Tanong
Ano ang kasunduan ng pagpapakasal sa panahon ng Bibliya?
Sagot
Ang pariralang"sa panahon ng Bibliya" ay tumutukoy sa malawak na bahagi ng kasaysayan dahil ang kasaysayan ng Bibliya ay sumasaklaw sa ilang libong taon at ilang kultura. Sa loob ng mga taon at sa mga kulturang iyon, nag-iba-iba ang mga tradisyon ng kasunduan ng pagpapakasal. Gayunman, may ilang bahagi ng kasunduang ito na nananatiling pareho sa buong panahon.
Sa panahon ng Bibliya, ang "engagement" o kasunduan ng pagpapakasal katulad sa modernong mga bansa sa Kanluran, ay ang bahagi ng kultura kung saan ito ang nauuna bago ang aktwal seremonya ng kasal ng mga heterosekwal ang kasarian. Kahit noon at ngayon, ang panahon ng kasunduan ng pagpapakasal ay nagbibigay sa babaeng ikakasal ng oras upang ihanda ang sarili sa kanyang bagong papel, upang magtipon ng personal na mga gamit, upang ayusin ang relasyon sa mga magulang, mga kapatid, at mga kaibigan, at sa ilang mga kaso, upang mas magkaroon ng mas malalim na kaalaman sa kanyang nobyo. Ginagamit ng lalake ang panahon ng paghahanda para sa pagpapakasal para sa mga katulad na bagay, kabilang ang paggawa ng bahay kung saan niya ititira ang kanyang pamilya.
Ang mga inayos na kasal (ipinagkasundo na magpakasal ang mga anak ng dalawang pamilya) ay karaniwan noong panahon ng Bibliya at posible na ang babaeng ikakasal at ang lalakeng ikakasal ay hindi pa kilala ang isa't isa hanggang sa sila'y magtagpo sa seremonya ng kasal. Kung ang mga magulang ang nag-ayos ng kasal habang ang babaeng ikakasal, at ang lalakeng ikakasal, ay masyadong bata pa para magpakasal, isang mas mahabang panahon ng kasunduan ng pagpapakasal ang mangyayari. Ang tila kakaiba sa modernong kultura sa Kanluran ay hindi itinuturing na kinakailangang unahin sa pagpapakasal o kasalang sekswal ang atraksyon o pag-ibig. Inaakala ng mga magulang na nag-ayos ng kasal para sa kanilang mga anak na ang pag-ibig at pagmamahal ay natural na dadaloy mula sa masinsinan at sekswal na pagsasama. Ang pananaw na ito ay tumutulong na ipaliwanag kung bakit ipinapayo ng Efeso 5:25–33 sa mga Kristiyanong asawang lalaki na mahalin ang kanilang mga asawa at ang sa mga Kristiyanong babaeng asawa na igalang ang kanilang mga asawa. Ang pagmamahal at paggalang ay yumayabong pagkatapos ng kasal at hindi kinakailangan bago maganap ang kasalan.
Sa kasalukuyang kultura sa mga bansa sa Kanluran, may malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng pagpapakasal/panliligaw at kasal. Sa mga kultura noong panahon ng Bibliya, ang pagkakaiba ay hindi gaanong maliwanag. Ang pagpapakasal sa panahon ng kasaysayan ng Bibliya ay kinasasangkutan ng dalawang pamilya sa isang pormal na kontrata, at ang kontratang iyon ay kapantay ng mismong pagpapakasal. Ang pagpapakasal noon ay mas naging isang negosyong pangkalakalan sa pagitan ng dalawang pamilya kaysa isang personal at romantikong pagpili ng dalawang ikakasal. Kasama sa kasunduan ang “dowry” o kasunduang halaga, kaya ang kasunduang panliligaw ay nangangailangan ng pagbabayad ng presyo sa panliligaw. Pagkatapos ng kasunduan ng pagpapakasal, ang natitirang tatlong bahagi na lamang ay ang pagdiriwang ng kasal, ang paglipat ng babaeng ikakasal sa bahay ng lalake, at ang pagsasama nila bilang mag-asawa sa iisang bubong.
Ang pinakakilalang halimbawa ng kasunduan ng pagpapakasal ay si Maria, ina ni Jesus, at kanyang nobyong si Jose. Nang malaman ni Jose na buntis si Maria at bago pa niya maunawaan ang himala ng kanyang pagbubuntis, inisip niya na nilabag ni Maria ang kanilang kasunduan ng pagpapakasal. Sa simula pa lang, inisip na ni Jose na ang kanyang maaaring maging aksyon ay ang hiwalayan si Maria o "talikuran" ito. Iniulat ni Mateo ang pangyayari: "Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nagdadalang-tao na si Maria sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Subalit dahil isang matuwid na tao si Jose na kanyang mapapangasawa, at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria, binalak niyang hiwalayan si Maria nang palihim" (Mateo 1:18-19). Sa katotohanan, ang pangangailangan ng "diborsyo" upang pawalang bisa ang kanilang kasunduan ng pagpapakasal ay nagpapakita na ang kanilang kontrata ay naaayon sa batas. Kahit sa panahon pa lamang ng kasunduan ng pagpapakasal, kung si Maria ay nakipagtalik sa iba maliban kay Jose, Siya ay nagkasala ng pangangalunya.
English
Ano ang kasunduan ng pagpapakasal sa panahon ng Bibliya?