settings icon
share icon
Tanong

Ano ang layunin ng dowry (Genesis 31:15)?

Sagot

Ang dowry, na minsan ay tinatawag na halaga ng nobya o presyo ng nobya ay isang bayad na ginawa ng isang lalake bilang regalo sa pamilya ng isang babaeng nais niyang maging asawa. Sa Genesis 29, minahal ni Jacob si Raquel at nag-alok siya na magtatrabaho ng pitong taon para sa kanyang amang si Laban kapalit ng kanyang kamay. Ito ay isang halimbawa ng sinaunang kaugalian ng pagbabayad ng dowry.

Noong panahon ni Jacob, ang pagbibigay ng dowry para kay Raquel ay kinaugalian sa kultura. Ang pagtatrabaho bilang kapalit ng dowry ay tinatanggap ding kasanayan. Isang iskolar ang nagsabi, "Tungkol sa kasal sa pangkalahatan, ang mga Nuzi tablets ay nagsasaad na kung ang isang lalake ay nagtrabaho sa loob ng mahabang panahon para sa ama ng isang babae na nais niyang mapangasawa, magkakaroon siya ng karapatang pakasalan ang babae" (Stuard A. West, “The Nuzi Tablets,” Bible and Spade 10:3–4, Summer–Autumn 1981, p. 70).).

Dahil walang ibang pangunahing pinagkukunan ng kita si Jacob noong panahong iyon, inalok niya na siya’y magtatrabaho kapalit ni Raquel. Naiintindihan niyang ito lamang ang alok na magugustuhan ni Laban. Napansin ng mga iskolar na ang mga manggagawa sa sinaunang Silangan ay karaniwang kumikita ng kalahating shekel hanggang isang shekel kada buwan. Malamang na itinuring ni Laban na napakaganda ng alok ni Jacob na pitong taon ng libreng pagtatrabaho. Nais ni Jacob na gawing kaakit-akit ang kanyang alok upang masiguro na “oo” ang magiging sagot ni Laban sa pagbibigay kay Raquel bilang kanyang asawa.

Nilinlang ni Laban si Jacob at unang ibinigay kay Jacob ang kapatid ni Raquel na si Leah bilang asawa. Upang mapangasawa si Raquel, kinailangan pang pumayag ni Jacob na magtrabaho ng karagdagang pitong taon. Nang dumating na ang panahon para umalis sina Jacob at ang kanyang pamilya sa bahay ni Laban, sinabi nina Leah at Raquel, “Wala na kaming mamanahin sa aming ama. Dayuhan na ang turing niya sa amin. Ipinagbili niya kami, at nilustay ang lahat ng pinagbilhan sa amin” (Genesis 31:14-15). Ang mga taon ng pagtatrabaho ni Jacob kapalit ni Raquel ay malinaw na itinuturing ng mga babaeng ito bilang isang uri ng kita para kay Laban—kita na ginastos niya, na nag-iwan sa kanyang mga anak na walang mana.

Hanggang ngayon, ginagamit pa rin ang sistemang dowry sa ilang bahagi ng mundo lalo na sa India, Bangladesh, Pakistan, Sri Lanka, at Nepal. Ang proseso ay nangangailangan ng pagkakaisa ng parehong pamilya at matibay na pangako ng potensyal na asawa bago magpakasal. Sa mga bansang Kanluranin, isang naiibang kaugalian ang nabuo na kinapapalooban ng paghingi ng kamay ng isang babae mula sa kanyang mga magulang para sa kasal. Nakalilito rin na sa kasalukuyan, ang dowry ay madalas na itinuturing bilang pera o ibang mga gamit na dinadala ng babae sa kasal sa halip na ibinibigay ng lalake.

Ang sistemang dowry ay matagal nang kaugalian sa mga kultura sa Silangan na ginagamit pa rin hanggang ngayon. Ang mga benepisyo nito ay kinabibilangan ng mas malapit na ugnayan sa pagitan ng parehong pamilya at kasiguraduhan ng pangako ng lalake sa pagsasama. Ang mga kahinaan naman ay ang kakulangan ng pera na nagsisilbing hadlang sa kakayahang magpakasal ng isang tao.

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries