settings icon
share icon
Tanong

Kailan isinulat ang mga Ebanghelyo?

Sagot


Mahalagang maunawaan na ang pagtatakda ng eksaktong petsa ng pagkasulat sa mga Ebanghelyo at ibang aklat sa Bagong Tipan ay isa lamang matalinong pagtantiya o dili kaya ay isang hangal na haka-haka. Halimbawa, ang mga naimungkahing petsa ng pagsulat sa Ebanghelyo ni Mateo ay sumasaklaw mula AD 40 sa pinakamaaga hanggang sa pinakahuling bahagi ng AD 140. Ito ang malawak na saklaw na mga petsa ayon sa mga iskolar at nagpapahiwatig ng personal na kalikasan ng pagtatakda ng mga petsa. Sa pangkalahatan, makikita na ang pagpapalagay ng mga iskolar ay ganap na nakakaimpluwensya sa pagtatakda ng petsa ng mga Ebanghelyo.

Halimbawa, sa nakaraan, maraming liberal na teologo ang nagtalo-talo para sa mas huling pagtukoy sa petsa ng pagkasulat ng maraming aklat sa Bagong Tipan kaysa sa kanilang paggarantiya na tama o wasto sa isang pagtatangka na siraan o pagdudahan ang nilalaman at pagiging totoo ng mga Ebanghelyo. Sa isang banda, maraming iskolar ang tumitingin sa mas maagang petsa ng pagkasulat sa mga aklat sa Bagong Tipan. May ilan na naniniwala na may magandang argumento para suportahan ang pananaw na ang buong Bagong Tipan, kasama ang aklat ng Pahayag ay isinulat bago ang pagkawasak ng Jerusalem noong AD 70. Ito ang ating pinaninindigang edidensya na sumusuporta sa mas maagang petsa kaysa sa mas huling petsa.

May mga iskolar na naniniwala na ang Ebanghelyo ni Mateo ay isinulat na kasing aga ng sampu hangang labingdalawang taon bago ang kamatayan ni Cristo. Yaong mga nananangan sa mas maagang panahon ng pagkasulat ng Ebanghelyo ni Mateo ay naniniwala na una niyang isinulat ang Ebanghelyo sa wikang Arameo at pagkatapos, ito ay isinalin sa wikang Griyego. Ilan sa mga patunay para sa mas maagang petsa ng pagkasulat sa Ebanghelyo ni Mateo ay ang mga unang lider ng Iglesya katulad ni Irenaeus, Origen, at Eusebius na nagtala na unang isinulat ni Mateo ang Ebanghelyo para sa mga mananampalatayang Judio habang siya ay naninirahan sa Palestina. Sa katunayan, si Eusebius (isang obispo sa Caesarea at nakilala bilang ama ng kasaysayan ng Simbahan) ay nagsabi na isinulat ni Mateo ang Ebanghelyo bago niya nilisan ang Palestina upang mangaral sa ibang bayan na ayon sa kanya ay naganap labindalawang taon pagkatapos ng kamatayan ni Cristo. Ang ilang iskolar ay naniniwala na maaaring ito ang lugar kung saan naganap ang pagsulat ng aklat ng Mateo na kasing aga ng AD 40-45 at pinakahuli noong AD 55.

Kahit na ang mga Ebanghelyo ay hindi naisulat hanggang tatlumpung taon pagkatapos ng kamatayan ni Cristo, maaari pa ding ipalagay na ang pagkasulat ay bago ang pagkawasak ng Jerusalem noong AD 70. Naglalahad ito na walang pangunahing problema sa pamantayang ito. Ang pagpasa-pasa ng tradisyon at pangangaral ay pangkaraniwan sa kultura ng mga Judio noong mga araw na iyon at ang pagkakabisa ng tadisyon ay lubos na nililinang at sinasanay. Gayundin, ang katotohanan na wala sa mga mabibigat na pananalita ni Jesus ang inalis mula sa mga tala ng Ebanghelyo ay sumusuporta sa kawastuan ng Ebanghelyo. Kung sakali man na ang mga Ebangehelyo ay na-edit bago maisulat, gaya ng pinangangatawanan ng ilang liberal na iskolar, lalabas na ito ay isang napakahinang pagpapabulaan. Nagtira ang mga manunulat ng maraming mabibigat na mga pananalita at mga tala na hindi katanggap-tanggap sa kultura at hindi sumasang-ayon sa pananaw ng nakararami na kinakailangang ipaliwanag. Isang halimbawa nito na ang mga pinakaunang saksi ng muling pagkabuhay ni Cristo ay mga babae na hindi itinuturing nga mga kapani-paniwalang saksi ng kultura ng panahong iyon.

Ang pinakasentrong argumento para sa mga Kristiyano ay ito—kung totoo man o hindi na ang mga Ebanghelyo ay isinulat agad pagkatapos ng kamatayan ni Cristo, o hanggang tatlumpung taon pagkatapos ng Kanyang kamatayan, hindi iyon ang mahalaga sapagkat ang kanilang kawastuan at kapangyarihan ay hindi nakasalalay kung kailan sila naisulat kundi sa kung ano sila: ang mga Salitang kinasihan ng Diyos (2 Timoteo 3:16). Dapat din nating alalahanin na ang isa sa mga pangako ni Jesus na Kanyang ibinigay sa kanyang mga alagad ay magsusugo Siya ng “isa pang katulong,” ang Banal na Espiritu na magtuturo sa kanila ng lahat ng bagay at “magpapaalala sa kanila ng lahat ng sinabi Niya sa kanila” (Juan 14:26). Kaya, kung totoo man na iilang taon o maraming taon pagkatapos ng kamatayan ni Cristo naisulat ang Ebanghelyo, mayroon tayong buong pagtitiwala at pananampalataya sa kanilang pagiging kumpleto at kawastuan na nalalaman na sila ay isinulat ng mga “taong kinasihan ng Banal na Espiritu” (2 Pedro 1:21), na eksaktong itinala ang mga salita ng Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Kailan isinulat ang mga Ebanghelyo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries