settings icon
share icon
Tanong

Magkakaroon ba ng luha sa langit?

Sagot

Hindi binanggit ng Bibliya ang mga luha sa langit. Binanggit ni Jesus ang pagsasaya na nagaganap sa langit kapag nagsisi ang isang makasalanan (Lucas 15:7,10). Sinasabi ng Bibliya na ang mga naniniwala kay Jesu-Kristo ay “nag-uumapaw na sa inyong puso ang kagalakang di kayang ilarawan sa salita” (1 Pedro 1:8). Kung ang ating buhay sa lupa ay nailalarawan ng kasiyahan, ano pa kaya ang magiging buhay natin sa langit? Tiyak na mas magiging masayang lugar ang langit. Sa kabilang banda, inilarawan ni Jesus ang impiyerno bilang isang lugar ng pagtangis at “pagtatagis ng mga ngipin” (Lucas 13:28). Kaya, pagkatapos na tingnan ang Kasulatan, tila nasa lugar ng impiyerno ang mga luha at sa langit ay walang luha.

Ang pangako ng Diyos ay Kanyang alisin ang mga kalungkutan ng Kanyang mga tao at papalitan iyon ng kagalakan. Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak“ (Awit 30:5). At “Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan” (Awit 126:5). Gaya ng lahat, si Jesus ang ating huwaran. Ang ating Panginoon ay “siyang sandigan ng ating pananampalataya mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Dios” (Hebreo 12:2). Ang pagluha ni Jesus ay nagbigay daan sa naghihintay na kagalakan.

Darating ang panahon na aalisin ng Diyos ang lahat ng luha sa Kanyang mga tinubos. “Aalisin din ng Panginoong Dios ang kamatayan at papahirin niya ang mga luha ng lahat ng tao. Aalisin niya ang kahihiyan ng kanyang mga mamamayan sa buong mundo. Mangyayari nga ito dahil sinabi mismo ng Panginoon” (Isaias 25:8). Sinipi ni Apostol Juan ang hula ni Isaias habang isinulat ang Kanyang pangitain ng langit sa Pahayag 7:17. Sa huling panahon tinupad ng Diyos ang Kanyang pangako na: “At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata” (Pahayag 21:4). Nakakatuwa ang oras ng pangyayaring ito: Ito ay magaganap pagkatapos ng Dakilang Paghuhukom sa Puting Trono (Pahayag 20:11-15) at pagkatapos ng paglikha sa bagong langit at bagong lupa (Pahayag 21:1).

Isaisip natin ito: Kung papahirin ng Diyos ang bawat luha pagkatapos ng bagong nilikha, nangangahulugan ito na ang mga luha ay posible pa rin hanggang sa puntong ito. Maaaring maisip bagama’t hindi tiyak na may mga luha sa langit bago ang bagong paglikha. Ang mga luha sa langit ay tila hindi naaayon subalit narito ang ilang pagkakataon kung saan maaari nating isipin na maaaring lumuha kahit na sa langit:

Sa harap ng hukuman ni Cristo. Haharap ang mga mananampalataya sa paghuhukom ni Cristo kung kailan “Makikilala ang uri ng gawa ng bawat isa” dahil sila ay susubukan (1 Corinto 3:13). Ang sinumang ang gawain ay masusumpungan na katulad sa “kahoy o dayami… ay magdurusa ng pagkawala ng gantimpala ngunit maliligtas - kahit na katulad sa dumaan sa apoy” (mga talata 12 at 15). Ang pagdanas ng pagkawala ng gantimpala ay tiyak na magiging isang malungkot na panahon—maaaring maging isang panahon ng pagluha sa langit habang napapagtanto natin kung gaano natin dapat naparangalan ang ating Panginoon. Marahil.

Sa panahon ng Dakilang Kapighatian. Matapos masira ang ikalimang tatak, ang pag-uusig sa mga mananampalataya sa panahon ng kapighatian ay titindi. Marami ang papatayin ng halimaw o Antikristo. Ang mga martir na ito ay inilalarawan sa Pahayag 6 bilang mga taong nasa dambana sa langit na naghihintay sa paghihiganti ng Panginoon. “Sila ay sumisigaw nang malakas na nagsasabi: O Panginoon, ikaw ang banal at totoo. Hanggang kailan mo hahatulan ang mga taong naninirahan sa lupa at ipaghihiganti ang aming dugo?” (talata 10). Nasa langit ang mga kaluluwang ito ngunit naaalala pa rin nila ang okasyon ng kanilang kamatayan at naghahanap sila ng hustisya. Maaari ang mga indibidwal na ito ay lumuluha habang nananatili sa pagbabantay? Marahil.

Sa walang hanggang kapahamakan ng mga mahal sa buhay. Ipagpalagay na ang mga tao sa langit ay may kaunting kaalaman sa kung ano ang nangyayari sa lupa, maaaring posible na malaman natin kapag ang ang isa nating minamahal sa buhay ay tumanggi kay Cristo at pumanaw at nabulid sa kapahamakang walang hanggan. Ito ay maaaring maging isang nakakabagabag na kaalaman. Sa panahon ng Dakilang Paghuhukom sa Harap ng Puting Trono, makikita ba ng mga taga langit ang mga pangyayari at luluha ba sila para sa mga sinumpa? Marahil.

Muli, kami ay nag iisip-isip. Walang binanggit sa Bibliya tungkol sa mga luha sa langit. Ang langit ay isang lugar ng kaaliwan, kapahingahan, pagsasama-sama, kaluwalhatian, papuri at kagalakan. Kung may mga luha sa mga dahilang nakalista sa itaas, lahat ng mga ito’y maglalaho sa walang hanggang kalagayan. “Aliwin ninyo ang aking bayan, sabi ng Diyos. Aliwin ninyo sila” (Isaias 40:1). At “ang nakaupo sa trono ay nagsabi, Ginagawa kong bago ang lahat!” (Pahayag 21:5).

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Magkakaroon ba ng luha sa langit?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries