Tanong
Ano ang gagawin ng isang Kristiyano kung sumasalungat ang kanyang kumbiksyon sa isang kasamaan na kinukunsinti ng lipunan?
Sagot
Maraming beses na nagsasalpukan ang kumbiksyon ng mga Kristiyano sa mga mali na kinukunsinti ng lipunan. Ano ang gagawin ng mga Kristiyano sa mga ganitong sitwasyon? Walang iisang pamantayan o payo na mailalapat ng mga mananampalataya sa lahat ng sitwasyon, ngunit may ilang mga prinsipyo sa Bibliya na maaari nating isaalang-alang.
Ang isang prinsipyo na dapat tandaan ay ang tanging paraan para marinig ang Ebanghelyo ng hindi naniniwalang mundo ay kung ipamumuhay ito at ipoproklama ng mga Kristiyano (Roma 10:14). Kinakailangan nating umalis sa mundong ito kung ganap nating iiwasan ang lahat ng tao na namumuhay sa kasalanan (1 Corinto 5:9–11). Nabubuhay tayo sa makasalanang mundo, at hindi natin maiiwasan na makasalamuha ang mga tao dito ng hindi lumilipat sa Mars—at pagkatapos kailangan pa rin natin silang pakitunguhan! Hindi tayo magiging asin at ilaw (Mateo 5:13–15) malibang makisama tayo sa mga tao sa mundo. Kailangang magliwanag ang ilaw sa kadiliman upang maging makabuluhan ito—ang ilaw na hindi nagliliwanag ay hindi talaga "ilaw"; at kailangang ilagay ang asin sa pagkain para mabago nito ang lasa—ang asin na nananatili sa lalagyan ay walang halaga.
Ang pagkunsinti ay literal na nangangahulugan ng "pagtanggap" sa isang bagay na hindi gusto." Hindi kailangan ang pagsang-ayon at pagsuporta sa pagkunsinti. Kaya, may magandang argumento ang mga Kristiyano para literal na maging kunsitindor hangga't maaari, para maramdaman ng mga tao ang ating pag-ibig (Mateo 5:16). Gawin nating halimbawa ang isang transakyon sa negosyo. Ang pagtitimpla ng kape para sa isang tao, ang pagbebenta ng kotse, o maging ang pagrenta ng isang kwarto sa isang hotel ay hindi nangangailangan ng pagpapahayag ng personal na kumbiksyon. Makatwirang sabihin na ang karamihan ng mga transaksyon sa negosyo ay hindi nagpapahiwatig ng pakikiisa sa imoralidad. Sa nakararaming kaso, ang pinakamagandang saloobin sa legal at moral ay posibleng pakikipagugnayan, pagiging isang patotoo, at pagkunsinti sa anumang hindi mo sinasasang-ayunan.
Sa kabilang banda, may mga transakyon sa negosyo na nagpapahiwatig ng ilang antas ng moral o sosyal na pakikipagkasundo dahil kinasasangkutan sila ng isang direktang anyo ng pagpapahayag. Kinakailangan sa pagpe-perform ng isang kanta, pagluluto ng espesyal na pagkain, likhang-sining, potograpiya, at iba pa ang direktang paglalaan ng pagkamalikhain at emosyon. Sa kaso ng isang suki na harapang lumalaban sa malinaw na katururan ng Bibliya, ang isang Kristiyanong may-ari ng isang negosyo ay may malakas na moral na dahilan para tumanggi sa pagbibgay ng serbisyo lalo na kung ang serbisyo ay nangangailangan ng ilang antas ng partisipasyon.
Sa ilang pagkakataon, ang pakikipagugnayan sa mundo ay nagiging tila pagendorso at ang pagkunsinti ay hindi nararapat (1 Corinto 5:1–7; Juan 7:24). Anong mensahe ang ipinapakita ng isang simbahan na nagdadaos ng isang gawain kasama ang isang grupo ng mangkukulam? Paano kung magpasya ang isang hukom na kunsintihin ang pamemeke ng pirma—payagan niya ito sa kanyang silid kahit na hindi niya personal na ginusto ito? Paano kung kunsintihin ng isang surgeon ang maduming kundisyon sa operating room?
Sinasabi sa atin sa Bibliya na hindi natin dapat labagin ang ating konsensya na pinangunguhanan ng Banal na Espiritu (Roma 14:22–23), ngunit kung hanggang saan ang hangganan ay isang bagay na pinagpapasyahan ng bawat mananampalataya sa bawat sitwasyon (2 Tesalonica 3:16). May mga pagkakataon na napipilitan ang mga Kristiyano na pumili sa pagitan ng espiritwal na tagumpay at tagumpay sa sanlibutan, gusto man nila o hindi. Hindi lamang isang posibilidad ang paguusig para sa mga Kristiyano; ito ay isang bagay na dapat nating asahan (Lukas 21:12–19).
Hindi ito nangangahulugan na hindi tayo gagamit ng mga kasangkapan na maaari nating gamitin para manindigan sa ating pinaniniwalaan. Hindi natakot si Apostol Pablo na ipaglaban ang kanyang legal na karapatan bilang isang mamamayang Romano (Gawa 16:37–38; 21:39). Sa aspetong sosyal, hangga't maaari, dapat nating alamin ang ating mga karapatan kabilang ang pagpili sa ating mga pinuno (1 Samuel 12:13–25; Kawikaan 28:12; 29:2), at maging handa sa pagtatanggol sa ating pananampalataya laban sa mga naninira dito (1 Pedro 3:15–17). Sa espiritwal, dapat tayong manalangin para sa karunungan, saliksikin ang Kasulatan, at pagkatapos ay sundin ang ating budhi. Dapat nating ipakita ang Kristiyanong pag-ibig at katuwiran, na nagiging halimbawa sa mga tao kung paanong ang pag-ibig at katotohanan ay maaaring pagsamahin. Sa bawat sitwasyon, dapat na ating "taglay ang mabuting budhi; upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo" (1 Pedro 3:16).
English
Ano ang gagawin ng isang Kristiyano kung sumasalungat ang kanyang kumbiksyon sa isang kasamaan na kinukunsinti ng lipunan?