Tanong
Maaari bang magpakasal muli ang mag-asawang naghiwalay na?
Sagot
Noong dumating si Jesus sa mundong ito, Siya’y "nagpailalim sa ng batas, upang tubusin ang mga nasa ilalim ng batas" (Galacia 4:4-5). Ang Kristiyano ay dapat na “manatiling matibay . . . sa kalayaang ibinigay sa atin ni Cristo” (Galacia 5:1). Malinaw sa Kasulatan na tayo’y nakay Cristo na at wala nasa ilalim ng mga Kautusan sa Lumang Tipan. Sa halip, tayo’y “dapat na lumakad ayon sa Espiritu” (Galacia 5:16) at sumunod sa “mga utos ni Cristo” (Galacia 6:2).
Ang pagbabawal sa Deuteronomio 24:4 ay bahagi ng kautusan ng Diyos tungkol sa diborsyo, na isang gawain na kanyang pinahihintulutan, ngunit hindi kailanman kinukunsinti, dahil sa katigasan ng puso ng mga Israelita (Mateo 19:8). Pinilit ni Moises na magkaroon ng opisyal na dokumento at kasulatan para sa diborsyo (Deuteronomio 24:1), at ipinagbabawal ang “pagbaliktad” sa diborsyo. Ang parehong kautusan ay itinakda upang bigyang-diin ang kahalagahan at resulta ng diborsyo. Sa buong kahulugan, sinasabi ng Diyos, "Ang diborsyo ay isang napakahalagang bagay; kaya’t huwag itong balewalain.”
Sa panahon ngayon, ang mga ikinasal na ay dapat na sundin ang salita ni Jesus at huwag baguhin ang itinakda ng Diyos (Mateo 19:6). Ang mga mag-asawang naghiwalay, bagama’t hindi kinakailangang sumunod sa nakatala na Kautusan ng Lumang Tipan ay dapat pa ring isaalang-alang ang lahat ng magiging bunga ng muling pagpapakasal. Kung ang relasyon sa dating asawa ay patuloy na lumalago, inirerekomenda ang pastoral na pagsasanay upang tiyakin na ang mga dahilan ng paghihiwalay ay naisaayos at naproseso na.
English
Maaari bang magpakasal muli ang mag-asawang naghiwalay na?