settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagsasayaw? Dapat bang magsayaw ang mga Kristiyano?

Sagot


Hindi nagbibigay ng partikular na instruksyon ang Bibliya tungkol sa pagsasayaw. Maaring makatulong kung titingnan ang mga halimbawa ng masama at mabuting pagsasayaw pagkatapos ay tingnan ang mga prinsipyo sa Bibliya upang itatag ang mga pamantayan para sa pagsasayaw. Ang Exodo 32:6, 19-25 ay isang nakapanlulumong bahagi sa kasaysayan ng Israel. Habang nasa itaas ng bundok si Moises at nakikipagusap sa Diyos, gumawa ng diyus diyusan ang mga Israelita. Sa proseso ng kanilang pagsamba sa diyus diyusang ito, nagsimula silang magsayaw. Nagtapos ito sa isang napakasayang pagdiriwang (v.6) at pagkawala ng kontrol sa sarili (v.6) (sinasabi sa talata 25 na sila ay hubo’t hubad sa ibang salin). Sa kasong ito, ang pagsasayaw ay humantong sa makasalanang gawain. Sa Exodo sumayaw si Miriam upang ipagdiwang ang tagumpay ng kapangyarihan ng Diyos sa paglalabas sa kanila sa Ehipto. Sinasabi sa 2 Samuel 6:12-16 na “nagsayaw si David sa harapan ng Panginoon” upang ipagdiwang ang pagbabalik ng Kaban ng Tipan sa Jerusalem.

Ang bawat tala ng pagsasayaw sa Bibliya na hindi itinuring na makasalanan ay ginawa sa pagpupuri at pagsamba sa Diyos. Narito ang mga prinsipyong dapat tandaan sa pagsasayaw: Mangangaral 3:4, “ang panahon ng pagluha at panahon ng pagtawa; ang panahon ng pagluluksa at panahon ng pagdiriwang” o pagsasayaw (at sa implikasyon ay hindi tamang panahon ng pagsasayaw). Parehong binabanggit sa Awit 149:3, at 150:4 na maaari nating purihin at sambahin ang Diyos sa pamamagitan ng pagsasayaw. Sinasabi sa 1 Corinto 6:19-20 na ang ating katawan ay pagaari ng Diyos at templo ng Banal na Espiritu. Kaya’t ang lahat ay dapat gawin sa pagbibigay ng parangal sa Diyos.

Ang pagsasayaw na umaakit ng atensyon sa sarili o sa mismong katawan ay kasalanan. Sinsabi ni Pablo sa 1 Corinto 7:1-3, “mabuti para sa isang lalaki na hindi humipo ng isang babae.” Kinikilala ni Pablo na madaling mapukaw ang sekswal na pagnanasa ng mga lalaki at napakadali nilang matangay ng kanilang damdamin. Dahil dito, maraming istilo ng pagsasayaw ng magkapareha na hindi magasawa ang maaaring katukso-tukso lalo na sa mga kalalakihan. Sinasabi sa 2 Timoteo 2:22, “Kaya nga bilang isang kabataan, iwasan mo ang masasamang pagnanasa” (2 Timoteo 2:22). Ang anumang uri ng pagsasayaw na pumupukaw sa makasalanang pagnanasa ng ating sarili o ng iba ay isang kasalanan. Ayon sa Mateo 6:18, ang paggawa ng isang bagay na magiging dahilan ng pagkakakasala ng iba ay hindi mapapalampas ng Diyos. Ang pagsasayaw na nagiging dahilan upang magnasa ang iba ay nasa ilalim ng pamantayang ito. Ang 1 Tesalonica 5:22 ay isang kagamit gamit na prinsipyo kung hindi natin tiyak kung ang isang uri ng sayaw ay katanggap tanggap: “Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan.” Kung sa tingin pa lamang ay nagiging sanhi na ng pagkakasala ang isang gawain, dapat na hindi iyon gawin.”

Sa huli, maraming uri ng sayaw ang hindi nararapat para sa mga mananampalataya na ang dapat na ninanais ay ang kaluwalhatian ng Diyos sa kanilang mga buhay at katawan. Ngunit kinikilala din ng Bibliya ang mga sayaw na hindi magiging dahilan ng tukso para sa iba, hindi nakakatukso sa ating sarili at nagbibigay ng karangalan sa Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagsasayaw? Dapat bang magsayaw ang mga Kristiyano?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries