settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagiging asawang lalaki na isang Kristiyano?

Sagot


May sapat na sinasabi ang Bibliya tungkol sa pagiging asawang lalaki na isang Kristiyano na maaaring isulat ang isang libro tungkol sa lahat ng ito. Sa katunayan, maraming mga libro ang isinulat tungkol dito. Ang artikulong ito ay nagbibigay ng maikling pangkalahatang ideya.

Ang pinakamalinaw na larawan ng isang Kristiyanong asawang lalaki ay inilahad sa Efeso 5: 15-33. Ito ang puso ng paglalapat ni apostol Pablo sa kung ano ang ibig sabihin ng maging kay Kristo, at iyon ay, ang magkaroon ng tamang kaugnayan sa Diyos. Ang mga tagubilin ni Pablo sa Kristiyanong asawang babae, simula sa talata 23 ay nagpapaliwanag na dapat niyang kilalanin sa pamamagitan ng kanyang asawang lalaki ang pagiging pinuno ni Kristo sa Kanyang minamahal na iglesya. Sa sumunod na dalawang pangungusap (talatang 25) direktang sinasabi ni Pablo ang parehong bagay sa Kristiyanong asawang lalaki. Kaya, ang modelo ng Kristiyanong asawang lalaki para sa kanyang mabuting pag-uugali ay si Jesu-Kristo mismo. Sa madaling salita, inaasahan ng Diyos para sa Kristiyanong asawang lalaki na ibigin ang kanilang mga asawa na may pagsasakripisyo, ganap, at walang kundisyon, katulad ng pagmamahal sa atin ng ating Tagapagligtas.

Inaasahan na ang Kristiyanong asawang lalaki ay handang ibigay ang lahat, kasama ang kanyang buhay, kung kinakailangan para sa kapakinabangan at kapakanan ng kanyang asawa. Ang plano ng Diyos ay maging isa ang mag-asawa (Markos 10: 8), kaya anomang meron ang asawang lalaki ay pag-aari na ng kanyang asawa. Walang pagkamakasarili sa pag-ibig (1 Corinto 13: 5); kundi pagbibigay lamang. Ang pakiramdam ng Kristiyanong asawang lalaki para sa kanyang asawa ay higit pa sa paghanga, pagmamahal, o sekswal na pagnanais. Ang kaugnayan ay batay sa totoong pag-ibig — na sumasalamin sa Dios, ang espiritu ng pagsasakripisyo na ibinigay ng Diyos. Ang Kristiyanong asawang lalaki ay mas interesado sa kapakanan ng kanyang asawa kaysa sa kanyang sarili. Itinataguyod niya ang kanyang espiritwal na kagalingan bilang isang kapwa-tagapagmana ng buhay na walang hanggan (1 Pedro 3: 7). Hindi niya hinihiling kung ano ang maaari niyang makuha mula sa kanya, sa halip, iniisip kung ano ang maaari niyang gawin para sa kanyang asawa.

Inilarawan sa Efeso 5 kung paano ang isang mapagmahal na Kristiyanong asawang lalaki ay isang instrumento ng pag-ibig ni Kristo para sa kanyang asawa, at kasabay nito ay isang modelo ng pagmamahal ni Kristo sa Kanyang iglesya. Napakalaking karangalan iyan! At isang napakalaking responsibilidad din naman. Tanging sa pagpapailalim ng buhay sa lakas ni Jesu Kristo maaaring matupad ng sinumang tao ang ganitong hamon. Iyon ang dahilan kung bakit dapat siyang umasa sa kapangyarihan ng nananahang Banal na Espiritu (Efeso 5:18) at dahil sa paggalang kay Kristo ay maglilingkod sa kanyang asawa (talatang 21 at ang mga natitirang talata).

Maraming pagkakataon na ang isang Kristiyano asawang lalaki ay isang ama din. Ang mga tungkulin ng asawang lalaki at ng ama ay magka-ugnay. Nilalang ng Diyos ang lalaki at babae sa ganitong kasarian para sa ilang mga layunin. Ang isa ay upang bigyan tayo ng kagalakan ng pagpapatuloy ng lahi, sa pagpaparami sa mundo ng henerasyon ng mga tao na nagdadala ng pangalan ng Diyos at sumasalamin sa Kanyang larawan. Tingnan ang Genesis 1: 27-28 at 2: 20-25, kasama ang Deuteronomio 6: 1-9 at Efeso 6: 4. Ang pamilyang Kristiyano — ay nasa puso ng plano ng Diyos para sa sangkatauhan at siyang pinaka-pundasyon ng lipunan ng tao. Ang asawang lalaki ang pinuno ng pamilyang iyon. Kung paanong hindi maaaring mahalin at pamunuan ng Kristiyanong asawang lalaki ang kanyang asawa ng hiwalay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, hindi din niya magagawang mahalin at palakihin ang kanyang mga anak sa payo ng Panginoon ng hiwalay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Ang mga asawang lalaki at ama ay may malaking responsibilidad at pribilehiyo. Kapag hinahanap nila ang Diyos at sinusunod ang Kanyang pamumuno, pinaglilingkuran nila ang kanilang mga pamilya ng maayos at niluluwalhati ang pangalan ni Kristo.



English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagiging asawang lalaki na isang Kristiyano?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries