settings icon
share icon
Tanong

Ang tao ba ay binubuo ng dalawang sangkap (dichotomy) o ng tatlong sangkap (trichotomy)?

Sagot


Ayon sa Genesis 1: 26-27 "Sinabi ng Diyos, "Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis; at magkaroon sila ng pamamahala sa mga isda sa dagat, sa mga ibon sa himpapawid, sa mga hayop, sa buong lupa, at sa bawat gumagapang sa ibabaw ng lupa. Kaya't nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos siya nilalang. Sila'y Kanyang nilalang na lalaki at babae."

Ipinahihiwatig ng mga talatang ito na malaki ang pagkakaiba ng paglikha sa tao kumpara sa ibang mga nilalang ng Diyos. Ang tao ay nilalang na may kakayahan na magkaroon ng relasyon sa Diyos. Nilalang tayo ng Diyos na mayroong materyal at hindi materyal na sangkap. Ang mga materyal na sangkap ay ang mga bahagi ng ating katauhan na nahihipo: ang pisikal na katawan at ang iba pang bahagi ng katawan. Sinasabi sa Bibliya na mananatili lamang ang mga sangkap na ito habang nabubuhay ang isang tao. Ang mga hindi materyal na sangkap naman ng tao ay yaong mga hindi nahihipo: gaya ng kaluluwa, espiritu, katalinuhan, kalooban, konsensya, at iba pa. Ang ganitong mga hindi materyal na sangkap ayon sa Bibliya ay nananatili pa rin kahit natapos na ang buhay ng isang tao dito sa mundo.

Ang lahat ng tao ay mayroong materyal at hindi materyal na sangkap habang sila ay nabubuhay. Maliwanag na ang tao ay may pisikal na katawan, may laman, dugo, buto, at iba pa. Gayon man, ang kadalasang pinagtatalunan tungkol sa sangkap ng tao ay ang tungkol sa mga sangkap na hindi nahihipo o hindi materyal. Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito? Sinasabi sa Genesis 2:7 na ang tao ay nilalang na isang buhay na kaluluwa. "Sila'y nagpatirapa, at nagsabi, "O Diyos, na Diyos ng mga espiritu ng lahat ng laman, sa pagkakasala ba ng isang tao ay magagalit ka sa buong kapulungan?” (Bilang 16: 22).

Tinukoy ng mga talatang ito na ang Diyos ay Diyos ng mga espiritu at namamay-ari ng sangkatauhan. Kawikaan 4:23, "Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; Sapagka't dinadaluyan ng buhay." Sinasabi sa talatang ito na ang puso ay ang sentro ng kalooban at emosyon ng tao. Sa Gawa 23:1 sinabi ni Pablo, "Mga kapatid na lalake, ako'y nabuhay sa harapan ng Diyos sa buong kabutihan ng budhi hanggang sa mga araw na ito." Roma 12: 1- "Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alang-alang sa mga kahabagan ng Diyos, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Diyos, na siya ninyong katampatang pagsamba."

Makikita sa mga talatang ito na ang lahat ng tao ay may materyal at hindi materyal na sangkap. Ang mga nabanggit na talata ay ilan lamang sa napakaraming mga patunay sa pagkakaroon ng tao ng materyal at hindi materyal na sangkap.

Habang ang karamihan sa mga diskusyon tungkol sa hindi materyal na sangkap ng tao ay nakatuon sa kaluluwa at espiritu, nagpapakita naman ang Kasulatan ng mas marami pang sangkap kaysa doon. Sa isang banda ang mga aspetong binanggit sa itaas (kaluluwa, espiritu, puso, konsensya, at kaisipan) ay may kaugnayan sa isa't isa. Ang kaluluwa at ang espiritu ang mga pangunahing hindi materyal na sangkap ng tao. Sila ang maaaring nagtataglay ng iba pang mga sangkap. Dahil dito, ang tao ba ay dichotomous (binubuo lamang ng dalawang sangkap na matatawag na materyal o ng katawan at hindi materyal, kaluluwa at espiritu), o trichotomous (may talong sangkap: ang katawan, kaluluwa at espiritu).

Mahirap maging dogmatiko sa katuruang ito sapagkat may mga talata sa Bibliya na sumusuporta sa dalawang pananaw na ito. Ang isang mahalagang talata na maaring tingnan ay ang aklat ng Hebreo 4:12, "Sapagka't ang salita ng Diyos ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at Espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pag-iisip at mga haka ng puso."

Sinasabi sa atin sa talatang ito ang dalawang katotohanan. (1) maaaring magkaiba ang kaluluwa at Espiritu. (2) ang dibisyon sa kaluluwa at espiritu ay isang misteryo na tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam. Tayo'y nakasisiguro na bilang mga tao, tayo ay mayroong katawan, kaluluwa, espiritu at iba pang imateryal na katangian gaya ng katatalinuhan, konsensya, at iba pa. Gayon man, sa halip na ituon natin ang ating pansin sa ganitong mga argumento, mas makabubuting pagtuunan natin ng pansin ang mga bagay tungkol sa Diyos dahil Siya ang may lalang sa atin (Awit 139:14).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ang tao ba ay binubuo ng dalawang sangkap (dichotomy) o ng tatlong sangkap (trichotomy)?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries