settings icon
share icon
Tanong

Saan ang lokasyon ng Halamanan ng Eden?

Sagot


Ang tanging sinabi ng Bibliya tungkol sa lokasyon ng Halamanan ng Eden ay makikita sa Genesis 2:10-14, “Umaagos noon mula sa Eden ang isang ilog na dumidilig sa halamanan. Paglabas doon, ito'y nahahati sa apat na sanga. Ang una na kung tawagi'y Ilog Pishon ay umaagos sa lupain ng Havila. Lantay ang ginto roon... Ang ikalawang sanga ng ilog na tinawag namang Gihon ay umaagos sa lupain ng Etiopia. Ilog Tigris naman ang tawag sa ikatlong sanga, at umaagos naman ito sa silangan ng Asiria. Ang ikaapat na sanga ng ilog ay ang Eufrates.” Walang eksaktong detalye tungkol sa mga ilog ng Pishon at Gihon, pero maraming detalye tungkol sa ilog ng Tigris at Eufrates.

Kung ang Tigris at Eufrates ay pareho ng mga ilog na tinatawag sa ganitong mga pangalan ngayon, masasabi na nasa Gitnang Silangan ang Halamanan ng Eden, maaaring sa Iraq. Hindi lamang nagkataon na ang silangan ang lugar sa buong planeta kung saan pinakamalago ang mga halaman—ang lugar kung saan mahahanap ang Halamanan ng Eden. Kung naniniwala ang karamihan ng mga dalubhasa sa agham na nanggaling ang langis sa mga nabulok na halaman at hayop, asahan natin na makikita sa lugar na ito ang pinakamalaking imbak ng langis. Dahil ang halamanan ang pinakaperpektong lugar, makatwirang isipin na nagmula sa nabulok na pinakamaganda at pinakamalagong organikong bagay ang pinakamainam na langis sa mundo.

Matagal ng hinahanap ng mga tao ang Halamanan ng Eden ngunit bigo sila. May ilang lokasyon silang sinasabi ngunit hindi tayo nakakasigurado dito. Ano ang nangyari sa Halamanan ng Eden? Hindi ito binanggit ng Bibliya. Maaaring ganap itong nasira noong bumaha sa panahon ni Noe o sa maraming siglong nagdaan ay nabulok na at naging langis sa ilalim ng lupa.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Saan ang lokasyon ng Halamanan ng Eden?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries