settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin ng salitang "kayo ay diyos" sa Awit 82:6 at Juan 10:34?

Sagot


Umpisahan nating tingnan ang Awit 82, ang bahagi ng Awit na binanggit ni Hesus sa Juan 10:34. Ang salitang Hebreo na isinalin sa salitang Tagalog na "diyos" sa Awit 82 ay "Elohim." Ito ay karaniwang tumutukoy sa isang tunay na Diyos, ngunit mayroon itong ibang gamit. Sinasabi sa Awit 82:1, "Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; Siya'y humahatol sa gitna ng mga dios." Malinaw sa mga sumunod na tatlong talata na ang salitang "dios" ay tumutukoy sa mga pinuno, mga hukom at mga tao na humahawak ng posisyon sa pamahalaan. Ang pagtawag sa isang tao ng "dios" ay nagpapahiwatig ng talong bagay: 1) may kapamahalaan siya sa ibang tao, 2)ang kanilang kapangyarihan sa mga tao ay dapat katakutan, at 3) ang kanilang kapangyarihan ay nanggaling mismo sa Diyos, na inilarawan bilang Hukom na huhukom sa buong mundo sa talata 8.

Ang gamit na ito sa salitang "diyos" na tumutukoy sa mga tao ay bihira lamang, ngunit matatagpuan din ito sa ibang talata ng Lumang Tipan. Halimbawa, ng suguin ng Diyos si Moises sa Faraon, sinabi Niya, "Tingnan mo, ginawa kitang dios kay Faraon" (Exodo 7:1). Ito'y simpleng nangangahulugan na si Moises, bilang menshaero ng Diyos, ay sasalitain ang Salita ng Diyos sa Faraon at sa gayon, magiging kinatawan siya ng Diyos sa hari. Ang wikang Hebreo na Elohim ay isinalin sa tagalog bilang "mga hukom" sa Exodo 21:6 at 22:8, 9 at 28.

Ang buong punto ng Awit 82 ay ang paggampan ng mga hukom sa lupa ng kanilang tungkulin na walang kinikilingan at may tunay na hustisya, dahil kahit na ang mga hukom ay tatayo din sa harapan ng Hukom isang araw. Nagbabala ang Diyos sa mga pinuno sa talatang 6 at 7 na gaya ng mga hukom, sila rin ay huhusgahan ng Diyos, "Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.

Gayon ma'y mangamamatay kayong parang mga tao, at mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo." Sinasabi ng mga talatang ito na ang Diyos ang nagtalaga ng mga tao sa posisyon ng kapangyarihan, at sila ay itinuturing na diyos ng mga tao. Ngunit dapat nilang tandaan na kahit na sila ang kinatawan ng Diyos sa mundo, mamamatay sila isang araw at magbibigay sulit sa Diyos kung paano nila ginamit ang ipinahiram Niyang kapangyarihan.

Ngayon, tingnan natin kung paano ginamit ni Hesus ang mga talatang nabanggit. Inangkin ni Hesus na Siya ang Anak ng Diyos (Juan 10:25-30). Dahil dito, pinagbintangan si Hesus ng mga hindi nananampalatayang Hudyo ng pamumusong, dahil inaangkin Niya na siya ay Diyos (talata 33). Sa puntong ito, inulit sa kanila ni Hesus ang Awit 82:6 upang ipaalala na tinukoy ng Kautusan ang karaniwang tao - na may kapangyarihan at karangalan "bilang mga maliit na "diyos." Ito ang pinupunto ni Hesus: pinagbibintangan ninyo ako ng pamumusong batay sa paggamit ko ng titulong "Anak ng Diyos"; subalit inilalapat ng inyong Kautusan ang parehong tawag sa mga namumuno sa pangkalahatan. Kung ang mga tao na itinalaga ng Diyos sa katungkulan ay itinuturing ninyo na mga "diyos", gaano pa kaya ang Isa na pinili at isinugo ng Diyos (talata 34-36)?

Sa kabalintunaan, alam natin ang kasinungalingan na sinabi ni Satanas kay Eba sa Hardin ng Eden. Ang sinabi ni Satanas na, "at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama" (Genesis 3:5), ay isang kasinungalingan. Totoo na nabuksan ang kanilang mga mata (talata 7), ngunit hindi sila naging gaya ng Diyos. Sa katotohanan, nawalan sila ng awtoridad sa halip na magkaroon nito. Dinaya ni Satanas si Eva tungkol sa pagkakaroon ng kakayahan na maging isang tunay na Diyos at naniwala siya sa isang kasinungalingan. Ipinagtanggol ni Hesus ang kanyang inaangkin na Siya ang Anak ng Diyos sa biblikal na pamantayan - kung ang mga maimpluwensiyang mga tao ay tinatawag na maliit na "diyos," ano pa kaya Siya na Mesiyas ang hindi magangkin ng tawag na ito sa Kanyang sarili? Ang mga tao ay hindi mga "diyos" o "maliit na diyos." Hindi tayo Diyos. Ang Diyos ang nagiisang Diyos, at nalalaman natin na ang mga nakakakilala kay Hesus ay Kanyang mga anak hindi mga "diyos."

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin ng salitang "kayo ay diyos" sa Awit 82:6 at Juan 10:34?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries