settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paghahanap ng kapayapaan ng isipan?

Sagot


Nakararaming tao na ang pakahulugan sa "kapayapaan ng isipan" ay ang kawalan ng problema at kabalisahan. Ang tanging talata na kapareho ng "kapayapaan ng isipan" ay makikita sa 2 Corinto 2:13 kung saan sinasabi ni Pablo na hindi siya "mapanatag" dahil hindi niya nakita si Tito sa Troas. Ang literal na salin ng pariralang ito ay "kapahingahan ng aking espiritu."

Ginagamit ng Bibliya ang salitang kapayapaan sa iba't ibang paraan. Minsan, ang kapayapaan ay tumutukoy sa isang estado ng pagkakaibigan sa pagitan ng tao at ng Diyos. Ang kapayapaang ito sa pagitan ng isang banal na Diyos at makasalanang sangkatauhan ay naganap sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo at nakakamtan "sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak na inialay sa krus" (Colosas 1:20). Sa karagdagan, bilang Punong Saserdote, pinapanatili ng ating Panginoong Jesus ang kalagayang ito ng pagkakaibigan para sa "lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, sapagkat siya'y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan para sa kanila" (Hebreo 7:25). Ang estadong ito ng pakikipagkaibigan sa Diyos ay isang kundisyon para sa ikalawang uri ng kapayapaan, na minsan ay tinutukoy na panatag na pagiisip. Kung "napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya" (Roma 5:1), saka lamang tayo makakaranas ng tunay na kapayapaan na isang bunga ng Banal na Espiritu, sa ibang salita, ang kanyang bunga ay nakikita sa atin (Galacia 5:22–23).

Sinasabi sa atin sa Isaias 26:3 na pananatilihin sa atin ng Diyos ang perpektong kapayapaan kung ang ating isipan ay nananatili sa Kanya, na nangangahulugan na ang ating isipan ay nakasandig sa Kanya, nakasentro sa Kanya, at nagtitiwala sa Kanya. Ang kapanatagan ng ating isipan ay perpekto kung ang ating isipan ay nananatili sa Diyos sa halip na sa ating sarili o sa ating mga problema. Ang kapayapaan ay nararanasan habang nananalig tayo sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagiging malapit sa atin ng Diyos gaya ng binabanggit Awit 139:1-12, at tungkol sa Kanyang kabutihan at kapangyarihan, at Kanyang kahabagan at pag-ibig sa Kanyang mga anak at ang Kanyang ganap na kapamahalaan sa lahat ng pangyayari sa ating mga buhay. Ngunit hindi tayo makakapagtiwala sa isang hindi natin nakikilala, kaya nga napakahalaga na makilala muna ang Prinsipe ng Kapayapaan, ang Panginoong Jesu Cristo.

Ang kapayapaan ay nararanasan bilang resulta ng panalangin, "Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus" (Filipos 4:6-7).

Ang isang payapang isip at puso at nararanasan bilang resulta ng pagkilala na ang isang marunong sa lahat at mapagmahal na Ama ay may layunin sa ating mga pagsubok. "Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin" (Roma 8:28).

Nagbibigay ang Diyos ng maraming mabubuting bagay, kasama ang kapayapaan sa gitna ng mga pagdurusa na ating nararanasan. Kahit na ang pagdidisiplina at pagsaway ng Panginoon ay nagdadala sa atin ng "kapayapaang bunga ng pagsasanay sa matuwid na pamumuhay" (Hebreo 12:11). Nagkakaloob ng mga iyon ng isang panibagong oportunidad para sa pag-asa sa Diyos at sa pagpupuri sa Kanya (Awit 43:5). Tinutulungan tayo ng mga iyon para tulungang aliwin ang iba kung dumadaan sila sa mga parehong pagsubok at kahirapan (2 Corinto 1:4), at "ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad" (2 Corinto 4:17).

Ang kapayapaan ng isip at kapanatagan ng espiritu na kasama nito at makakamtan lamang kung may tunay tayong kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng paghahandog ni Cristo sa krus bilang kabayaran para sa ating mga kasalanan. Ang mga sumusubok na makatagpo ng kapayapaan sa makamundong pamamaraan ay matutuklasan sa huli na sila ay nadaya. Gayunman, para sa mga Kristiyano, ang kapayapaan ng isip ay makakamtan sa pamamagitan ng isang malapit na kaalaman at ganap na pagtitiwala sa Diyos na "magbibigay ng lahat ng ating kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus" (Filipos 4:19).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paghahanap ng kapayapaan ng isipan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries