settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin na inihahayag ng langit ang kaluwalhatian ng Diyos?

Sagot


Ayon sa Awit 19:1, "Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!" Ito ang isa sa pinakamalinaw na pahayag sa Bibliya na inihahayag ng mismong kalikasan ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang mga pahayag na ito ay nasa pangkasalukuyan. Nangangahulugan ito na inihahayag ngayon ng langit at ipinoproklama ng sangnilikha ang malikhaing gawa ng Diyos. Ito ay nagpapatuloy na pagpapakilala ng Diyos sa Kanyang sarili sa lahat ng tao. Ang nakikita natin sa kalikasan ay patuloy na pagpapakita sa atin ng Diyos na may Diyos at ipinapahayag sa atin kung gaano kahanga-hanga ang ating Manlilikha.

Ang isa sa pinakamalakas na argumento para sa pagiral ng Diyos ay ang argumento ng disenyo o kaayusan. Inaangkin ng argumentong ito na ang obserbasyon sa kalikasan ay maipapaliwanag ng malinaw sa pamamagitan ng sinasadya at matalinong paglikha ng Diyos sa halip na sa pamamagitan ng hindi sinasadyang pagkakataon o swerte. Ang pagpapaabot ng impormasyon ay isang susing aspeto sa para dito. Laging produkto ng katalinuhan ang anumang impormasyon. Ang iba sa mga patterns ay kumplikado ngunit random. Ang iba naman ay madaling maunawaan ngunit hindi nagtataglay ng impormasyon. Ngunit sa tuwing nakakakita tayo ng kumplikadong kaayusan na nagtataglay ng impormasyon, kinikilala natin na ito ay gawa ng matalinong isipan hindi isang tsamba lamang.

Ikinokonekta ng Awit 19:1 ang mga ito sa Kasulatan. Mas marami tayong natututuhan sa sangnilikha, mas malinaw nating makikita ang mga gawa ng Diyos. Ang perpektong halimbawa ay ang modernong teorya ng "Big Bang." Bago ang teoryang ito, ipinagpapalagay ng mga siyentipiko at ng mga hindi naniniwala sa Diyos na ang sangkalawakan ay walang hanggan. Nilinaw ng kumbinasyon ng mga teorya ni Einstein at ng pagsulong ng physics ang katotohanan na may pasimula ang sangkalawakan. Sa una, ang ideyang ito ay tinatanggihan ng mga siyentipiko bilang teolohiya, hindi siyensya. Gayunman, sa paglipas ng panahon, naging imposible ang pagtanggi sa katotohanan na nagumpisa ang kalawakan ay isang bagay na malinaw nating makikita sa pamamagitan ng pagoobserba sa kalawakan at sa kalangitan—gaya ng sinasabi sa Awit 19:1.

Iniuugnay din ang Roma 1 sa ideyang ito. Inihayag ng Diyos ang sapat na impormasyon tungkol sa kanyang sarili sa kalikasan at walang sinuman ang maaaring may idahilan para tanggihan SIya o para gumawa ng masama. "Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang likas na hindi nakikita, ang kanyang kapangyarihang walang hanggan at ang kanyang pagka-Diyos, ay maliwanag na inihahayag ng kanyang mga ginawa. Kaya't wala na silang maidadahilan pa" (Romans 1:20). Ipinapahayag ng kalangitan ang kaluwalhatian ng Diyos.

Dahil "inihahayag ng sangnilikha ang kaluwalhatian ng Diyos," maaari nating gamitin ang siyensya sa ating pagsisiyasat. Mas marami tayong nalalaman tungkol sa mundo na ating ginagalawan, mas malalim na pagpupuri ang ating naibibigay sa Diyos. Mas marami tayong natutuklasan, mas marami tayong ebidensya na Siya ang nasa likod ng kalikasan at mga batas nito. Kailangan ng tao ang Bibliya at personal na pananampalataya kay Kristo upang magkaroon siya ng tamang relasyon sa Diyos. Gayunman, kailangan lang ng isang tao na tumingin sa mga bagay sa kanyang palibot upang malaman na tunay na may Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin na inihahayag ng langit ang kaluwalhatian ng Diyos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries