settings icon
share icon
Tanong

Ang kaluluwa ba ng tao ay mortal o imortal?

Sagot


Walang pagdududa na ang kaluluwa ng tao ay imortal o hindi namamatay. Malinaw itong makikita sa buong Kasulatan, sa Luma at Bagong Tipan: Awit 22:6; 23:6; 49:7-9; Mangangaral 12:7; Daniel 12:2-3; Mateo 25:46 at 1 Corinto 15:12-19. Sinasabi sa Daniel 12:2, "Marami sa mga natutulog sa alabok ng lupa ay magigising, ang iba'y tungo sa buhay na walang hanggan, at ang iba'y tungo sa kahihiyan at sa walang hanggang paghamak." Gayundin sinabi ni Hesus mismo na ang mga masama "ay mapupunta sa walang hanggang kaparusahan ngunit ang mga matuwid ay sa buhay na walang hanggan" (Mateo 25:46). Sa magkaparehong Griegong salita na ginamit upang tumukoy sa ‘parusa’ at ‘buhay,’ malinaw na parehong ang masama at matuwid ay mayroong imortal na kaluluwa.


Walang pagkakamaling itinuturo ng Bibliya na ligtas man ang tao o hindi, siya ay hindi mamamatay kailanman sa halip ay mabubuhay ng walang hanggan sa apoy man o sa impiyerno. Ang buhay ay hindi titigil pagkatapos mamatay ng ating katawang lupa. Ang ating mga kaluluwa ay mabubuhay magpakailanman, sa presensya ng Diyos sa langit kung tayo ay ligtas, o sa pagdurusang walang hanggan sa impiyerno kung ating tinanggihan ang biyaya ng kaligtasan. Ang totoo, hindi lamang ipinangako ng Bibliya na ang ating kaluluwa ay mabubuhay magpakailanman kundi bubuhayin din naman ang ating mga namatay na katawan. Ang pag-asang ito ng pagkabuhay na muli ng katawan ang pinakasentro ng pananampalatayang Kristiyano (1 Corinto 15:12-19).

Habang ang lahat ng kaluluwa ay imortal, mahalagang tandaan na hindi tayo eternal na gaya ng Diyos. Ang Diyos lamang ang tanging eternal na persona dahil Siya lamang ang walang pasimula at walang wakas. Ang Diyos ay naroon na sa walang hanggan, sa simula pa at manananatili Siya magpakailanman. Ang lahat ng iba pang mga nilalang, maging tao man o anghel ay may pasimula. Habang ang ating mga kaluluwa ay mabubuhay ng walang hanggan ng tayo ay buhayin, hindi sinusuportahan ng Bibliya ang konsepto na ang ating kaluluwa ay naroon na noon pa man. Ang ating kaluluwa ay walang kamatayan, gaya ng pagkalikha ng Diyos, ngunit ito ay may pasimula.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ang kaluluwa ba ng tao ay mortal o imortal?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries