settings icon
share icon
Tanong

Ano ba ang kaibahan sa pagitan ng kaluluwa at espiritu ng tao?

Sagot


Ano ba ang kaibahan ng espiritu sa kaluluwa? Ang espiritu, ay tumutukoy sa hindi materyal na sangkap ng tao. Ang lahat ng tao ay may espiritu, subalit hindi tayo espiritu lamang. Gayon man, sa Kasulatan, tanging ang mga mananampalataya o yaong mga pinananahanan ng Banal na Espiritu lamang ang buhay pagdating sa espiritwal (1 Corinto 2:11; Hebreo 4:12; Santiago 2:26). Ang mga hindi naman mananampalataya ay patay sa espiritu (Efeso 2:1-5; Colosas 2:13). Sa mga isinulat ni Pablo, malaki ang ginagampanan ng espiritu sa espiritwal na buhay ng isang mananampalataya (1 Corinto 2:14; 3:1; 15:45; Efeso 1:3; 5:19; Colosas 1:9; 3:16). Ang espiritu ay ang sangkap ng tao na nagbibigay sa kanya ng kakayahan na magkaroon ng malapit na kaugnayan sa Diyos. Sa tuwing ginagamit ang salitang espiritu sa Bibliya, ito ay tumutukoy sa hindi materyal na sangkap ng tao pati na ang kanyang kaluluwa.

Ang salitang kaluluwa ay hindi lamang tumutukoy sa imateryal na sangkap ng tao kundi tumutukoy din ito sa materyal na sangkap. Ang tao ay kaluluwa. Ang salitang "kaluluwa" ay nangangahulugang "buhay." Gayon man ang Bibliya ay nagbigay pa ng ilang mga sangkap ng kaluluwa na hindi lamang nangangahulugan ng buhay. Ang isa sa mga sangkap na ito ay ang kagustuhan ng tao na gumawa ng kasalanan (Lucas 12:26). Normal sa tao ay maging masama at dahil dito ang kanyang kaluluwa ay may bahid ng kasalanan. Ang buhay ay inaalis sa pisikal na sangkap ng tao sa panahon ng pisikal na kamatayan (Genesis 35:18; Jeremias 15:2). Ang ‘kaluluwa’ at ang ‘espiritu’ ay ang sentro ng espiritwal at emosyonal na mga karanasan ng tao (Job 30:25; Awit 43:5; Jeremias 13:17). Sa tuwing ang salitang kaluluwa ay ginagamit sa Bibliya tumutukoy ito sa kabuuan ng isang tao, buhay man o patay.

Ang kaluluwa at espiritu ay magkapareho sa paraang sila ay ginamit sa espiritwal na buhay ng isang mananampalataya. Magkaiba lamang sila pagdating sa kanilang gawain. Napakahalaga na maunawaan na kapwa ito tumutukoy sa hindi materyal na bahagi ng tao, subalit tanging ang ‘espiritu’ lamang ang may kakayahang dalhin ang isang tao sa malapit na kaugnayan sa Diyos. Ang ‘kaluluwa’ naman ay tumutukoy sa materyal at hindi materyal na sangkap at katangian ng tao.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ba ang kaibahan sa pagitan ng kaluluwa at espiritu ng tao?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries