settings icon
share icon
Tanong

Merong nga bang magkasing-puso? May itinakdang tao ba ang Dios na dapat mong mapangasawa?

Sagot


Ang karaniwang palagay ay may "soul mate" o "kasing-puso" ang bawat tao o may isang tao na "wastong katapat," at kung ang mapapangasawa mo ay iba kaysa iyong kasing-puso, hindi ka magiging maligaya. Ang palagay ba na may kasing-puso ay nasa Biblia? Hindi. Ang palagay ng may kasing-puso ay kadalasang ginagamit bilang dahilan ng deborsyo. Ang mga tao na hindi maligaya sa kanilang buhay mag-asawa ay kadalasang sinasabi na hindi nila napangasawa ang kanilang kasing-puso kaya kailangan nila ang diborsyo upang makapagsimulang-muli at hanapin ang kanilang tunay na kasing-puso. Ito ay isang katwiran lamang, isang walang-dudang masagwang dahilan. Kung ikaw ay may asawa, ang taong iyong napangasawa ay ang iyong kasing-puso. Ang Marcos 10: 7-9 ay nagpahayag, - Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kanyang ama at ina, at makikisama sa kanyang asawa; At ang dalawa ay magiging isang laman, kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinagsama nga ng Dios ay huwag paghihiwalayin ng tao." Ang mag-asawang lalake at babae ay "pinag-isa," "isang laman," "hindi na sila dalawa, kundi isa," at "pinagsama" na ang ibig sabihin ay magkasing-puso.

Ang pagsasamang mag-asawa ay maaring hindi nagkakaisa at maligaya ayon sa ninanais ng magkapareha. Ang mag-asawang lalake at babae ay maaring hind nagkakaroon ng pagkakaisang pangkatawan, damdami at pangespirituwal na kanilang minimithi. Subalit kahit sa ganitong pagkakataon, ang mag-asawang lalake at babae ay magkasing-puso pa rin. Sa mga ganitong pangyayari, ang mag-asawa ay kinakailangang pagsikapan na linangin ang tunay na kaugnayang magkasing-puso. Sa pagsunod sa itinuturo ng Biblia patungkol sa pag-aasawa (Efeso 5: 22-33), ang mag-asawa ay malilinang ang pagiging malapit sa isa't isa, ang pag-iibigan, at pangako na maging "isang laman" na kinakailangan ng isang magkasing-puso. Kung ikaw ay may asawa, ikaw ay ikinasal sa iyong kasing-puso. Kahit gaano kagulo ang buhay mag-asawa, ang Dios ay maaring magdala ng kagalingan, pagpapatawad, pagpapanumbalik at tunay na pag-ibig at masarap na pagsasama sa buhay mag-asawa.

Maari bang makapangasawa ng maling tao? Kung ibibigay natin ang ating buhay sa Dios at hanapin ang Kanyang pamamatnubay, nangako Siyang gagabayan tayo. "Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, At huwag kang mananalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong lakad, At kanyang ituturo ang iyong mga landas." (Kawikaan 3: 5-6). Ang pahiwatig ng Kawikaan 3: 5-6 ay kung hindi ka magtitiwala sa Panginoon ng buong puso mo, at mananalig sa iyong sariling kaunawaan, maari kang mapunta sa maling landasin. Oo, possible na sa panahon ng hindi pagsunod at kakulangan ng malapit na kaugnayan sa Dios ay magpakasal sa isang tao na hindi Niya nais na mapangasawa mo. Subalit kahit sa ganitong pagkakataon, ang Dios pa rin ang may kapangyarihan at namamahala.

Kahit ang isang pagsasamang mag-asawa ay hindi ninais ng Dios, ito pa rin ay nasa loob ng Kanyang makapangyarihang kalooban at layunin. Kinasusuklaman ng Dios ang diborsyo (Malakias 2:16), at ang "mapangasawa ang maling tao" ay hindi kailanman inimungkahi sa Biblia bilang batayan ng diborsyo. Ang pagpapahayag na "Nakapangasawa ako ng maling tao at hindi kailanman ako magiging maligaya maliban kung matagpuan ko ang aking tunay na kasing-puso," ay hindi ayon sa Biblia sa dalawang bagay. Una, ito ay pahayag na ang iyong maling pasya ay pinangbabawan ang layunin ng Dios at sinira ay Kanyang plano. Pangalawa, ito ay pahayag na walang kakayahan ang Dios gawing maligaya, nagkakaisa at matagumpay ang isang nagpupumilit na pagsasamang-mag-asawa. Wala tayong maaring gawin upang masira ang makapangyarihang kalooban ng Dios. Maaring kumuha ang Dios ng dalawang tao, kahit gaano pa sila magkaiba, at hulmahin sila na maging dalawang tao na akma para sa isa't isa.

Kung mapapanatili natin ang malapit na kaugnayan sa Dios, aakayin at papatnubayan Niya tayo. Kung ang isang tao ay lumalakad na kasama ang Panginoon at tunay na hinahanap ang Kanyang kalooban, papatnubayan ng Dios ang taong iyon sa asawa na Kanyang inilaan. Papatnubayan tayo ng Dios patungo sa ating "kasing-puso" kung tayo ay magpapasakop at susunod sa Kanya. Gayunman, ang pagiging magkasing-puso ay kapwa kalagayan at kasanayan. Ang mag-asawang lalake at babae ay magkasing-puso dahil sa sila ay "isang laman," may pagkakaisang pangespirituwal, pangkatawan at damdamin sa isa't isa. Gayunman, ayon sa kinasanayan, may pamamaraan ng pagtanggap kung ano ang mag-asawa, magkasing-puso, at gawin itong makatotohanan sa araw-araw. Ang tunay na pagkakaisang magkasing-puso ay tanging matatamo lamang kung isasagawa ang huwaran ng pag-aasawa ayon sa Biblia.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Merong nga bang magkasing-puso? May itinakdang tao ba ang Dios na dapat mong mapangasawa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries