Tanong
Paano natin malalaman kung kailan isinulat ang mga aklat sa Bibliya?
Sagot
Meron tayong ilang batayan upang malaman kung kailan isinulat ang bawat isang aklat sa Bibliya: kumbinasyon ng panloob at panlabas na patunay, partikular sa Lumang Tipan at mga tradisyonal na tala.
Ang panloob na patunay ay maaring binubuo ng istilo ng pagsulat at mga taong nabanggit o mga lugar na tumpak ang petsa. Halimbawa, habang ang aklat ni Ruth ay itinatakdang naisulat sa panahon ng mga hukom, ipinuwesto ng mga iiskolar ang istilo ng panitikang katulad noong panahon ng monarkiya sa Israel na batay sa ibang mga sulat ay mas tumpak na nalaman ang petsa ng pagkasulat sa panahong yaon. Ang pagbanggit kay David (Ruth 4:17, 22) ay nagpapahiwatig din na naganap ang pagsulat sa isang panahon bago ang paghahari ni David.
Isa pang halimbawa: ang aklat ni Daniel na gumamit ng pampanitikang istilo at salitang Persia at Griyego na ibinilang sa panahon ng Dakilang Ciro (ca. 530 B.C.). Ang pangwikang patunay mula sa balumbon sa Dead Sea ay nagbibigay ng totoong petsa ng mga salitang Hebreo at Aramaiko at pagsulat mula sa ikalawa at ikatlong siglo bago si Cristo, habang sinasabi ng ilan na ang petsa ng pagkasulat ng Daniel ay hindi tumutugma sa mga petsang nakita sa Daniel na isinulat sa ikaanim na siglo bago si Cristo.
Ang ibang panloob na patunay ay maaaring ang mga ikinababahala na tinutukoy ng manunulat. Halimbawa, ang dalawang aklat ng Cronica na naghahayag ng kasaysayan ng mga Judio at kung paano sila nahatulan ng Diyos sa pamamagitan ng pagtatapon sa Babilonia. Ayon sa kinaugalian, ang mga iskolar ay naniniwala na si Ezra ang sumulat ng mga aklat na ito, sapagkat ang sumunod na dalawang aklat ng Ezra at Nehemias na si Ezra din ang sumulat, ay tumatalakay sa pagbabalik mula sa pagkatapon at sa pangangailangan ng pagsunod sa Kautusan ng Diyos at pareho silang naisulat sa halos magkatulad na istilong pampanitikan.
Ang petsa ng pagbalik mula sa pagkabihag na nagsimula sa ilalim ng pamamahala ng Dakilang si Ciro ay maaring maiugnay sa tala ng kasaysayang labas sa Bibliya na naglalagay sa kanyang paghahari mula sa tinatayang 559 taon hanggang 530 taon bago si Cristo. Ang pagtatalaga sa bagong templo sa Jerusalem noong 516 taon bago si Cristo ay pinatutunayan ng mga tala ni Darius I, at ang ikalawang pagbabalik mula sa pagkabihag ay pinayagan sa ilalim ni Artaxerxes I na alam natin na naghari sa Babilonia mula noong 465 hanggang 424 B.C. Ang lahat ng ito ay nakatutulong sa atin upang mas mailagay ng mas malapit kung kalian ang petsa ng pagsulat sa mga aklat sa Lumang Tipan. Ang mga iskolar ng Bibliya ay gumagamit kaparehong paglilinaw upang malaman ang petsa ng pagkasulat sa ibang mga aklat sa Lumang Tipan.
Sa Bagong Tipan, ang mga aklat ay karaniwang nilalagyan ng petsa ayon sa paksang tinatalakay ng manunulat. Halimbawa, ang lumalawak na kasabihang gnostiko at ang dami ng pagbanggit sa mga ito sa ibang aklat sa Bagong Tipan at sa pagtukoy sa mga pangyayari katulad ng ambagan ng mga Kristiyano para sa mga nangangailangan sa Jerusalem na tinalakay sa aklat ng Roma at 1 at 2 Corinto. Mayroon din tayong makasaysayan at hindi makabibliyang mga tala katulad ng sa Judiong mananalaysay na si Flavius Josephus upang magpatunay sa mga pangyayari na inilarawan sa Bibliya.
Ang mga Ebanghelyo ay madalas na nalalagyan ng petsa ng pagkasulat ayon sa mga bagay na hindi binabanggit: Halimbawa, hinulaan ang pagkawasak ng Jerusalem sa Mateo 24: 1-2, at alam natin mula sa mga mananalaysay katulad ni Josephus na ang lunsod ay bumagsak noong 70 AD. Tila lohikal na kung ang isang tanyag na hula na katulad nito ay nagkaroon ng katuparan bago ang pagsulat sa mga Ebanghelyo, dapat sana ay nabanggit din ang hulang ito kagaya ng pagbanggit sa natupad na hula ng muling pagkabuhay ni Cristo na matatagpuan sa Juan 2:19, 22.
Mahalagang pansinin na kahit na sa grupo ng mga iskolar na naniniwala na ang Bibliya kinasihan at walang pagkakamaling Salita ng Diyos, may ilang hindi nagkakasundo sa paglalagay ng petsa ng pagkasulat sa mga aklat sa Bibliya. Ang isang magandang salin Bibliya gaya ng NIV Study Bible o komentaryo ay nagpapakita ng ibat ibang linya ng ebidensya para sa paglalagay ng petsa sa mga aklat.
English
Paano natin malalaman kung kailan isinulat ang mga aklat sa Bibliya?