Tanong
Mali ba para sa isang Kristiyanong magasawa na magkaiba ang simbahang dinadaluhan?
Sagot
Ang magasawa na dumadalo sa magkaibang simbahan ay isang sitwasyon na mas pangkaraniwan kaysa sa iniisip ng iba. Pangkaraniwan din ang senaryo para sa kanilang mga anak na magkahiwalay ng simbahang dinadaluhan na siyang dahilan ng hindi pagkakasundo sa pamilya. Hindi ito isang malusog na sitwasyon at hindi magandang patotoo sa iba. Upang masagot ang tanong kung mali ba na dumalo sa magkaibang iglesya ang magasawa, dapat muna nating tingnan ang institusyon ng pagaasawa bilang isang relasyon na itinatag ng Diyos.
Sinasabi sa atin sa Genesis 2:24 na lumikha ang Diyos ng isang lalaki at babae upang maging iisang laman. Sa pagaasawa, hindi dalawang magkahiwalay na indibidwal na may kanya kanyang buhay ang magasawa. May pagkakaisa sa institusyon ng pagaasawa na natatangi at banal. Bilang karagdagan, ang pagaasawa ay isang larawan ni Kristo at ng Kanyang iglesya (mga mananampalataya) gaya ng inilarawan sa Efeso 5:31-32. Ang kasunduan sa pagitan ng asawang lalaki at babae ay simbolo ng tipan sa pagitan ni Kristo at ng Kanyang mga kinamatayan. Ang Kanyang tipan ay isang tipan na hindi magwawakas, banal at sagrado gaya ng kung paanong ang pagaasawa ay dapat na maging banal, sagrado at hindi matatapos habang buhay. Ang pagkakaisang ito sa pagitan ng dalawang tao ang pinakasagrado sa lahat ng relasyon sa espiritwal na aspeto, kung saan ang dalawang tao ay dapat na magkaisa sa pagiisip patungkol sa mga pangunahing doktrina ng Kristiyanismo patungkol sa Diyos, kay Kristo, sa kaligtasan, kasalanan, langit at iba pa. Ang pagkakaisang ito sa pangunawa sa pamamagitan ng ministeryo nh Banal na Espiritu ang nagpapaging isa sa asawang lalaki at babae sa isang tali na bukod-tangi sa lahat ng relasyon sa mundo.
Habang posible sa magasawa na magkaroon ng magkaibang panlasa sa musika, istilo ng pagsamba, programa para sa mga bata at iba pa, wala sa mga pagkakaibang ito ang dapat na makasira sa pagkakaisa sa pamilya at maging dahilan sa pagiging miyembro ng dalawang magkaibang iglesya. Malinaw na kung parehong nakabase ang paniniwala sa Bibliya at lumuluwalhati kay Kristo ang dalawang iglesya, walang dahilan upang ang isa sa magasawa ay hindi makipagkompromiso ng kaunti at isantabi ang kanyang personal na preperensya. Ang isang mas magandang alternatibo para sa magasawa ay magkaisa sa paghahanap ng isang simbahan o iglesya kung saan ipinangangaral ang Salita ng Diyos bilang tanging gabay sa pananampalataya at pamumuhay kung saan ang buong pamilya ay maaaring matuto ng tunay na Ebanghelyo ni Kristo at makisama sa mga mananampalatayang may parehong paniniwala. Sa ganitong paraan, bilang espiritwal na tagapanguna ng kanyang pamilya, dapat pangunahan ng lalaki ang kanyang pamilya at gumawa ng huling desisyon at buong pagmamahal na ikunsidera naman ng asawang babae ang pananaw ng kanyang asawa.
Nakalulungkot na ang isang pamilya ay nahahati sa dalawang iglesya bunga ng pagaasawa ng dalawang tao na magkaiba ang paniniwala gaya ng kung ang isa sa kanila ay Romano Katoliko at ang isa naman ay Protestante. Sa mga ganitong sitwasyon, isang matalinong desisyon para sa isang binata o dalaga na huwag magasawa. Pakibasahin ang mga sumusunid na artikulo: "Dapat ba na manligaw o magpaligaw ang isang Kristiyano sa isang babae o lalaki na hindi kabilang sa kanyang relihiyon?" Kung naganap na ang pagaasawa, dapat na magsikap ang bawat isa na magkaisa sa espiritwal. Ang dalawang tao na malalim ang paniniwala sa magkaibang doktrina ay laging mahihirapan na makipagkompromiso at makipagkasundo ngunit walang imposible sa Diyos. Ang magasawa na nasa ganitong kalagayan ay maaaring mapwersa na dumalo sa dalawang magkaibang simbahan lalo na kung itinuturing ng isa o pareho sa magasawa na hindi ayon sa Bibliya ang paniniwala ng kabiyak. Sa ganitong uri ng sitwasyon, dapat na manalangin ang magasawa na mahayag ang katotohanan at makamtan ang espiritwal na pagkakaisa.
Ang mga problemang ito sa doktrina ay dapat na malutas sa isang pamilya bago makamit ang tunay na pagkakaisa. Dapat na timbangin ng magasawa na dumadalo sa magkahiwalay na iglesya ang pinaniniwalaan ng bawat isa sa pamamagitan ng malinaw na turo ng Kasulatan at maging handa na iwaksi ang anumang paniniwala na salungat sa itinuturo nito. Dapat nilang "subukin ang lahat ng bagay at manangan sa katotohanan" (1 Tesalonica 5:21).
English
Mali ba para sa isang Kristiyanong magasawa na magkaiba ang simbahang dinadaluhan?