settings icon
share icon
Tanong

Ano ang Kristiyanismong postmodern?

Sagot


Kagaya ng mismong postmodernism, napakahirap ring ipaliwanag kung ano ang Kristiyanismong postmodern. Ang nag-umpisang reaksiyon sa modernong pag-iisip at istilo sa larangan ng arkitektura noong 1950s ay sinundan rin ng mundo ng sining at literatura noong 1970s at 1980s. Hindi masyadong naramdaman ng Iglesya ang epekto nito hanggang noong 1990s. Ang reaksyong ito ay isang pagwalang-bahala sa “maliwanag na katotohanan” para mapagbigyan ang isang “malabong bagay na kinakatigan.” Mag-isip ka ng kahit anong bagay na postmodern, pagkatapos nito ilagay mo ang Kristiyanismo sa kontekstong ito at masisilayan mo kung ano ang Kristiyanismong postmodern.

Ang Kristiyanismong postmodern ay nakalinya sa paraan ng pag-iisip na postmodern. Ito'y tungkol sa pagpapahalaga sa karanasan na mas mataas kaysa sa pag-iisip, subjectivity kaysa sa objectivity, espiritwalidad kaysa sa relihiyon, mga larawan kaysa sa mga salita, panlabas kaysa sa panloob. Ano ang mabuti? Ano ang masama? Nakasalalay lahat sa bawat reaksyon sa biblikal na katotohanan ang pagkamoderno at nakadepende sa pananampalataya ng isang tao. Siyempre nakasalalay ito sa bawat mananampalataya. Ngunit kung ang mga grupo ay nabuo mula sa ganitong pag-iisip, ang kanilang teolohiya at doktrina ay pangkaraniwang patungo sa liberalismo.

Halimbawa, dahil mas pinapahalagahan ang karanasan kaysa sa pag-iisip, nagiging relative o pabagu bago ang isang katotohanan. Magdudulot ito ng maraming problema dahil isinasantabi nito ang pamantayan na ang Bibliya ay ang ganap na katotohanan, at pinapawalang bisa rin nito sa maraming sitwasyon ang biblikal na katotohanan sa pangkalahatan. Kung hindi ang Bibliya ang pangkalahatang panggagalingan ng katotohanan natin, at mapapahintulutan ang karanasan na magdikta kung ano ang katotohanan, mapapawalang bisa ang nakakaligtas na pananampalataya kay Jesu-Cristo.

Meron laging mga “paradigm shifts” sa pag-iisip hanggat nakatira ang sangkatauhan sa mundong ito, dahil laging hinahanap ng tao kung paano niya pabubutihin ang kanyang sarili sa karunungan at kahalagahan. Mabuti ang mga hamon sa ating paraan ng pag-iisip, dahil ito ang tumutulong sa atin upang lumago, maging marunong at makaunawa. Ito ang prinsipyo ng Roma 12:2 na gumagawa sa ating mga isip habang nababago tayo. Ngunit kailangan nating alalahanin ang Gawa 17:11 at gayahin ang mga taga-Berea, na sinusukat nila ang bawat bagong katuruan at bawat bagong kaisipan ayon sa Banal na Kasulatan. Huwag nating hayaan na ang mga karanasan natin ang magpaliwanag ng Banal na Kasulatan, ngunit habang nababago tayo at itinutulad natin ang ating sarili kay Cristo, ipaliwanag natin ang ating mga karanasan ayon sa Banal na Kasulatan. Sa kasamaang palad, hindi ito ang nangyayari sa mga grupong sumusunod sa Kristiyanismong postmodern.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang Kristiyanismong postmodern?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries