settings icon
share icon
Tanong

Ano ang dapat nating maging papanaw sa romansang Kristiyano?

Sagot


Para sa layunin ng artikulong ito, ang salitang romansa ay papakahulugunan naming na "isang emosyonal na pananabik o atraksyon na nararamdaman ng isang lalaki para sa isang babae o ng isang babae para sa isang lalaki." Ang uri ng romansang ito ang popular na paksa sa ating kultura. Ginagamit ito sa mga musika, pelikula, pagtatanghal sa entablado, at mga libro dahil sa pagkawili ng tao sa romantikong pag-ibig at ang tila walang katapusang kapahayagan nito. Sa pananaw ng Kristiyano, ang romantikong pag-ibig ba ay masama o mabuti? o nasa gitna?

Ang Bibliya ay tinatawag na sulat ng pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan. Bagama't naglalaman ito ng mga marahas na imahe at babala tungkol sa paghuhukom ng Diyos, puno rin ito ng malikhaing ekspresyon ng pag-ibig sa pagitan ng tao at ng Diyos (Awit 42:1–2; Jeremias 31:3). Bagamat may kaugnayan sa isa't isa ang pag-ibig at romansa, hindi sila magkapareho. Maaaring magkaroon ng romansa ng walang tunay na pag-ibig at maaari tayong umibig ng walang romansang nagaganap. Habang inilalarawan ang emosyonal na pag-big ng Diyos para sa Kanyang sariling bayan sa mga talatang gaya ng Sofonias 3:17, idinidetalye naman sa ibang mga talata gaya ng 1 Corinto 13:4–8 ang mga katangian ng pag-ibig ng Diyos na walang kinalaman sa emosyon na nakapaloob sa romantikong pag-ibig. Sinabi ni Jesus, "Walang hihigit pa sa pag-ibig ng taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan" (Juan 15:13). Hindi kailanman romantiko ang pagdanas ng nakapasakit na kamatayan sa krus para sa mga makasalanang hindi marunong magpasalamat, ngunit ito ang pinakamagandang kapahayagan ng pag-ibig (1 Juan 4:9-10).

Ang Awit ni Solomon ay isang aklat na puno ng pagpapakita ng romantikong pag-ibig sa pagitan ng dalawang magkasintahan. Dahil ipinahintulot ng Diyos na isama ang aklat na ito sa Bibliya, ligtas nating masasabi na pinahihintulutan ng Diyos ang romantikong relasyon. Ang romansa sa konteksto ng aklat na ito ay isang dalisay at nakatalagang pag-ibig na nagpapalago ng relasyon at nagpapasidhi ng kasiyahan sa pagitan ng magasawa.

Gayunman, ang romansa para lamang sa kasiyahan ay maaaring maging mapaminsala. Karamihan sa mga romansa ay naguumpisa sa nakasisiyang pakiramdam ng "pagkahulog sa pag-ibig" (falling in love) na maaaring makalasing sa dalawang tao. Ang pagkahulog sa pag-ibig ay lumilikha ng kemikal na reaksyon sa utak na kagaya ng mga nararanasan ng nakadroga. Ang ating utak ay umaapaw sa adrenaline, dopamine, at serotonin (mga natural na kemikal na nagdudulot sa atin ng magandang pakiramdam), na siyang dahilan upang nais nating balik-balikan ang pinanggagalingan ng magandang pakiramdam na iyon. Ngunit dahil sa reaksyon ng ating utak, ang romansa ay maaring maging isang adiksyon. Ang pagpipiyesta sa mga nobela, pelikula at mga palabas sa telebisyon na may temang sekswal ay maaaring magtulak sa atin sa hindi makatotohanang ekspektasyon sa ating mga karelasyon sa tunay na buhay.

Tinataya ng mga mananaliksik na maaari lamang taglayin ng utak ng tao ang masidhing pakiramdam ng "pagkahulog sa pag-ibig" sa loob ng dalawang taon. Sa realidad, kailangang magsikap ang magasawa na palalimin ang kanilang pag-ibig at pagtatalaga sa isa't isa sa loob ng panahong iyon upang kung mabawasan ang masidhing pakiramdam ng pagkahulog sa pag-ibig, papalit naman ang mas malalim na pag-ibig. Gayunman, para sa mga naadik na sa romansa, ang pagkawala ng magandang pakiramdam ay nagbabadya na panahon na para humanap ng panibagong iibigin na muling magpapanumbalik sa magandang pakiramdam. May ilan na nakitaan ng saykolohikal na karamdaman na tinatawag na "relationship addiction" ang sa totoo ay maaaring naadik sa pakiramdam na nalilikha ng "pagkahulog sa pag-ibig." Kaya nga sinusubukan nila na muling makaramdam ng ganitong paulit-ulit na karanasan.

Sa aming pakahulugang ito, napakadaling makita kung bakit ang pag-ibig at romansa ay hindi magkapareho. Ibinibigay sa Bibliya ang ilang halimbawa ng magasawa na nakaranas ng romantikong pag-ibig at ang resulta nito sa kanila. Tinalakay sa Genesis 29 ang kuwento kung paanong nahulog sa pag-ibig si Jacob kay Raquel. Handa si Jacob na manilbihan sa kanyang ama sa loob ng pitong taon upang mapangasawa siya. Sinasabi sa talatang 20 na ang pitong taon ay "gaya lamang ng ilang araw" para kay Jacob dahil sa kanyang malaking pag-ibig kay Raquel. Bagama't nagpatuloy ang kuwento ni Jacob sa pandaraya at kabiguan, para sa lahat, hindi itinuring ng Kasulatan na masama ang kanyang romatikong relasyon kay Raquel. Sa kabilang banda, inilagay si Samson ng kanyang romansa kay Delilah sa panganib ng pahintulutan niya na pangunahan siya ng kanyang emosyon. Itinala sa aklat ng mga Hukom kabanata 14 ang pasimula ng pagbagsak ni Samson ng hayaan niya na diktahan ang kanyang mga desisyon ng Kanyang emosyon sa halip na sundin ang malinaw na kalooban ng Diyos.

Maaaring maging negatibo o positibo ang isang romantikong relasyon depende sa pagkontrol natin sa ating emosyon. Kung susundin natin ang ating pakiramdam, maaaring malagay sa panganib ang ating moralidad at relasyon sa asawa. Sinasabi sa 17:9, "Sino ang makakaunawa sa puso ng tao? Ito'y mandaraya at walang katulad; wala nang lunas ang kanyang kabulukan. Ang popular na kasabihan na "sundin mo ang iyong puso" ay isang nakakatakot na payo. Kung susundin natin ang mga nais ng ating puso, madali tayong madadaya, magkakasala at masasadlak sa pagsisisi. Sa halip na maghabol sa isang romantikong relasyon, dapat nating nasain ang pangunguna ng Banal na Espiritu sa ating relasyon. Laging isang matalinong desisyon ang umibig ng ayon sa pag-ibig sa atin ng Diyos (1 Corinto 14:1). Kung wala ka pang asawa at ipinapakita mo ang makadiyos na pag-ibig sa isang tao at mapansin at ibigin ka rin niya, ang makadiyos na romansa ay isang makalangit na regalo mula sa ating Ama sa langit (Santiago 1:17).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang dapat nating maging papanaw sa romansang Kristiyano?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries