settings icon
share icon
Tanong

Ano ang kalikasan ng tao? Ano ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa kalikasan ng tao?

Sagot


Ang kalikasan ng tao ang dahilan kung bakit tayo tao. Ang pagkakaroon natin ng emosyon at katalinuhan ang kaibhan ng ating kalikasan sa kalikasan ng mga hayop at ng lahat ng iba pang nilikha ng Diyos. Ang isa sa natatanging kaibahan ng mga tao sa lahat ng nilikha ay ang ating kakayahang mangatwiran. Walang ibang nilikha ang may ganitong kakayahan at walang kwestyon na ang natatanging kaloob na ito ay ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Ang ating pangangatwiran ang nagbibigay sa atin ng kakayahan na maipakita ang ating kalikasan at ang ating pagiging kawangis ng Diyos gayundin ang kakayahan na maunawaan ang kalooban ng Diyos para sa kanyang nilikha. Walang ibang linikha ng Diyos ang may kakayahang mangatwiran gaya ng tao.

Itinuturo ng Bibliya na nilikha ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang wangis. Nangangahulugan ito na binigyan Niya tayo ng kakayahan na magkaroon ng ilang pangunawa sa Kanya at sa Kanyang malawak at kumplikadong disenyo. Ang ating kalikasan bilang tao ang naglalarawan ng ilang mga katangian ng Diyos, bagamat sa isang limitadong paraan. Umiibig tayo dahil nilikha tayo ayon sa wangis ng Diyos na Diyos ng pag-ibig (1 Juan 4:16). Dahil nilikha tayo ayon sa Kanyang wangis, maaari tayong maging mahabagin, tapat, totoo, moral, matiyaga at makatarungan. Ngunit ang mga katangiang ito ay sinira ng kasalanan na nananahan din sa ating kalikasan.

Sa orihinal, ang kalikasan ng tao (ni Adan) ay perpekto sa bisa ng perpektong paglikha ng Diyos. Itinuturo ng Bibliya na nilikha ng mapagmahal na Diyos ang tao na ‘napakabuti’ (Genesis 1:31), ngunit ang kabutihang iyon ay dinungisan ng kasalanan ni Eva at Adan. Dahil dito, ang sangkatauhan ay nagkaroon ng makasalanang kalikasan. Ngunit may mabuting balita: sa sandaling magtiwala ang isang tao kay Kristo, tatanggap siya ng bagong kalikasan. Sinasabi sa atin sa 2 Corinto 5:17, “Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago!” Ang pagpapaging banal ay isang proseso kung saan hinuhubog ng Diyos ang ating bagong pagkatao at pinalalago tayo sa kabanalan sa pagdaan ng panahon. Ito ay nagpapatuloy na proseso na kinapapalooban ng maraming tagumpay at kabiguan habang nakikipagbaka ang bagong pagkatao sa kanyang ‘tolda’ (2 Corinto 5:4) kung saan ito naninirahan – ang lumang pagkatao, ang kanyang lumang kalikasan, ang kanyang laman. Ang ating bagong pagkatao ay makalalaya lamang sa lumang pagkatao kung gawin na tayong maluwalhati sa langit upang manahan doon ng walang hanggan sa presensya ng Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang kalikasan ng tao? Ano ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa kalikasan ng tao?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries