Tanong
Papaanong ang Kapangyarihan ng Diyos at ang kalayaang pumili ng tao ay magkasabay na gumagawa para sa kaligtasan?
Sagot
Imposible para sa atin upang lubos na maunawaan ang relasyon ng Kapangyarihan ng Diyos at ang kalayaang pumili ng tao. Tanging ang Diyos lamang ang ganap na nakakaunawa at nakakaalam kung papaano magkasabay na gumagawa ang dalawang ito.
Malinaw na sinasabi sa Bibliya na alam ng Diyos kung sino ang maliligtas (Roma 8: 29; 1 Pedro 1:2). At hindi lang Niya alam kundi Siya rin ang pumili sa maliligtas. Sinasabi sa atin ng Efeso 1: 4 na pinili tayo ng Diyos "bago pa man nilalang ang sanlibutan." Paulit-ulit na inilarawan ng Bibliya ang mga mananampalataya bilang mga taong "pinili" o "hinirang" (Roma 8:33; 11:5; Efeso 1:11; Colosas 3:12; 1 Tesalonica 1:4; 1 Pedro 1:2; 2:9) ang mga "pinili" (Mateo 24:22, 31; Marcos 13:20, 27; Roma 11:7; 1 Timoteo 5:21; 2 Timoteo 2:10; Tito 1:1; 1 Pedro 1:1). Ang katotohanang ang mga mananampalataya ay pinili na noon pa man (Roma 8:29-30; Efeso 1:5, 11) at tinawag sa takdang panahon (Roma 9:11; 11:28; 2 Pedro 1:10) ang dahilan ng katiyakan ng ating kaligtasan.
Sinasabi din ng Bibliya na mayroon tayong kalayaang pumili - ang dapat nating gawin ay manampalataya kay Hesu Kristo upang tayo ay maligtas (Juan 3:16; Roma 10:9-10). Alam ng Diyos kung sino ang maliligtas, at Siya ang pumipili kung sino ang maliligtas, ngunit dapat din nating piliin si Kristo upang tayo ay maligtas. Kung papaano ang tatlong katotohanang ito ay magkasabay na gumagawa ay imposibleng ganap na maunawaan ng limitado nating kaisipan (Roma 11:33-36). Ang ating responsibilidad ay ipalaganap ang Ebanghelyo sa buong mundo (Mateo 28:18-20; Mga Gawa 1:8). Hayaan na natin sa Diyos ang "pagpili" at "pagtatalaga sa Kanyang mga hinirang" at maging tapat na lang tayong tagapagpalaganap ng Ebanghelyo. Huwag na nating pakialaman ang mga bagay na tanging Siya lamang ang ganap na nakakaalam.
English
Papaanong ang Kapangyarihan ng Diyos at ang kalayaang pumili ng tao ay magkasabay na gumagawa para sa kaligtasan?