settings icon
share icon
Tanong

Ano ang katuruan na ngayo na ang kaharian o kingdom now?

Sagot


Ang teolohiya ng kaharian ngayon o Kingdom Now theology ay isang paniniwala sa loob ng kilusang karismatiko sa grupo ng mga Protestante, pangunahin sa Estados Unidos. Naniniwala ang mga nagsusulong ng teolohiyang ito na nawalan ng kapamahalaan ang Diyos sa mundo at isinuko ito kay Satanas ng magkasala sina Adan at Eba. Buhat noon, nagtatangka ang Diyos na muling ibalik ang kapamahalaan sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng paghahanap ng isang espesyal na grupo ng mga mananampalataya – na kinikilala bilang “mga tao ng Tipan” (covenant people), “mga mapagtagumpay” (overcomers), o “mga hukbo ni Joel,” (Joel’s Army) – at sa pamamagitan ng mga taong ito, at ng mga institusyong sosyal (kasama ang gobyreno at mga batas), ay ipapailalim sa kanila ng Diyos ang pamumuno sa mundo. Naniniwala sila na dahil ang mga mananampalataya ay pinananahanan ng parehong Espiritu Santo na nanahan kay Kristo, mayroon tayo ng lahat ng awtoridad sa langit at lupa; at may kapangyarihan na maniwala at magsalita ng mga bagay upang maganap ang mga bagay na iyon kaya’t kaya nating itatag ang kaharian ng Diyos sa lupa.

Kasama sa mga pinaka-kontrobersyal na paniniwala ng teolohiyang ito ang paniniwala na hindi magtatagumpay ang mga hindi mananampalataya. Kaya, nilalabanan ng Kingdom Now ang paghihiwalay ng pamahalaan at simbahan. Kasama sa iba pa nilang paniniwala ang ideya na bilang katawan ni Kristo, tayo rin si Kristo. Sa ibang salita, nasa atin ang kalikasan ng Diyos. Isinasantabi din ng mga tagapagturo ng Kingdom Now ang literal na pagdagit (rapture) sa halip sinasabi na ito ay “pakiramdam” lamang ng pagdagit o pakiramdam ng pananabik sa pagparito ng Panginoon upang tanggapin ang Kanyang kaharian mula sa ating mga kamay. Sa ibang salita, ang bawat isa ay “madadagit” sa emosyon sa kanyang muling pagparito. Gayundin, kasama sa mga paniniwalang hindi naaayon sa Bibliya ang ideya na ang mga hula tungkol sa hinaharap ng Israel – Sa Luma at Bagong Tipan - ay mailalapat sa Iglesya.

Naniniwala ang mga nagsusulong ng teolohiya ng Kingdom Now sa dalawang yugto ng pagbabalik ni Kristo: una sa pamamagitan ng katawan ng mga mananampalataya (at partikular sa katawan ng mga propeta at apostol sa kasalukuyan), at ikalawa ay ang kanyang personal na pagbabalik upang angkinin ang kaharian na ipagkakaloob sa Kanya ng mga mapagtagumpay (the overcomers). Bago ang muling pagparito, kailangang linisin ng mga mapagtagumpay ang mundo sa lahat ng impluwensya ng kasamaan. Inaangkin ng Kingdom now o kaharian ngayon na hindi makakabalik si Hesus sa lupa hanggat hindi naipapailalim ang Kanyang mga kaaway sa Iglesya, (kahit na maging ang mismong kamatayan).

Bagamat may mga tao na naniniwala sa ilan lamang at hindi sa lahat na itinuturo ng Kingdom Now, may mga pagkakahalintulad ang mga katuruang nabanggit sa itaas sa mga katuruan sa labas ng Kristiyanismo na tinatanggihan ang Kasulatan. Una, ang ideya na nawalan ng kontrol ang Diyos sa mundo ay katawa-tawa. Siya ang walang hanggang Panginoon ng lahat sa sansinukob, ganap at banal sa lahat ng Kanyang kalikasan. May ganap Siyang kapamahalaan sa lahat ng mga bagay – sa nakalipas, kasalukuyan at hinaharap – at walang nangyayari sa buong sansinukob na labas sa Kanyang kalooban. Ang lahat ng nangyayari ay nagaganap ayon sa Kanyang banal na layunin at wala ni isang molekula sa buong sansinukob ang kusang gumagalaw sa kanyang sarili. “Sapagka't pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, at sinong wawala ng kabuluhan? at ang kaniyang kamay na nakaunat, at sinong maguurong?” (Isaias 14:27). Tungkol sa mga tao na may “kapangyarihang maniwala at magsalita ng mga bagay mula sa wala,” ang kapangyarihang ito ay sa Diyos lamang. Hindi ng Diyos ituturing na magaan ang kasalanan ng mga taong nagtatangkang agawin ang kanyang pagka Diyos. “Ito ang inyong tandaan, mga makasalanan, ang bagay na ito ay alalahanin ninyo. Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari. Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos, at maliban sa akin ay wala nang iba. Sa simula pa'y itinakda ko na, at aking inihayag kung ano ang magaganap. Sinabi kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin. May tinawag na akong mandirigma sa silangan, siya ay darating na parang ibong mandaragit, at isasagawa ang lahat kong balak.Ako ang nagsasabi nito, at tiyak na matutupad” (Isa ias 46:8-11).

Ang kanilang pagtanggi sa pagdagit sa Iglesya ay hindi naaayon sa Bibliya. Ang kanilang paliwanag sa pagdagit sa mananampalataya na isa lamang “pagdagit sa emosyon” ay pagsasantabi sa katotohanan na ang tamang pangunawa sa salitang “pagdagit” ay isang idiomatic expression para lamang sa salitang Ingles, ngunit hindi sa salitang Griyego. Ang salitang “natangay ang aking damdamin ng palabas” (o iba pang emosyon) ay hindi katumbas ng salitang Griyegong 'harpazo' sa I Tesalonica 4:17, II Corinto 12:2-4, at Pahayag 12:5, na ginagamit upang ilarawan ang pagdagit sa katawan ng mga mananampalataya patungo sa langit, at sa Gawa 8:39 kung saan literal na dinagit ng Espiritu ang katawan ni Felipe at dinala sa ibang lugar.

Tungkol sa ating pagiging na “kay Kristo” at sa pagkakaroon ng kalikasan ng Diyos, hindi tayo si Kristo, bagamat nakabahagi tayo sa Kanyang banal na kalikasan (2 Pedro 1:4) sa oras ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananahan sa atin ng Banal na Espiritu. Si Kristo ang ikalawang persona sa Trinidad at walang sinumang tao ang maaaring maging diyos. Ito ay isang kasinungalingan mula sa ama ng kasinungalingan, si Satanas, na unang sinabi ang kasinungalingang ito sa hardin ng Eden ng kanyang tuksuhin si Eva sa pamamagitan ng salitang “magiging gaya kayo ng Diyos” (Genesis 3:5).

Ang ideya na pinalitan na ng Iglesya ang Israel at ang katuparan ng mga pangako ng Diyos sa Israel ay tumutukoy sa Iglesya, ay kilala din sa tawag na teolohiya ng paghalili o replacement theology, at ito rin ay hindi naaayon sa Bibliya. Ang mga pangako para sa Israel ay matutupad sa Israel hindi sa Iglesya. Ang mga pangako para sa Israel ay pangwalang hanggan at hindi iyon babawiin ng Diyos.

Panghuli, ang muling pagparito ni Kristo ay magaganap kung magapi na Niya (hindi ng tao) ang Kanyang mga kaaway at ipapailalim sa Kanyang sariling kapamahalaan ang lahat ng mga bagay. Ang paglalarawan sa ikalawang pagparito ni Kristo sa Pahayag 19 ay tulad sa isang makapangyarihang mandirigma na dumarating upang isaayos ang lahat ng mga bagay, hindi ng isang dumarating sa isang mundo na nilinis na ng mga tao at handa na para sa Kanyang paghahari. Malinaw ang sinasabi sa talata 15: “At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.” Kung ang mundo ay “nilinis na mula sa lahat ng impluwensya ng kasamaan,” gaya ng pinaniniwalaan ng mga nagsusulong ng Kingdom Now, bakit kinakailangan Niya ang isang matalas na tabak upang sugatan ang mga bansa, at bakit ang kanyang poot at galit ay nananatili laban sa kanila?

Ang teolohiya ng Kingdom Now ay isa sa mahabang listahan ng mga huwad na katuruan at produkto ng mapanlinlang na pilosopiya ng mga tao na ipinagpipilitan sa kanilang imahinasyon na gawing tulad sa tao ang Diyos at gawing tulad sa Diyos ang tao. Ang paniniwalang ito ay dapat na iwasan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang katuruan na ngayo na ang kaharian o kingdom now?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries