Tanong
Dapat bang magpa-acupuncture/acupressure ang isang Kristiyano?
Sagot
Ang pinagmulan ng acupuncture ay ang Taoism ng China. Ang Taoism ay isang sistema ng pilosopiya na pinasimulan nina Lao-tzu at Chuang-tzu na mga nagsulong ng isang buhay na simple, natural at hindi nakikipagkumpetensya sa mga natural na kaganapan sa mundo upang makapamuhay ng payapa sa tinatawag na “Tao,” o “pwersa ng buhay.” Ang paniniwalang ito ay may malapit na kaugnayan sa Hsuan Chaio, isang popular na relihiyon sa China na sinasabing nakabase sa doktrina ng Lao-tzu, ngunit sa katotohanan ay lubhang sumasalungat sa kalikasan at kinapapalooban ng paniniwala sa maraming diyos, mga pamahiin at pagsasanay ng panggagaway, pangkukulam at mahika.
May dalawang prinsipyo sa pilosopiya/relihiyon ng mga Tsino. Una ay ang “yin,” isang pwersang negatibo, madilim at kumakatawan sa isang babae, at ang ikalawa ay ang tinatawag na “yang,” isang pwersang positibo, maliwanag at kumakatawan sa isang lalaki. Ang interaksyon sa pagitan ng dalawang pwersang ito ay pinaniniwalaang nagiimpluwensya at gumagabay sa hantungan ng lahat ng nilalang at sa lahat ng bagay. Sa pilosopiya ng “yin” at “yang,” ang kapalaran ng isang tao ay nakasalalay sa pagiging balanse at pagiging hindi balanse ng dalawang pwersang ito. Ang acupuncture ay isang mekanismo na isinasagawa ng mga naniniwala sa “Tao,” upang gawing balanse ang “yin at yang” sa katawan ng “Tao.”
Habang ang pilosopiya at pananaw sa likod ng acupuncture ay hindi naaayon sa Bibliya, hindi nangangahulugan na ang pagsasanay nito ay laban sa katuruan ne Bible. Maraming tao ang nakaranas ng kaginhawahan mula sa mga sakit sa pamamagitan ng makabagong medisina ang nakaranas ng kagalingan at kaginhawahan sa mga sakit sa pamamagitan ng acupuncture. Marami sa mga komunidad sa medisina ang kinikilala na sa ibang mga pagkakataon, may mga napatunayang benepisyong medikal mula sa acupuncture. Kaya nga kung ang pagsasanay ng acupuncture ay maihihiwalay sa pilosopiya/pananaw sa likod nito, maaaring ikunsidera ng isang Kristiyano ang paraang ito ng panggagamot. Ngunit dapat na ibayong pagiingat ang gawin upang maiwasan ang espiritwal na aspeto sa likod ng acupuncture. Karamihan ng mga nagsasagawa ng acupuncture ay totoong naniniwala sa pilosopiya ng tao/yin-yang kung saan nakabase ang acupuncture.
Gumagamit ang acupressure ng presyon sa sentro ng mga ugat, samantalang ang acupuncture naman ay gumagamit ng karayom sa halip na presyon. Halimbawa, sinasabing may mga bahagi ng talampakan at palad na kaugnay ng ibang bahagi ng katawan na maaaring lagyan ng presyon. Ang acupressure ay tila kapareho ng pagmamasahe sa mga malalalim na tisyu ng katawan kung saan ang mga masel ng katawan ay maaaring lagyan ng presyon upang ayusin ang pagdaloy ng dugo sa mga ugat. Gayunman, kung ang acupressure ay isinasagawa upnag balansehin ang “yin” at “yang” sa loob ng katawan, ang parehong problema ay mailalapat din sa acupuncture. Ang gawain bang ito ay maaaring sanayin ng hindi kasama ang pilosopiya ng “yin” at “yang?”
Ang imporatnateng isyu sa usaping ito ay ang paghiwalay ng mga mananampalataya sa lahat ng uri ng gawain na makakaapekto sa kanilang pananampalataya at maglalagay sa kanila sa panganib ng pagkabilanggo sa mga hidwang pananampalataya. Ang kawalang muwang sa kasamaan ay isang panganib, at habang lumalalim tayo sa kaalaman sa tunay na pinagmulan ng mga pilosopiya at pagsasanay ng ibang pananampalataya, mas lalo nating nakikita na nag-ugat ang mga iyon sa mga pamahiin, okultismo at hidwang pananampalataya na direktang lumalaban sa Salita ng Diyos. Maaari bang matuklasan ng isang hindi Kristiyano ang isang proseso ng panggagamot na makatutulong sa tao? Oo! Ang karamihan ng mga medisina sa Kanluran ay natuklasan ng mga hindi Kristiyano. Hindi ang pinanggalingan ng isang sistema ng panggagamot ang isyu kundi ang mga proseso na maaaring pagdaanan ng isang Kristiyano sa paghahanap ng kagalingan mula sa mga sakit at karamdaman habang sumasailalim sa mga prosesong ito. Ang usaping ito ay tungkol sa perspektibo, pagsisiyasat at kumbiksyon hindi tungkol sa dogmatismo.
English
Dapat bang magpa-acupuncture/acupressure ang isang Kristiyano?