settings icon
share icon
Tanong

Mayroon bang limit ang edad ng tao kung kailan siya mamamatay?

Sagot


Marami ang inuunawa ang Genesis 6:30 bilang pagtatakda ng Diyos sa limit ng edad ng tao na hanggang 120 taon lamang, "At sinabi ng Panginoon, "Ang aking Espiritu ay hindi laging mananatili sa tao, sapagkat siya'y laman. Subalit ang kanyang mga araw ay magiging isandaan at dalawampung taon." Gayunman, pagkatapos ng kabanata 11 ng Genesis, itinala ng Bibliya ang ilang mga tao na nabuhay ng lampas sa 120 taon. Dahil dito, inuunawa ng ilan na ang pangkalahatang pamantayan ay hindi na mabubuhay ang tao ng matagal pa pagkatapos ng edad na 120 taon. Pagkatapos ng baha, ang haba ng buhay ng tao ay nagumpisang umiksi (ikumpara ang Genesis 5 sa Genesis 11) at naging karaniwang hanggang mas mababa sa edad na 120 (Genesis 11:24). Mula ng panahong iyon, kakaunting tao na lamang ang lumampas sa edad na 120 taon.

Gayunman ang isa pang interpretasyon na mukhang mas malapit sa konteksto ng Genesis 3 ay ang pagdedeklara ng Diyos na babaha sa buong mundo pagkatapos ng 120 taon mula ng Kanyang ipaalam ito kay Noe. Ang edad ng mundo ay matatapos sa loob ng 120 taon at patungkol ito sa lahat ng tao na pupuksain sa pamamagitanng baha 120 taon pagkatapos na ipahayag ito ng Diyos. Tinututulan ng ilan ang ganitong interpretasyon dahil inutusan diumano si Noe ng Diyos na gumawa ng arko noong siya ay 500 taon ang edad, hindi 120 taon sa Genesis 5:32 at ang baha ay nangyari noong siya ay 600 taon (Genesis 7:6); na magbibigay lamang ng espasyong 100 taon, hindi 120 taon. Gayunman, ang panahon kung kailan sinabi ng Diyos kay Noe ang tungkol sa magaganap na pandaigdigang baha ay hindi binanggit sa Bibliya. Gayundin ang Genesis 5:32 ay hindi ang panahon na inutusan ng Diyos si Noe na gumawa ng arko kundi ang kanyang edad ng maging ama siya ng kanyang tatlong anak na lalaki. Kaya makatwirang isipin na ipinahayag ng Diyos kay Noe ang tungkol sa pagbaha 120 taon bago ito mangyari at naghintay Siya ng ilang taon pa bago Niya utusan si Noe na gumawa ng arko. Ang 100 taon sa pagitan ng Genesis 5:32 at 7:6 ay hindi sumasalungat sa 120 taon na binanggit sa Genesis 6:3.

May ilang daang taon pagkatapos ng baha, sinabi ni Moises, "Ang mga taon ng aming buhay ay pitumpung taon, o kung malakas kami ay walumpung taon" (Awit 90:10). Ang Genesis 6:3 o ang Awit 90:10 ay hindi ang limit ng edad ng tao na itinakda ng Diyos. Ang Genesis 5:3 ay prediksyon ng Diyos para sa kapanahunan ng pagbaha. Ang Awit 90:10 naman ay simpleng nagsasaad ng bilang pangkalahatahang pamantayan na mabubuhay ang tao ng 70 hanggang 80 taon (na totoo pa rin hanggang sa ngayon).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Mayroon bang limit ang edad ng tao kung kailan siya mamamatay?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries