settings icon
share icon
Tanong

Maaari bang magkasala ang Diyos? Kung ang Diyos ay hindi maaaring magkasala, masasabi bang Siya ay tunay na makapangyarihan sa lahat?

Sagot


Upang masagot ang katanungang ito, kailangan muna nating isaalang-alang kung sino ba talaga ang Diyos. Hindi tayo magkakaroon ng sapat na pagkaunawa kung sino ba talaga ang Diyos malibang pagkalooban niya tayo ng espesyal na kapahayagan. Isa sa mga paraan na ginamit ng Diyos upang ipahayag ang kanyang sarili sa atin ay ang kanyang nilikha (Mga Awit 19:1-6), ang disenyo at pagiging komplikado ng sangnilikha ang siyang nag aakay sa atin upang kilalanin na may isang kagila-gilalas na kapangyarihang nasa likod ng pag iral ng lahat ng bagay at nagpapanatili sa mga ito.

Ang isa pang paraan na ginamit ng Diyos upang ipakilala ang kanyang sarili ay ang Kanyang nakasulat na salita. mula sa mga bahagi ng Banal na Kasulatan ay matitiyak natin ang mga katangiang likas sa Diyos, at ito ang magbibigay sa atin ng banaag sa kanyang kalikasan. Isang teologo ang nagsabi na ang katangian ng Diyos ay ang kanyang "kasakdalan." Ilan sa mga ito ay: ang kanyang pagiging walang hanggan (Mga Awit 90:2); ang kanyang hindi nagbabagong katangian (Santiago1:17); ang kanyang pag-ibig (1Juan 4:8); ang kanyang pagka-makapangyarihan sa lahat (Pahayag1:8); Siya ay sumasalahat ng dako (Mga Awit 11:7); at ang kanyang katotohanan (Tito1:2).

Ito ang maikling paglalarawan ng Diyos na nagpakilala ng kanyang sarili bilang Tatlong Persona, ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo at ang katangian ng pagiging ganap ay makikitang tunay sa bawat persona ng buong pagka-Diyos. Dahil ang Diyos ay banal, matuwid at totoo, hindi Siya maaring gumawa ng anumang bagay na sasalungat sa kanyang sarili, kaya masasabi natin na ang Diyos ay hindi maaaring magkasala. Yamang ang kabanalan, katuwiran at iba pang kasakdalan ay pagkakakilanlan ng Diyos, ang kanyang pagka-Diyos ay maaaring mawala kung Siya ay magkakasala. Ngunit dahil ang Diyos ay "banal, banal, banal" hindi siya gagawa ng anumang hindi banal kagaya ng kasalanan.

Ganun pa man, hindi tayo matatapos na hindi napapagtantong kamangha mangha na ang banal na Diyos ay nagpasyang isangkot ang kanyang sarili sa kasalanan ng sangkatauhan, Isinugo niya ang kanyang Bugtong na Anak sa daigdig na ito upang mamatay at pagbayaran ang ating mga kasalanan. "Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatay ng minsan para sa inyo na mga makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos." Siya'y pinatay sa laman, at muling binuhay sa Espiritu (1 Pedro 3:18). Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang ating mga kasalanan upang tayo'y mamatay sa kasalanan at mamuhay ng ayon sa kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang mga sugat kayo'y pinagaling" (1 Pedro 2:24). "Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit dahil sa kanyang kagandahang loob na walang bayad niyang ibinigay, sila'y itinuring na matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang nagpalaya sa kanila. Siya ang inialay ng Diyos bilang handog, upang sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ang lahat ng sumasampalataya sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upang patunayang siya ay matuwid, sapagkat noong unang panahon ay nagtimpi siya at pinagtiisan ang kasalanang nagawa ng mga tao (Roma 3:23-25).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Maaari bang magkasala ang Diyos? Kung ang Diyos ay hindi maaaring magkasala, masasabi bang Siya ay tunay na makapangyarihan sa lahat?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries