settings icon
share icon
Tanong

Sinu-sino ang labingdalawang (12) disipulo/apostol ni Hesu Kristo?

Sagot


Ang salitang "disipulo" ay nangangahulugan na pagiging "mag-aaral" o "taga sunod." Ang salitang "apostol" naman ay nangangahulugan na "isang isinugo." Habang nasa mundo si Hesus, ang Kanyang mga tagasunod ay tinawag na disipulo. Sumunod ang 12 disipulo sa Kanya, nag-aral sa Kanya ay sinanay Niya. Pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli at bago Siya umakyat sa langit isinugo ni Hesus ang Kanyang mga disipulo upang maging Kanyang mga saksi (Mateo 28:18-20; Gawa 1:8) Tinatawag sila noong 12 apostol. Gayunman kahit na noong nasa mundo pa si Hesus, ang salitang "disipulo" at "apostol" ay ginagamit na ng salitan.

Ang mga pangalan ng orihinal na labingdalawang disipulo/apostol ay nakatala sa Mateo 10:2-4, "Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito: Ang una'y si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid; si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan; Si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo; Si Simon na Cananeo, at si Judas Iscariote, na siya ring sa kaniya'y nagkanulo." Itinala din sa Bibliya ang pangalan ng labindalawang apostol sa Markos 3:16-19 at Lukas 6:13-16. Kung ikukumpara ang tatlong teksto sa isa't isa, may kaunting pagkakaiba sa mga pangalan. Masasabing si Tadeo ay siya ring tinatawag na "Judas na anak ni Santiago" (Lukas 6:16) at Lebeos (Mateo 10:3). Si Simong makabayan naman ay tinatawag ding Simong Cananeo (Markos 3:18). Si Judas Iscariote na nagkanulo kay Hesus ay pinalitan ni Matias (tingnan ang Gawa 1:20-26). May mga iskolar ng Bibliya na itinuturing na walang bisa ang pagka-apostol ni Matias at naniniwala na si Pablo ang pinili ng Diyos upang ipalit kay Hudas bilang isa sa labindalawang apostol.

Ang labindalawang disipulo/apostol ay mga ordinaryong tao na ginamit ng Diyos sa hindi pangkaraniwang kaparananan. Sa labindalawang alagad ay may mga mangingisda, isang maniningil ng buwis, at isang rebolusyonaryo. Itinala sa mga Ebanghelyo ang mga kabiguan, pagbagsak at mga pagdududa ng labindalawang apostol na ito na sumunod sa tawag ni Hesu Kristo. Pagkatapos nilang masaksihan ang pagkabuhay na mag-uli at pag-akat ni Hesus sa Langit, binago ng Banal na Espiritu ang mga disipulong ito upang maging mga makapangyarihang tao ng Diyos na nakapagpabago ng mundo (Gawa 17:6). Ano ang dahilan ng kanilang pagbabago? ang labindalawang (12) disipulo / apostol na ito ay "nakasama ni Hesus" (Gawa 4:13). Nawa'y masabi din sa atin ang ganito.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Sinu-sino ang labingdalawang (12) disipulo/apostol ni Hesu Kristo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries