settings icon
share icon
Tanong

Maaari bang maligtas ang isang tao sa pamamagitan ng pangkalahatang kapahayagan?

Sagot


Ang kahulugan ng pangkalahatang kapahayagan ay ang "kapahayagan ng Diyos sa lahat ng tao, sa lahat ng panahon, at sa lahat ng lugar kung saan ipinamamalas ng Diyos ang kanyang pag-iral at ipinapakita ang katibayan sa mga tao na Kanyang nalalaman ang lahat, na Siya'y makapangyarihan sa lahat , at Siya'y sumasalahat ng dako." Nasusulat sa Kasulatan tulad ng Awit 19:1"4 at mga Taga-Roma 1:20 na ang mga bagay ukol sa Diyos ay mauunawaan sa pamamagitan ng Kanyang mga nilikha sa ating kapaligiran. Ang Kanyang mga Nilikha ay naghahayag ng Kanyang Kapangyarihan at Kataasan, ngunit hindi nito ipinahahayag ang plano ng kaligtasan sa pamamagitan ni Hesu Kristo. May kaligtasan lamang sa pangalan ni Hesus (Gawa 4:12); samakatwid, ang isang tao ay hindi maliligtas sa pamamagitan ng mga pangkalahatang kapahayagan lamang. Madalas na naitatanong "Maliligtas ba ang tao sa pamamagitan ng pangkalahatang kapahayagan?" at naitatanong kaugnay ng tanong na ito, "Ano ang mangyayari sa mga taong hindi nakarinig ng Ebanghelyo?"

Nakalulungkot mang isipin, may mga lugar sa mundo na walang pang paraan upang magkaroon ng Bibliya, hindi pa naaabot ng ebanghelyo ng Panginoong Hesu Kristo, o sa anumang kaparaanan ay malaman ng mga tao ang tungkol sa katotohanan ng Ebanghelyo. Ang katanungan ay ito, ano ang mangyayari sa mga taong ito kapag sila ay namatay? Makatarungan ba para sa Diyos na isumpa ang mga tao na hindi kailanman nakarinig ng ebanghelyo o ng tungkol kay Hesu Kristo? Ang iba ay iminumungkahi ang ideya na sila ay hahatulan ng Diyos batay sa kanilang pagtugon sa pangkalahatang kapahayagan. Inaakala nila na kung ang isang tao ay tunay na naniwala sa kung ano ang maaaring malaman sa pamamagitan ng pangkalahatang kapahayagan, sila ay hahatulan ng Diyos ayon sa kanilang pananampalataya at pahihintulutang makapasok sa langit.

Ang problema, sinasabi sa Kasulatan na maliban na ang tao ay manampalataya kay Kristo, siya ay "hinatulan na". Sa aklat ng Roma 3:10"12 at Awit 14:3, inilalahad na ang lahat ng hindi isinilang na muli ay makasalanan: "Walang matuwid, wala, wala kahit isa; Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Diyos; Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa" Ayon sa Banal na Kasulatan, ang kaalaman ng Diyos ay nariyan (sa pamamagitan ng pangkalahatang kapahayagan), ngunit tinanggihan ito ng mga tao ayon sa kanilang sariling kagustuhan. Sinasabi sa Roma 1:21"23, "Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim. Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang, at pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang." Ang kalagayan ng tao na walang Diyos ay rebelde, nasa kadiliman, at may sariling diyus-diyosan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Maaari bang maligtas ang isang tao sa pamamagitan ng pangkalahatang kapahayagan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries