settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagtutuli? Ano ang pananaw ng Kristiyano sa pagtutuli?

Sagot


Ang pagtutuli ay ang pagtatanggal ng balat na nakatakip sa dulo ng ari ng lalaki. Ang salitang "tuli" ay literal na nangangahulugang "putulin papaikot." Bilang isang ritwal sa relihiyon, ang pagtutuli ay kinakailangan para sa lahat ng lalaking nanggaling sa lahi ni Abraham bilang tanda ng tipan ng Diyos sa kanya (Genesis 17:9–14; Gawa 7:8). Inulit sa Kautusan ni Moises ang pagtutuli (Levitico 12:2–3), at ipinagpatuloy ng mga Hudyo sa pagdaan ng mga siglo ang pagsasanay na ito (Josue 5:2–3; Lukas 1:59; Gawa 16:3; Filipos 3:5). May iba't ibang isyu na nakapaloob sa kung dapat ba o hindi dapat na tuliin ang mga lalaki sa panahon ngayon. Ang isang isyu ay may kinalaman sa katuruan ng relihiyon: Ano ang sinasabi ng Bibliya, ng Salita Diyos? Ang isa pang isyu ay may kinalaman sa kalusugan, dapat bang tuliin ang mga lalaki? Ang maka-Kristiyanong pananaw ay maaring ilarawan ng pinakamaganda sa kumbinasyon ng dalawa.

Tungkol sa unang isyu, wala na sa ilalim ng mga Kautusan ng Lumang Tipan ang mga Kristiyano at hindi na kikailangan para sa kanila ang pagtutuli. Itinuro ito sa ilang mga sitas sa Bagong Tipan, gaya sa Gawa 15; Galatia 2:1–3; 5:1–11; 6:11–16; 1 Corinto 7:17–20; Colosas 2:8–12; at Filipos 3:1–3. Gaya ng ipinapahayag ng mga sitas na ito, ang kaligtasan mula sa ating mga kasalanan ay resulta ng pananampalataya kay Kristo; ang natapos na gawain ni Kristo sa krus ang nagliligtas, hindi ang pagsunod sa isang panlabas na ritwal. Kinikilala maging ng Kautusan na hindi sapat ang pagtutuli para bigyang lugod ang Diyos, na bumanggit sa pangangailangan ng "pagtutuli sa mga puso" (Deuteronomio 10:16; cf. Roma 2:29). Sa kaligtasan, walang anumang ambag ang mga gawa ng laman (tingnan ang Galatia 2:16).

Sa Gawa 16:3, may katulong sa pagmimisyon si Pablo, si Timoteo na isang tuli. Si Timoteo ay isang mestisong Hudyo at tinuli siya ni Pablo upang hindi siya maging sagabal sa kanilang pangangaral sa mga hindi mananampalatayang Hudyo. Bagama't hindi hiningi ng Diyos kay Timoteo na magpatuli, bukal sa loob niya itong ginawa alang-alang sa pagabot sa mga Hudyo. Gayunman, gaya ng maliwanag na sinasabi ni Pablo sa mga taga Galatia, hindi nakakapagambag ang pagtutuli sa kaligtasan o kahit sa pagpapaging banal kay Kristo. Siyempre, ang pangyayari kay Timoteo ay hindi direktang mailalapat sa ngayon dahil hindi kinakailangan ang pagtutuli para sa mga Kristiyano para maabot ang mga hindi mananampalataya, Hudyo man o Hentil. Muli, ang prinsipyo ng pagtutuli ng puso ang pinakamahalaga.

May mga praktikal ding isyu na nakapaloob sa pagutuli. May mga magulang na ipinapatuli ang kanilang mga anak upang magmukha silang gaya ng ibang lalaki sa kanilang kultura. May ilang magulang naman na nagaalala na baka magtago sa locker room ang kanilang mga anak dahil malalaman nila na kakaiba sila sa ibang lalaki sa kanilang paligid. Gayunman, sa ilang mga bansa, karaniwang hindi tinutuli ang mga kalalakihan. Nagdedebate pa rin ang mga doktor patungkol sa kung may pakinabang ba sa kalusugan ang pagtutuli. Ang sinumang magulang na may ganitong pagkabahala at dapat na makipag-usap sa isang doktor patungkol sa isyung ito.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagtutuli? Ano ang pananaw ng Kristiyano sa pagtutuli?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries