settings icon
share icon
Tanong

Mga katanungan tungkol kina Adan at Eba?

Sagot


Ligtas ba sina Adan at Eba? Hindi partikular na sinasabi ng Bibliya kung naligtas ba sina Adan at Eba. Sina Adan at Eba lamang ang dalawang tao na nakakilala sa Diyos bago sila nagkasala. Dahil dito, masasabing mas kilala nila ang Diyos ng higit kaysa kaninumang tao na nabuhay sa mundo sa kabila ng kanilang pagsuway. Masasabing nanampalataya at umasa sa Diyos sina Adan at Eba. Patuloy na nakipagusap sa kanila ang DIyos kahit na pagkatapos nilang bumagsak sa kasalanan. Alam nina Adan at Eba ang pangako ng Diyos na ipagkakaloob Niya sa kanila ang isang Tagapagligtas (Genesis 3:15). Iginawa sila ng Diyos ng damit na yari sa balat ng hayop pagkatapos nilang magkasala (Genesis 3:21). Maraming iskolar ng Bibliya ang inuunawa ito bilang unang handog na hayop, na naglalarawan ng kamatayan ni Kristo sa krus para sa kasalanan ng sanlibutan. Kung pagdudugtong dugtungin ang mga katotohanang ito, maipagpapalagay na naligtas at pumunta sila Adan at Eba sa langit/paraiso pagkatapos nilang bawian ng buhay.

Ilan ang naging anak nina Adan at Eba? Hindi tayo binigyan ng Bibliya ng eksaktong bilang. Ipinanganak ni Eba si Cain (Genesis 4:1), Abel (Genesis 4:2), Seth (Genesis 4:25), at marami pang anak na lalaki at babae (Genesis 5:4). Dahil sa haba ng kanilang buhay, maaaring nagkaanak sila ng mahigit sa limampu (50).

Kailan nilikha sina Adan at Eba? Kung ang kasaysayan ng Bibliya at ang haba ng panahon sa Genesis 5 ang pagbabasehan, Sina Adan at Eba ay maaaring nilikha noong humigit kumulang 4000 B.C.

Sina Adan at Eba ba ay mga taong kuweba? Itinala sa kabanata 3 ng Genesis na sina Adan at Eba ay matalinong nakipagusap sa Diyos. Maaaring kakaunti pa lamang ang pangunawa nina Adan at Eba sa maraming konsepto ngunit hindi sila gaya ng mga unggoy na kulang sa kaalaman sa anumang paraan. Sina Adan at Eba ang pinakaperpektong tao na nabuhay sa kasaysayan ng mundo.

Gaano katagal sina Adan at Eba sa Hardin ng Eden bago sila nagkasala? Hindi malinaw na sinabi sa Bibliya kung gaano katagal sina Adan at Eba sa Hardin ng Eden bago sila nagkasala. Tila nasa hardin sila sa loob lamang ng maiksing panahon, posibleng sa loob lamang ng isa o dalawang araw. Maipagpapalagay na hindi nagkaanak sina Adan at Eba maliban noong pagkatapos nilang magkasala (Genesis 4:1-2) kaya masasabing hindi sila gaanong nagtagal sa Hardin ng Eden.

May pusod ba sina Adan at Eba? Ang pusod ay likha ng inunan na nakakonekta sa bata habang nasa loob ng tiyan ng ina. Sina Adan at Eba ay direktang nilikha ng Diyos at wala silang ina kaya hindi sila dumaan sa normal na proseso ng kapanganakan. Kaya masasabing wala silang pusod na gaya ng karaniwang tao. English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Mga katanungan tungkol kina Adan at Eba?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries