settings icon
share icon
Tanong

Ano ang dapat na pananaw ng Kristiyano sa pagpapalaii ng katawan / pagbubuhat?

Sagot


Marahil, ang salitang "katamtaman" ang konseptong sumasaklaw para sa pananaw ng Kristiyano sa pagpapalaki ng katawan / pagbubuhat. Itinuturo ng 1 Timoteo 4:8, "Ito ay sapagkat kung sinasanay mo ang iyong katawan, mayroon naman itong kaunting pakinabang. Ngunit ang pagiging maka-Diyos ay may kapakinabangan sa lahat ng mga bagay. Ito ay may pangako sa buhay sa ngayon at sa buhay na darating" (idinagdag ang diin). Mahalaga ang pagsasanay sa katawan at pageehersisyo, at gaya ng sinasabi ng talata, mayroon itong kaunting pakinabang. Tayo ay mga espiritwal at pisikal na nilalang at hindi matatanggihan na ang kundisyon ng katawan ay maaaring maakapekto sa espiritwalidad ng isang tao. Tiyak na bahagi ng "pagluwalhati sa Diyos sa ating katawan" (1 Corinto 6:20) ang pagpapanatili sa pisikal sa magandang kundisyon. Ang pagpapalaki ng katawan ay tiyak na maaaring maging bahagi ng programa ng pagsasanay sa katawan ng isang Kristiyano

Sa parehong panahon, gaya sa maraming bagay sa buhay na ito, ang pagpapalaki ng katawan, kung sobra ay maaring maging isang diyus-diyusan. Sa huli, darating ang punto na wala ng tunay na halaga ang pagpapalaki pa ng mga masel. Ang pagpapalaki ng katawan / pagbubuhat ay maaaring maging isang adiksyon o obsesyon. Habang ito ay mas malaking isyu para sa mga lalaki, maaari din itong maging isyu para sa mga babae. Ang paghahangad para sa mas malaki at mas malakas na mga masel, kung sobra na, ay walang kabuluhan (1 Samuel 16:7; Mangangaral 1:2; 1 Pedro 3:4).Sa oras na hayaan natin na ang ating pisikal na anyo ay maging mas mahalaga kaysa sa ating relasyon sa Diyos, ito ay nagiging pagsamba sa diyus-diyusan (1 Juan 5:21).

"Kaya nga, kung kakain kayo, o iinom o anumang gagawin ninyo, gawin ninyo ang lahat ng bagay para sa kaluwalhatian ng Diyos" (1 Corinto 10:31). Ang susing katanungan ay nakakaluwalhati ba sa Diyos ang pagpapalaki ng katawan / pagbubuhat? Kung ginagawa ito para sa dagdag na lakas at korte ng katawan para sa mas magandang kalusugan, oo, maaari itong maging para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit kung ginagawa ito dahil sa walang kabuluhang dahilan o dahil sa pagmamataas, o dahil sa hindi malusog na obsesyon sa pagkakaroon ng mas malaki at mas malakas na pangangatawan, hindi ito nakaluluwalhati sa Panginoon. Ano ang saloobin ng Kristiyano para sa pagpapalaki ng katawan? "'May magsasabi, "Malaya akong makagagawa ng kahit ano," ngunit ang sagot ko naman ay "Hindi lahat ng bagay ay nakakabuti." Maaari ko ring sabihin, "Malaya akong gumawa ng kahit ano," ngunit hindi ako magpapaalipin sa anumang bagay….. '"Malaya akong gumawa ng anuman," ngunit hindi rin lahat ng ito'y nakakatulong.'" (1 Corinto 6:12; 10:23).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang dapat na pananaw ng Kristiyano sa pagpapalaii ng katawan / pagbubuhat?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries