settings icon
share icon
Tanong

Paano ako magdedesisyon kung anong misyon/organisasyon/charity/ ang aking susuportahan sa pinansyal?

Sagot


Sa napakaraming mga organisasyon na tumatanggap ng donasyon, paano gagawa ng matalinong desisyon ang isang Kristiyano patungkol sa kung kanino o saan magbibigay ng donasyon? Anong simulain, misyon, organisasyon, o pagkakawanggawa ang pinaka-nararapat na bigyan ng tulong? Paano mailalaan ang pera na may pinakamalaking posibleng benipisyo para sa walang hanggan? Marami ang nahihirapan sa mga katanungang ito. Narito ang ilang mga prinsipyo para maging mas madali ang pagdedesisyon.

Kanino magbibigay ng donasyon? — Tamang Doktrina
"Kaya naman ituro mo ang mga bagay na angkop sa wastong aral" (Tito 2:1).
Ang organisasyon/misyon/charity ba ay nagpapahayag ng Ebanghelyo ni Jesu Cristo at pinaninindigan ang awtoridad ng Salita ng Diyos? Ang pangunahing layunin ba ng lahat na ginagawa ng ministeryo ay ang pagtupad sa Dakilang Utos, pageebanghelyo sa mga naliligaw at pagdidisipulo sa mga mananampalataya upang maging mga tapat na tagasunod ni Jesu Cristo? (Mateo 28:19–20; Gawa 1:8)? Kung ang pangunahing pansin ng isang organisasyon ay para maging mga kamay at paa ni Jesus sa paglilingkod sa pisikal na pangangailangan ng mga tao, ang Ebanghelyo pa rin ba ang pangunahin sa lahat nitong ginagawa?

Kanino magbibigay ng donasyon? — Pagiging epektibo at Kasanayan
"Ngunit ang mga binhing nahasik sa matabang lupa ay namunga; may tig-iisandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu" (Mateo 13:8).
Bumabago ba ng buhay ang isang simulain/misyon/organisasyon/charity? Aktwal bang nagagampanan ng organisasyon ang misyon, layunin at simulain nito? Nagpapakita ba ang organisasyon ng kasanayan sa paglutas sa mga problema? Sa isang masikip na larangan, namumukod-tangi ba ang isang organisasyon sa iba sa pagimpluwensya sa buhay ng mga tao?

Kanino magbibigay ng donasyon? — Pangangasiwa
"Ang katiwala'y kailangang maging tapat sa kanyang panginoon" (1 Corinto4:2).
Matalino ba ang paggamit ng isang ministeryo sa pera nito? Ginagamit ba ng organisasyon ang pinansyal nito sa mga bagay na talagang kinakailangan? Gaya ng talinghaga tungkol sa talento, ibinabaon ba ng organisasyon ang kayamanan nito o ginagamit para sa gawain ng kaharian ng Diyos? Ang inuuna bang gastusan ng isang misyon ay sang-ayon sa prayoridad na inilatag sa Salita ng Diyos?

Kanino magbibigay ng donasyon? — Pananagutan
"Ang isang balak na mabilis ay di papakinabangan, ngunit ang planong pinag-aralan ay magtatagumpay." (Kawikaan 15:22).
Bukas at tapat ba ang organisasyon patungkol sa pananalapi at mga desisyon nito? May isa bang tao na may napakalaking impluwensya na laging nasusunod o may balanse sa pakikilahok ng mga tao para sa mahahalagang desisyon? Bukas ba ang pamunuan sa pagpapayo ng iba (Kawikaan 27:17)? Handa ba ang misyon na ipakita at ipaalam sa sinumang nais magsiyasat ang lahat ng impormasyon nito patungkol sa pananalapi? Bukas ba ang organisasyon sa kritisismo, o sarado sa saloobin ng iba? (Kawikaan 27:6)?

Kanino magbibigay ng donasyon? — Panalangin
"Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan" (Mateo 7:7).
Humingi ka sa Diyos ng karunungan patungkol sa kung saan Niya gustong ibigay ang iyong salapi para sa ministeryo (Santiago 1:5). Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka ng masidhing pagnanais para sa mga bagay na nais mong ipagkaloob. Hilingin mo sa Diyos na gawin Niyang malinaw para sa iyo kung paano ka magsasakripisyo ng iyong pinansyal para sa walang hanggang pakinabang.

Kanino magbibigay ng donasyon? — Magtiwala sa Diyos at Magbigay
"Ito ang ibig kong sabihin: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim ng marami ay aani ng marami. Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa kanyang pasya, maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay nang may kagalakan" (2 Corinto 9:6–7).

Habang ang mga prinsipyo sa itaas ay makakatulong, walang eksaktong sagot sa Bibliya para sa katanungang ito. Naniniwala kami na habang ang pagbibigay ng isang Kristiyano ay pangunahing para sa isang lokal na iglesya na kanyang dinadaluhan, may napakalaking kalayaan tayo para sa isyung ito. Dapat bang suportahan ng isang Kristiyano ang isang programa na nagii-sponsor o nagdo-donate sa mga bata na sa huli ay nagreresulta sa human trafficking? Dapat bang magbigay ang isang kristiyano sa isang rescue shelter o sa isang pang-buong mundong ebanghelismo o outreach? Walang pangkalahatang tama o maling sagot para sa mga katanungang ito. Ito ay desisyon na ayon sa discernment, prayoridad at interes ng isang mananampalataya.

Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka ng interes sa isang outreach na nais Niyang suportahan mo. Magsaliksik ka ng mga organisasyon/misyon/charity na isinasaalang-alang ang mga prinsipyong nabanggit sa itaas. Pagkatapos, magbigay ka!

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paano ako magdedesisyon kung anong misyon/organisasyon/charity/ ang aking susuportahan sa pinansyal?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries