimong asawa ngunit walang kapantay na paggalang sa kanila.
Bagama’t totoo na walang tahasang paghatol sa Bibliya sa concubinage o pagkakaroon ng kabit, maaaring makakita ng pahiwatig ng paghatol mula pa noong unang panahon. Ayon sa Genesis 2:21-24, ang orihinal na layunin ng Diyos sa pag-aasawa ay sa pagitan ng isang babae at isang lalaki at hindi ito nabago kailanman (Genesis 1:27). Sa katunayan, sa pag-aaral sa buhay ng mga lalaki tulad nina Haring David at Haring Solomon (na may 300 kabit; 1 Hari 11:3) nagpapakita na marami sa kanilang mga problema ay nagmula sa mga relasyong ito (2 Samuel 11:2-4).
Hindi ipinaliwanag ng Bibliya kung bakit pinahintulutan ng Diyos ang mga lalaki na magkaroon ng mga kabit. Pinahintulutan naman Niya ang diborsyo at polygamy o pagkakaroon ng maraming pinakasalang asawa, ngunit hindi ito bahagi ng Kanyang orihinal na plano para sa pagaasawa. Sinabi ni Hesus na pinahintulutan ng Diyos ang diborsyo dahil sa katigasan ng puso ng mga tao (Mateo 19:8). Maaari nating ipagpalagay na ang katigasan ng puso ng tao ang dahilan ng polygamy at concubinage.
Maaari rin nating isipin na ang isang dahilan ay ang kultura noong araw. Ang mga babaeng walang asawa noong unang panahon ay ganap na umaasa sa kanilang miyembro ng pamilya, tulad ng kanilang mga ama, kapatid na lalaki, at iba pa. Kung sakaling ang isang babae ay walang mga kamag-anak o namatay ang kanyang asawa o siya’y hiniwalayan, kakaunti ang kanyang kaparaanan para mabuhay. Karamihan sa mga kababaihan noong unang panahon ay walang pinag-aralan at walang kasanayan sa kalakalan. Ang paglalaan para sa kanilang sarili ay napakahirap at sila’y walang kalaban-laban sa mga taong maaaring magsamantala sa kanila. Para sa maraming kababaihan sa mahirap na sitwasyon, ang pagiging concubine o kabit ang isang mas angkop na opsyon kaysa sa pakikilahok sa prostitusyon, maging palaboy, o mamatay. Sa ganitong paraan ang isang babae ay mabibigyan ng tahanan at mabibigyan ng tamang pangangalaga.
Lumilitaw na pinahihintulutan ng Diyos ang concubinage sa kabilang banda upang matugunan ang pangangailangan ng babae, bagaman hindi ito ang mainam na sitwasyon. Ang kasalanan ay hindi kailanman magiging mainam. Ang mga Kristiyano ay dapat mapaalalahanan na, hindi porke pinahintulutan ng Diyos ang isang kasalanan sa isang yugto ng panahon, hindi ito nangangahulugan na ang Diyos ay nalulugod dito. Maraming kuwento sa Bibliya na nagtuturo na ang kasamaang ginagawa ng ibang tao ay pinahintulutan ng Diyos para sa ikatututo ng iba (halimbawa sa Genesis 50:20).
English
Ano ang isang kabit? Bakit pinahintulutan ng Diyos ang mga lalaki na magkaroon ng maraming asawa o kabit sa Bibliya?