settings icon
share icon
Tanong

Kritisismong tekstwal (textual criticism) – ano ito?

Sagot


Sa simpleng kahulugan, ang kritisismong tekstwal (textual criticism) ay ang metodolohiyang ginagamit upang malaman kung ano ang sinasabi ng mga orihinal na manuskrito ng Bibliya. Wala na o nakatago at wala sa posisyon ng kahit sino ang mga orihinal na manuskrito ng Bibliya. Ang nasa atin ngayon ay libu-libong mga kopya ng mga orhinal na manuskrito na nagmula pa noong una hanggang ikalabinlimang siglo A.D. (para sa Bagong Tipan) at mula noong ikaapat na siglo B.C. hanggang ikalabinlimang (15) siglo A.D. (para sa Lumang Tipan). Sa mga manuskristong ito, maraming maliliit at tila malalaking pagkakaiba. Ang kritisismong tekstwal ay ang pagaaral sa mga manuskritong ito sa pagtatangka na malaman ang orihinal na pagbasa at kahulugan ng mga teksto.

May tatlong pangunahing pamamaraan sa kritisismong tekstwal. Una, ang tinatawag na Textus Receptus. Ang Textus Receptus ay isang manuskrito ng Bibliya na tinipon ng isang taong nagngangalang Erasmus noong 1500s A.D. Kumuha siya ng limitadong bilang ng mga manuskrito at inipon niya ito na sa ngayon ay tinatawag na Textus Receptus.

Ang ikalawang pamamaraan ay kilala sa tawag na Majority Text. Sa Majority Text, kinukuha ang lahat ng mga manuskrito sa panahon ngayon at ikinukumpara ang mga pagkakaiba at pinipili ang sa tingin ng kritiko ay pinakatamang pagbasa ayon sa kung anong salita ang may mas maraming pagkakapareho. Halimbawa, kung sa pitong daan at apatnapu’t walo (748) na manuskrito ay mababasa ang salitang “kanyang sinabi” at sa isanlibo at apatnapu’t dalawamput siyam (1429) na manuskrito naman mababasa ang salitang “kanilang sinabi,” pipiliin ng Majority Text ang salitang “kanilang sinabi” bilang pinakamalapit sa orihinal na pagbasa. Walang pangunahing salin ng Bibliya ang nakabase sa Majority Text.

Ang ikatlong pamamaraan ay ang tinatawag na critical/eclectic method. Ang eclectic method ay kinapapalooban ng pangangalap ng panlabas at panloob na ebidensya upang malaman kung alin ang orihinal na teksto. Ang panlabas na ebidensya ay tulad sa pagtatanong ng: Sa gaanong karaming manuskrito makikita ang pagbasa? Ano ang mga edad ng mga manuskrito? Saang rehiyon ng mundo natagpuan ang mga manuskrito? Ang panloob na ebidensya naman ang magtutulak sa mga tanong na ito: Ano ang maaaring dahilan sa pagkakaroon ng iba’t ibang pagbasa? Aling pagbasa ang posibleng makakapagpaliwanag sa pinanggalingan ng ibang pagbasa?

Aling metodolohiya ang pinakatama? Dito nagsisimula ang debate. Kung unang ilalarawan ang mga pamamaraang ito sa isang tao, tipikal niyang pipiliin ang Majority Text. Sa esensya, ito ang “batas ng karamihan” at ang demokratikong pamamaraan. Gayunman, walang konsiderasyon sa rehiyon ang pamamaraang ito. Sa mga unang siglo ng Iglesya, ang karamihan sa mga Kristiyano ay nagsasalita at nagsusulat sa wikang Griyego. Magmula noong ikaapat (4) na siglo A.D., naging Latin ang pinaka-pangkaraniwang wika, lalo na sa Iglesya. Magmula ng isalin ang Bibliya sa salitang Latin (Latin Vulgate), nagsimulang kopyahin ang Bagong Tipan sa wikang Latin sa halip na sa Wikang Griyego.

Gayunman, sa mundo ng mga Kristiyano sa Silangan, patuloy na naging dominante ang wikang Griyego sa iglesya sa loob ng mahigit na isanglibong (1,000) taon. Dahil dito, ang karamihan ng mga manuskritong Griyego ay nagmula sa Silangan (Byzantine region). Ang mga manuskritong ito ay halos parehong-pareho kung ikukumpara sa bawat isa. Maaaring nagmula sila sa parehong manuskritong Griyego. Habang halos pareho sa bawat isa, ang mga Byzantine na manuskrito ay maraming pagkakaiba kumpara sa mga manuskrito na natagpuan sa Kanluran at sentrong rehiyon ng Iglesya. Bilang pagbubuod: Kung magsisimula ka sa tatlong manuskrito, at ang isang manuskrito ay kinopya ng isandaang (100) beses, ang isa ay kinopya ng dalawandaang (200) beses, at ang ikatlo ay kinopya ng limang libong (5,000) beses. Aling grupo ang itururing na mas marami at siyang kikilalanin? Ang ikatlong grupo siyempre. Gayunman, hindi masisiguro na ang ikatlong grupo ang pinakatamang pagbasa kaysa sa una at ikalawang grupo. Mayroon lamang itong mas maraming kopya. Ang pamamaraang critical/eclectic ng kritisismong tekstwal ang nagbibigay ng pantay na ‘bigat’ sa mga manuskrito mula sa iba’t ibang rehiyon, kahit na ang mga manuskrito mula sa Silangan ang mas nakararami.

Paano isasagawa sa praktikal ang pamamaraang critical/eclectic? Kung ikukumpara ang Juan 5:1-9 sa ibang salin, mapapansin na nawawala ang ikaapat na talata mula sa mga salin base sa tekstong kritikal. Sa Textus Receptus, mababasa ang Juan 5:4 ng ganito, “Sapagka't lumulusong ang isang anghel ng Panginoon sa mga tanging panahon sa tangke at kinakalawkaw ang tubig: at ang unang manaog sa tangke, pagkatapos na makalawkaw ang tubig ay gumagaling sa anomang sakit na dinaramdam.” Bakit nawawala ang talatang ito sa mga salin ng Bibliya na gumagamit ng pamamaraang critical/ecletic? Ginamit ng pamamaraang ecletic ang paraang gaya ng sumusunod: (1) Ang Juan 5:4 ay hindi mababasa sa marami sa mga matatandang manuskrito. (2) Ang Juan 5:4 ay mababasa sa lahat ng manuskritong Byzantine ngunit hindi marami sa mga manuskritong hindi mula sa Silangan. (3) Maaaring isang eskriba ang nagdagdag ng paliwanag sa halip na isang eskriba ang nagalis noon. Malinaw na ipinapaliwanag sa Juan 5:4 ang dahilan kung bakit nais ng lalaking lumpo na lumusong sa tubig. Bakit aalisin ng isang eskriba ang talatang ito? Walang dahilan upang gawin ito ng isang eskriba. Mas may dahilan para sa tradisyon na idagdag ng eskriba ang dahilan kung bakit nais ng lalaking lumpo na lumusong sa tubig. Dahil sa mga konseptong ito, hindi isinama ng mga manuskritong critical/electic ang Juan 5:4.

Anumang metodolohiya ng kritisismong tekstwal ang paniwalaang tama, ito ay isang isyu na dapat na pagusapan ng may biyaya, paggalang at may mabuting pakikitungo sa isa’t isa. Maaaring hindi magkasundo ang mga Kristiyano sa isyung ito. Maaari nating pagdebatehan ang mga pamamaraan, ngunit hindi natin dapat na atakehin ang mga motibo at karakter ng mga taong hindi sumasang-ayon sa atin sa isyung ito. Mayroon tayong iisang layunin – ang alamin kung ano ang pinakatamang salin ng Bibliya. May ilang gumagamit ng ibang pamamaraan upang maabot ang layuning ito. English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Kritisismong tekstwal (textual criticism) – ano ito?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries