settings icon
share icon
Tanong

Lumikha ba ang Diyos ng ibang mga tao maliban kina Adan at Eba?

Sagot


Walang kahit anong ebidensiya sa Bibliya na lumikha ang Diyos ng ibang mga tao maliban kina Adan at Eba. Mababasa natin sa Genesis 2 na, “Ganito ang pagkalikha sa langit at sa lupa. Nang likhain ng Panginoong Yahweh ang lupa at lahat ng bagay sa langit, wala pang anumang halaman o pananim sa lupa, sapagkat hindi pa nagpapaulan noon ang Panginoong Yahweh, at wala pa ring nagsasaka. Ngunit mayroon nang bukal ng tubig na dumidilig sa kapatagan sa lupa. Pagkatapos, ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay. Gumawa ang Panginoong Yahweh ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang nilalang... Matapos gawin ang lahat ng ito, sinabi ng Panginoong Yahweh, 'Hindi mabuti na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng isang angkop na makakasama at makakatulong.' ...Kaya't pinatulog ng Panginoong Yahweh ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyo'y ginawa niyang isang babae, at dinala niya ito sa lalaki”(Genesis 2:4-8, 18, 21-22).

Tingnang maigi ang sinabi ng talata, “at doon dinala ang taong kanyang nilalang.” Hindi “mga tao,” isang “tao” lamang. At nag-iisa ang taong ito (t. 18) kaya gumawa ang Diyos ng isang babae mula sa kanyang tadyang para maging kasama niya. Nanggaling sa dalawang naunang tao ang lahat ng mga tao sa kasaysayan ng sanlibutan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Lumikha ba ang Diyos ng ibang mga tao maliban kina Adan at Eba?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries