settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagtulog ng kaluluwa?

Sagot


Ang "pagtulog ng kaluluwa" ay isang paniniwala na pagkatapos mamatay ng isang tao, ang kanyang kaluluwa ay "matutulog" bago maganap ang muling pagkabuhay ng katawan at ang paghuhukom. Ang konsepto ng "pagtulog ng kaluluwa" ay hindi ayon sa Bibliya. Kapag inilalarawan ng Bibliya ang isang tao na "natutulog" patungkol sa kamatayan (Lukas 8:52; 1 Corinto 15:6), hindi iyon nangangahulugan ng literal na pagtulog. Ang "pagtulog" ay isa lamang paraan upang ilarawan ang kamatayan dahil ang katawan ng namatay ay mukhang natutulog. Sa oras na tayo ay mamatay, haharap tayo sa paghuhukom ng Diyos (Hebreo 9:27). Para sa mga mananampalataya, ang lumisan sa katawan ay makasama ang Panginoon (2 Corinto 5:6-8; Filipos 1:23). Para sa mga hindi mananampalataya, ang kamatayan ay nangangahulugan ng walang hanggang kaparausahan sa impiyerno. (Lukas 16:22-23).

Bago ang huling pagkabuhay ng mga patay, mayroong pansamantalang langit - ang Paraiso (Lukas 23:43; 2 Corinto 12:4) at pansamantalang impiyerno - ang Hades (pahayag 1:18; 20:13-14). Gaya ng makikita ng malinaw sa Lukas 16:19-31, hindi natutulog ang taong namatay kahit sa Paraiso o Hades. Kaya't masasabi na ang katawan ng tao ay "natutulog" habang ang kanyang kaluluwa ay nasa Paraiso o Hades. Sa pagkabuhay ng mga patay, ang katawang ito ay "gigisingin" at babaguhin at gagawing isang katawan na walang kamatayan na mabubuhay sa walang hanggan, sa impiyerno o sa langit. Ang mga nangasa-Paraiso ay dadalhin sa bagong langit at bagong lupa (Pahayag 21:1). Ang mga nasa Hades naman ay itatapon sa lawang apoy (Pahayag 20:11-15). Ito ang mga huli at eternal na destinasyon ng lahat ng tao - na nakabase sa kung ang isang tao ay nagwalang bahala o nagtiwala kay Hesu Kristo para sa kaniyang kaligtasan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagtulog ng kaluluwa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries