settings icon
share icon
Tanong

Magkakaroon ba ng kasarian ang tao sa langit?

Sagot


Binabanggit sa Mateo 22:30 ang tungkol sa hindi pagaasawa ng mga tao pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli – magiging "tulad sila sa mga anghel." Gayunman, hindi ito nangangahulugan na ang mga tao sa langit ay walang kasarian. Ang pangngalang panlalaki, hindi pambalana, ang ginamit ng maraming beses sa Bibliya sa tuwing tinutukoy ang mga anghel. Kaya nga, walang indikasyon na ang mga anghel ay mga nilalang na walang kasarian.

Walang anumang katuruan sa Bibliya na nagpapahiwatig na mawawala ang kasarian ng tao sa langit. Sa aklat ng Pahayag (kabanata 21-22), tila hindi lamang gagawin ng Diyos na katulad sa Hardin ng Eden ang mga bagay, sa halip, mas maganda pa roon. Tandaan natin na ang kasarian sa hardin ng Eden ay hindi masama o isang kasalanan – sa totoo, ito ay isang mabuting bagay. Nilikha ng Diyos si Eba dahil kailangan ni Adan ng isang gaya niya na makakasama at makakatulong niya. Ang pagaasawa (na imposible kung walang kasarian ang tao) ang modelo ng relasyon sa pagitan ng isang lalaki at babae at sumisimbolo kay Kristo at sa Kanyang iglesya. Ang iglesya ang babaeng ikakasal at si Kristo ang kanyang kasintahan (Efeso 5:25-32).

Bagama't hindi malinaw na itinuturo sa Bibliya, tila mananatili sa mga tao ang kanilang kasarian pagkatapos ng kamatayan. Bahagi ng ating pagkakakilanlan ang ating kasarian. Ang kasarian ay higit sa pisikal — ito ay bahagi ng atin mismong kalikasan at isang sangkap sa ating pakikipagugnayan sa Diyos. Kaya nga, bagama't mayroon pa rin tayong kasarian sa langit, tila magiging perpekto ang ating kasarian at magiging maluwalhati sa walang hanggan. Mahalaga ding pansinin na nanatili ang kasarian ng ating Panginoong Hesu Kristo pagkatapos Niyang mamatay at mabuhay na mag-uli.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Magkakaroon ba ng kasarian ang tao sa langit?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries