settings icon
share icon
Tanong

Papaano ako magkakaroon ng katiyakan sa aking kaligtasan?

Sagot


Papaano mo malalaman na tiyak na ang iyong kaligtasan? Isaalang-alang mo ang sinasabi sa 1 Juan 5: 11-13: "At ito ang patotoo: Binigyan tayo ng Diyos ng buhay na walang hanggan at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay. Siya na hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay. Isinulat ko ang mga bagay na ito sa inyo na sumasampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos upang inyong malaman na kayo ay may buhay na walang hanggan at upang kayo ay sumampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos" Sino ang yaong mayroong Anak? Sila ay yaong mga nanampalataya sa Kanya at tumanggap sa Kanya (Juan 1:12). Kung nasa sa iyo si Hesus, mayroon kang buhay, Buhay na walang hanggan. Hindi panadaliang kaligtasan, kundi walang hanggan.

Nais ng Diyos na magkaroon tayo ng katiyakan sa ating kaligtasan. Hindi natin maisasabuhay ang ating mga buhay Kristiyano kung sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay patuloy tayong nagaalinlangan at nag-aalala kung tayo nga ba ay totoong ligtas na. Iyan ang dahilan kung bakit napakalinaw na inihayag ng Bibliya ang plano ng kaligtasan. Sumampalataya kay Hesu Kristo at ikaw ay maliligtas (Juan 3: 16; Mga Gawa 16: 31). Ikaw ba ay naniniwala na si Hesus ay ang tagapagligtas, at namatay sa Krus para bayaran ang iyong mga kasalanan (Roma 5: 8; 2 Corinto 5: 21)? Ikaw ba ay tunay na nagsisi sa iyong mga kasalanan at tunay na sumasampalataya sa Kanya lamang para sa iyong kaligtasan? Kung ang kasagutan mo ay oo, ikaw ay ligtas na! Ang ibig sabihin ng katiyakan ay "pagtitiwala sa kabila ng mga pag-aalinlangan." Sa pamamagitan ng pag-tanggap ng buong puso sa Salita ng Diyos, maaari kang "magtiwala sa kabila ng iyong mga pag-aalinlangan" sa katotohanan ng iyong walang hanggang kaligtasan.

Sinabi mismo ito ni Hesus sa mga taong nananampalataya sa Kanya: "Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Hindi sila malilipol magpakailanman. Walang sinumang makakaagaw sa kanila sa Aking kamay. Ibinigay sila sa Akin ng Aking Ama. Siya ay higit na dakila sa lahat. Walang makakaagaw sa kanila mula sa kamay ng Aking Ama" (Juan 10:28-29 NLT). Ito ay nagbibigay ng diin sa "walang hanggan." Walang sinuman, kahit na ang iyong sarili, ang makakakuha o makapag-aalis sa kaligtasan na ipinagkaloob sa atin ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo.

Isaisip natin ang mga talatang ito. Ang banal Mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa Iyo kailanman (Awit 119:11), kasama na rito ang pag-aalinlangan. Magsaya sa sinasabi ng Salita ng Diyos sa iyo: sa halip na mabuhay sa pag-aalinlangan maaari tayong mamuhay nang may pagtitiwala! Maaari nating panghawakan ang mga Salita ni Hesus na nagsasabing ang ating kaligtasan ay hindi na malalagay sa alanganin. Ang ating katiyakan ay nakabatay sa pag-ibig ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu Kristo. Sinasabi ng aklat ng Judas 24-25, "Ang Diyos ang makapag-iingat sa inyo mula sa pagkakatisod at makapaghaharap sa inyo nang walang kapintasan na may malaking galak sa harapan ng Kaniyang kaluwalhatian. Sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, Sumakaniya ang kapurihan, at kadakilaan, ang kapangyarihan at kapamahalaan mula ngayon at magpakailanman. Siya nawa!"

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Papaano ako magkakaroon ng katiyakan sa aking kaligtasan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries