settings icon
share icon
Tanong

Bakit napakahalga ang kalinisang sekswal?

Sagot


Ibinigay ng Diyos sa lalaki at babae ang kasiyahan ng relasyong sekswal sa konteksto ng pagaasawa at malinaw ang katuruan ng Bibliya tungkol sa kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisang sekswal para sa lalaki at babae na pinagisa ng matrimonyo ng kasal (Efeso 5:31). Alam ng tao ang kasiyahang dulot ng regalong ito mula sa Diyos ngunit ninanais ng tao ang kasiyahang dulot nito ng labas sa kasal sa halos lahat ng pagkakataon. Ang pilosopiya ng mundo na "kung masarap sa iyong pakiramdam, gawin mo" ang naghahari sa ating kultura, lalo na sa Kanluran hanggang sa punto na naging makaluma na at hindi na pinapahalagahan ang kalinisang sekswal.

Ngunit tingnan natin ang sinasabi ng Diyos patungkol sa kalinisang sekswal: "Kalooban ng Diyos na kayo'y maging banal at kayo'y umiwas sa lahat ng uri ng pakikiapid. Bawat isa sa inyo'y matutong makipagrelasyon sa kanyang asawa sa paraang banal at marangal, hindi gaya ng mga paganong nagpapaalipin sa masamang pagnanasa, palibhasa'y hindi nakakakilala sa Diyos... Sapagkat tinawag tayo ng Diyos hindi para sa kahalayan kundi sa malinis na pamumuhay" (1 Tesalonica 4:3–5, 7). Inilista sa mga talatang ito ang mga dahilan ng Diyos para sa kalinisang sekswal sa buhay ng Kanyang mga anak.

Una, tayo ay "pinaging banal" at dahil dito, dapat tayong umiwas sa imoralidad. Ang salitang Griyego na isinalin sa salitang Tagalog na 'pinaging banal' ay literal na nangangahulugang "nilinis," "ginawang banal," "itinalaga [para sa Diyos]." Bilang mga Kristiyano, dapat tayong mamuhay ng may kalinisan dahil ginawa na tayong banal sa pamamagitan ng pagpapalit sa ating mga kasalanan ng katuwiran ni Kristo doon sa krus at pinaging bagong nilalang na tayo ng Diyos (2 Corinto 5:17–21). Ang ating lumang pagkatao, kasama ang lahat ng karumihan nito, sa sekswal at sa lahat ng kasalanan ay namatay na at ngayon ang buhay na ating taglay ay ating ipinamumuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya na namatay para sa atin (Galatia 2:20). Ang pagpapatuloy sa kasalanang sekswal ay pagtanggi sa mga ginawa ng Diyos para sa atin at nagpapahiwatig na maaaring hindi tunay na isinilang namuli ang isang tao. Ang proseso ng pagpapatuloy sa kabanalan ay isang proseso kung saan ginagawa tayong kawangis ni Kristo sa Kanyang kabanalan at isang mahalagang ebidensya sa katotohanan ng ating kaligtasan.

Makikita din natin sa 1 Tesalonica 4:3–5 ang pangangailangan ng pagkontrol sa ating katawan. Kung babagsak tayo sa sekswal na imoralidad, isa itong ebidensya na hindi tayo napupuspos ng Banal na Espiritu dahil hindi natin taglay ang isa sa mga bunga ng Espiritu – ang pagpipigil sa sarili. Ipinapakita ng lahat ng tunay na mananampalataya ang mga bunga ng Espiritu (Galatia 5:22–23) sa isang mataas o mababang antas depende sa pagpapasakop natin sa gawa ng Espiritu sa ating mga buhay. Ang hindi makontrol na pagnanasang sekswal ay isang gawa ng laman (Galatia 5:19), hindi ng Espiritu. Kaya ang pagkontrol sa makalamang pagnanasa at pamumuhay sa sekswal na kalinisan ay mahalaga sa sinuman na nagaangkin na siya ay isang mananampalataya. Kung ginagawa natin ito, napararangalan natin ang Diyos sa ating mga katawan (1 Corinto 6:18–20).

Alam natin na sinasalamin ng mga utos at disiplina ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin. Ang pagsunod sa Kanyang mga salita ay makatutulong sa atin sa ating pamumuhay dito sa lupa. Sa pagpapanatili ng kalinisang sekswal bago ang pagaasawa, naiiwasan natin ang mapangaliping emosyon na maaaring makaapekto sa ating relasyon at sa buhay may asawa sa hinaharap. Gayundin, sa patuloy na pagiging malinis ng ating higaan (Hebreo 13:4), mararanasan natin ang walang reserbasyong pag-ibig para sa ating kapareha, na nahihigitan lamang ng dakilang pag—ibig ng Diyos sa atin.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit napakahalga ang kalinisang sekswal?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries