settings icon
share icon
Tanong

Mayroon bang kasalanan na hindi mapapatawad ng Diyos?

Sagot


Para sa isang anak ng Diyos na ipinanganak na muli, walang kasalanang hindi mapapatawad ng Diyos. Ang lahat ng kasalanan ay pinatawad na doon sa Krus para sa mga tunay na kay Kristo. Nang sabihin ni Hesus, "Naganap na" (Juan 19:30), idineklara Niya na binayaran na ng buo ang kabayaran ng lahat ng kasalanan. Ang salitang Griyego na isinalin sa Tagalog na "naganap na" ay tetelestai. Ang salitang ito ay ginagamit sa maraming kaparaanan. Ito ay ginagamit na pantatak upang patunayan na bayad na ang isang binili at ginagamit din ito na pantatak sa mga kaso ng isang kriminal matapos na makumpleto niya ang kanyang sentensya. Ang salitang tetelestai ay ipinapako din sa pintuan ng bahay ng isang kriminal upang patunayan na nabayaran na niya ng buo ang sentensya para sa kanyang ginawang krimen.

Makikita ang paglalapat ng transakyon ng krus sa pagitan ng Panginoong Hesu Kristo at ng Diyos Ama. Kinumpleto ni Hesus ang legal na transaksyon at binigyang kasiyahan Niya ang hinihingi ng katwiran ng Diyos bilang kabayaran ng kasalanan. Si Hesu Kristo ang naging handog sa ating "kasalanan" ang "Kordero ng Diyos na nagaalis ng kasalanan ng sanlibutan" (Juan 1:29). Nang mahiwalay ang Panginoong Hesu Kristo sa Kanyang Ama sa loob ng tatlong oras ng hindi pangkaraniwang kadiliman (Mateo 27:45), naselyuhan na ang kasunduan. Gaya ng mababasa natin sa Lukas, muling nakipagisa si Hesus sa Ama. "At si Hesus, na sumigaw ng malakas na tinig ay nagsabi, "Ama, sa mga kamay Mo ay ipinagtatagubilin ko ang Aking espiritu: at pagkasabi nito ay nalagutan Siya ng hininga" (Lukas 23:46). Kaya nga, ang kasalanan ng mga totoong mananampalataya ay binayaran na ni Hesus ng minsan magpakailanman.

Gayunman, may kundisyon para sa kapatawaran ng Diyos sa kasalanan. Dapat na lumapit ang tao sa Diyos sa pamamagitan lamang ni Hesu Kristo. "Sinabi sa kanya ni Hesus, "Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko" (Juan 14:6). Ang kapatawaran ng Diyos ay nakalaan para sa lahat ng mga lalapit sa Kanya (Juan 3:16), ngunit para sa hindi sumasampalataya sa Panginoong Hesu Kristo, wala ng kapatawaran pa para sa kanilang mga kasalanan (Gawa 10:43). Kaya nga ang tanging kasalanan na hindi mapapatawad ng Diyos sa panahong ito ng biyaya ay ang kasalanan ng mga taong nabuhay at namatay sa mundong ito na hindi sumampalataya kay Kristo. Kung ang isang tao ay nabuhay sa mundong ito ngunit hindi tinanggap ang probisyon na ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Hesu Kristo, pupunta siya sa walang hanggang pagdurusa at habampanahong mahihiwalay sa Diyos at hindi na sila mapapatawad pa magpakailanman.

Ang mga isinilang na muling mananampalataya ay nagkakasala pa rin naman at kung nakakagawa tayo ng kasalanan, inihihiwalay natin ang ating sarili mula sa Panginoon. Gayunman, nagbigay na ang Diyos ng probisyon para sa ating kasalanan. Inuusig ng Banal na Espiritu na nananahan sa bawat isinilang na muling mananampalataya, sa ating mga kasalanan at sa pagkakataong iyon, maaari tayong tumugon sa Diyos sa tamang paraan sa pamamagitan ng paghingi ng tawad at panunumbalik sa Kanya. Matapos na isilang na muli ang isang tao at tanggapin Siya ng Diyos bilang anak, walang anumang gawang makapagaalis ng Kanyang kaligtasan. Ngunit maaaring mawala ang ating magandang pakikisama sa Diyos maging ang kagalakan ng ating kaligtasan kung tayo ay magkakasala. Ito ay malulunasan sa pamamagitan ng pagpapahayag at pagsisisi sa ating mga kasalanan.

Ang unang sulat ni Juan ay isinulat para sa mga isinilang na muli, at may praktikal na impormasyon kung paano mananag-uli ang magandang relasyon ng mga mananampalataya sa Diyos. "Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa atingmga kalikuan" (1 Juan 1:9). Ang talatang ito, kung gagamitin ng tama, ay nagtuturo kung paano mapanunumbalik ng mananampalataya ang kanyang pakikisama sa Diyos pagkatapos niyang magkasala. "Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin" (1 Juan 1:8). Ngayon, dapat nating tandaan, na ang sulat na ito ay para sa mga isinilang na muling mga mananampalataya. Alam ng Diyos ang lahat tungkol sa atin at ang ating kakayahang magkasala, at dapat na hindi tayo magilusyon tungkol sa ating sarili.

Ang salitang "kung" sa simula ng 1 Juan 1:8 at 9 ay ikatlong klase ng "kung" sa salitang Griyego na nangangahulugan na "maaaring oo, maaaring hindi." Mayroong kundisyon dito; "kung ipahahayag natin." Ang salitang ito sa Griyego ay homologia, na nangangahulugan na "sabihin ang parehong bagay o banggitin ang kaso." Ang salitang "homo" ay nangangahulugan na "pareho" at ang "logia" ay nangangahulugan na "salita." Nangangahulugan ito na sumasang-ayon tayo sa Diyos na tayo ay nagkasala. Ngunit bilang mga isinilang na muling mananampalataya, ang lahat ng ating mga kasalanan ay pinatawad na. At dahil ito ay isang katotohanang panghustisya, kailangan nating lumakad sa liwanag at sa pakikisama sa Diyos dahil sa ating katayuan kay Hesu Kristo. "Ngunit kung tayo'y nasisilakad sa liwanag, na gaya Niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo ni Hesus na Kanyang Anak sa lahat ng kasalanan" (1 Juan 1:7). Hindi ito nagbibigay sa atin ng lisensya sa magpatuloy sa pagkakasala; sa halip, ang mga isinilang na muling mananampalataya ay lumalakad sa liwanag at sa pakikisama sa Diyos at mabilis na nagpapahayag ng kanilang mga kasalanan kung sila'y nagkakasala upang magpatuloy ang kanilang maayos na pakikisama sa Panginoong Hesu Kristo.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Mayroon bang kasalanan na hindi mapapatawad ng Diyos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries