settings icon
share icon
Tanong

Ano ang layunin ng tao ayon sa Bibliya?

Sagot


Napakalinaw na sinasabi sa Bibliya na nilikha ng Diyos ang tao para sa Kanyang kaluwalhatian (Isaias 43:37). Kaya nga, ang pinakamataas na layunin ng tao, ayon sa Bibliya, ay ang pagluwalhati sa Diyos.

Maaaring ang tanong na mas mahirap sagutin ay: “Paano natin maluluwalhati ang Diyos?” Sinasabi sa atin sa Awit 100:2-3, “Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan. Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.” Bahagi ng pagluwalhati natin sa Diyos ay ang pagkilala kung sino Siya (bilang ating Manlilikha para sa mga baguhan) at purihin at sambahin Siya gaya ng nararapat.

Ginaganap natin ang layunin ng pagluwalhati sa Diyos sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon at tapat na paglilingkod sa Kanya (1 Samuel 12:24; Juan 17:4). Dahil nilikha ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang wangis (Genesis 1:26-27), hindi magagampanan ng tao ang kanyang layunin ng hiwalay sa Kanya. Sinubukan ni haring Solomon na mabuhay para sa kanyang pansariling kasiyahan, ngunit sa huling bahagi ng kanyang buhay, natanto niya na tanging ang isang buhay na nagpaparangal at nagpapasakop sa Diyos ang buhay na kasiyasiya (Mangangaral 12:13-14).

Sa ating makasalanang kalagayan, inihiwalay tayo ng kasalanan sa Diyos at naging imposible para sa atin na maluwalhati natin Siya sa ating sariling kakayahan. Ngunit sa pamamagitan ng paghahandog ng buhay ni Kristo, naibalik ang relasyon natin sa Diyos - pinatawad ang ating mga kasalanan at wala ng sagabal sa pakikipagugnayan natin sa Diyos (Roma 3:23-24).

Ang pinakatangi sa lahat, may kakayahan na tayo na luwalhatiin ang Diyos dahil binigyan muna Niya tayo ng kaluwalhatian. Isinulat ni David sa Awit 8:4-6, “Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa” (Inulit din ito sa Hebreo 2:6–8.) Ipinapakita ng talatang ito ang isa pang layunin na ibinigay ng Diyos sa tao: ang pamamahala sa mundo (Genesis 1:28–29). Bagama't muli, magagampanan lamang natin ito ng tama sa pamamagitan ng tamang relasyon sa Diyos.

Mas nakikilala natin ang ating Manlilikha, mas lalo natin siyang iniibig (Mateo 22:37-38), mas nauunawaan natin kung sino tayo at kung ano ang Kanyang layunin para sa atin. Nilikha Niya tayo upang lumuwalhati sa Kanya. May natatanging plano at layunin ang Diyos sa bawat isang tao sa mundo (Awit 139:13-16), at maaari nating malaman na anuman ang planong iyon, tiyak na magreresulta iyon sa Kanyang kaluwalhatian (Kawikaan 3:6; 1 Corinto 10:31). English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang layunin ng tao ayon sa Bibliya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries