- Saan pumupunta ang kaluluwa ng mga mananampalataya sa Lumang Tipan?
settings icon
share icon
Tanong

Saan pumupunta ang kaluluwa ng mga mananampalataya sa Lumang Tipan?

Sagot


Itinuturo sa Lumang Tipan ang buhay pagkatapos ng kamatayan at ang mga taong namatay ay pumupunta sa isang lugar na kung tawagin ay Sheol kung saan sila ay nakakadama, nakakakita at nabubuhay. Pumupunta doon ang masasama (Awit 9:17; 31:17; 49:14; Isaias 5:14), at maging ang mga matuwid (Genesis 37:35; Job 14:13; Awit 6:5; 16:10; 88:3; Isaias 38:10).

Ang katumbas ng Sheol sa Bagong Tipan ay Hades. Bago ang pagkabuhay na mag-uli ni Hesus, ipinakikita sa Lukas 16:19-31 ang Hades na hinati sa dalawang lugar: isang lugar ng kaaliwan kung saan pumunta si Lazaro at isang lugar ng pagdurusa kung saan pumunta ang mayaman. Ang salitang impiyerno sa talatang 23 ay hindi Gehenna (isang lugar ng walang hanggang pagdurusa) kundi Hades (lugar ng mga patay). Si Lazaro ay pumunta sa lugar ng kaaliwan na tinatawag na “Paraiso” (Lukas 23:43). Sa pagitan ng dalawang lugar na ito na tinatawag na Hades ay isang “malaking bangin” (Lukas 16:26).

May mga nagsasabi na si Hesus ay bumaba sa Hades pagkatapos Niyang mamatay (Gawa 2:27, 31; cf. Efeso 4:9). Pagkatapos na mabuhay na mag-uli ni Hesu Kristo, ang mga mananampalataya sa Hades (ang mga nasa Paraiso) ay inilipat sa ibang lugar. Ngayon, ang paraiso ay nasa itaas na sa halip na nasa ibaba (2 Corinto 12:2-4).

Ngayon, pagkatapos na mamatay ng mga mananampalataya, sila ay “sasa piling ng Panginoon” (2 Corinto 5:6-9). Kung mamatay ang isang hindi mananampalataya, pupunta siya kasama ng iba pang hindi mananampalataya sa Hades. Sa huling paghuhukom, mawawalan ng laman ang Hades dahil bubuhaying muli ang katawan ng mga taong naroon at haharap sa Dakilang Tronong Puti ni Kristo kung saan sila huhukuman bago ihagis sa dagat dagatang apoy na kanilang walang hanggang destinasyon (Pahayag 20:13-15).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Saan pumupunta ang kaluluwa ng mga mananampalataya sa Lumang Tipan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries