Tanong
Paano dapat tumugon ang isang Kristiyano sa isang pagsasama bilang magasawa ng walang pag-ibig?
Sagot
Ang salitang loveless marriage o walang pag-ibig na pagasasama ay maaring maglarawan ng ilang mga sitwasyon, mula sa pagkawala ng damdamin ng pag-ibig hanggang sa karanasan ng marahas na pang-aabuso. (Sa kaso ng pang-aabuso ng asawa dapat humingi ng tulong sa pamamagitan ng legal at emosyonal na suporta. Ang inabusong asawa ay hindi dapat tumira sa bahay ng nang-aabusong asawa na napatunayang hindi mapagkakatiwalaan.) Para sa layunin ng artikulong ito, tutukuyin namin ang walang pag-ibig na pagasasama na walang pisikal na pang-aabuso na nagaganap o ang isa o parehong mag-asawa ay nawala na ang pagmamahal sa isa’t isa ngunit namumuhay naman ng tahimik na magkasama sa iisang bubong
Ang disenyo ng Diyos para sa pagaasawa ay inihayag sa Hardin ng Eden noong nilikha ng Diyos ang isang babae para kay Adan at dinala siya sa kanya bilang isang katulong (Genesis 2:21–24). Ang salitang isinalin na “katulong” ay nagmula sa salitang Hebreo na ginagamit din sa paglalarawan ng tulong na ibinibigay ng Diyos (Exodo 18:4; Deuteronomio 33:26; Awit 33:20). Kaya ang ibinigay ng Diyos na tungkulin ng asawang babae ay tulungan ang kanyang asawa sa mga gawaing ibinibigay dito ng Diyos. Ang papel ng asawang lalaki ay malinaw na inilatag sa Efeso 5:25–33. Ang pagmamahal sa kanyang asawa ay hindi mungkahi para sa asawa; kundi ito ay isang utos. Sinumang asawang lalaki na hindi nagsisikap na magpakita ng hindi makasarili, at ng pag-ibig na gaya ng pag-ibig ni Cristo sa kanyang asawa ay tuwirang pagsuway sa Salita ng Diyos. Kung mabibigo ang isang asawang lalaki na gawin ito, ang kanyang mga panalangin ay mahahadlangan (1 Pedro 3:7).
Minsan ang walang pag-ibig na pagasasama ay bunga ng kaugnayan sa isang hindi mananampalataya (tingnan 2 Corinto 6:14). Ang hindi naniniwalang asawa ay walang pakialam sa pagsunod sa Salita ng Diyos. Sa mga pagkakataong ito, nagbigay ng tagubilin si Apostol Pablo: kung ang asawang hindi sumasampalataya ay pumayag na magpatuloy sa pakikisama at hindi mapang-abuso, ang Kristiyano ay dapat manatili at magpakita ng pag-ibig ni Kristo (1 Corinto 7:12–16). Ang unang bunga ng Espiritu-Santo na nakasulat sa Galacia 5:22–23 ay pag-ibig. Kapag wala tayong maibibigay na pag-ibig sa tao, maaari tayong tumawag sa Panginoon at hilingin sa Espiritu Santo na mahalin natin ang ating kabiyak. Malamang na hindi naramdaman ni Jesus ang mainit at emosyonal na pagmamahal para sa mga taong nagpapako sa Kanya sa krus. Ngunit hiniling Niya sa Ama na patawarin sila, at namatay Siya para sa kanila pa rin (Lucas 23:33–34; Roma 5:8). Ang ipinahayag na pag-ibig ni Jesus ay maaaring maging inspirasyon para sa ating lahat kahit na sa ating relasyon sa ating asawa.
Kung mayroong pagpapayo, maaaring makinabang ang mga nagsasama ng walang pag-ibig mula sa matalino at walang pinapanigang na makadiyos na tagapayo (Kawikaan 11:14; 15:22). Kung minsan ang pagsasama ay nagiging malamig dahil sa kapabayaan at sa patuloy na hindi magandang asal na maaaring hindi namamalayan ng mag-asawa. Ang pananaw mula sa iba ay madaling makapansin sa mga problemang bahagi at makakapagbigay pansin dito. Kung ang mag-asawa ay handang magtulungan,maaaring mabilis na bumalik ang dating pagmamahalan. Kahit na ang isang kabiyak ay tumangging makipagtulungan sa counseling, ang handang asawa ay maaaring makinabang mula sa pagdalo. Kung minsan ang isang layunin ay maaaring makatulong sa isang asawa na makita ang mga bagay na naiiba at samakatuwid ay tumugon sa mas mahusay na paraan sa asawa.
Tulad ng isang bato na itinapon sa isang lawa, ang mga pagbabago na itinapon sa mga dysfunctional cycles ay lumilikha ng mga bagong pattern bilang tugon. Narito ang isang halimbawa kung paano mababago ng isang asawa ang takbo ng isang walang pag-ibig na pagsasama: Kung si Sue ay hindi na sumisigaw kay John kapag siya ay magaspang ang ugali, dapat siyang tumugon sa mahinahong sagot. Sa halip na palakihin ang galit, tinatapatan niya ang kanyang magaspang na pag-uugali ng kanyang mas mature na pag-uugali. Ang kanyang ngiti at pagtangging makipag-usap ay nagpapakita ng kanyang pagiging makasarili at madalas na ang kanyang tugon ay hindi gaanong galit. Ang cycle ng pag-aaway ay natitigil at ang bagong cycle ay magsisimula at mas kaunting stress at may higit na kabutihan (Kawikaan 15:1). Sa paglipas ng panahon ang bagong cycle ay mas mainam na maaaring maging dahilan ng pagmamahalan at ang mag-asawa ay matututong maging masayang muli sa isa’t isa.
May ilang mga bagay na maaaring gawin ang isang Kristiyano upang muling mamuhunan sa walang pag-ibig na pagasasama:
1. Maglagay ng malusog na espasyo. Alamin kung kailan dapat lumayo, umalis, o tanggihan ang mga masasakit na salita o gawi. Ang pagtanggi na makisali sa away na walang hahantungan ay isang paraan para mapatibay ang pagsasama.
2. Manalangin para sa isa’t isa. Ang pinakamahusay na paraan para patawarin at mahalin ang isang taong nakasakit sa atin ay ipanalangin siya sa Diyos (Efeso 4:32). Ang Diyos ay para sa mag-asawa, kaya alam nating tayo ay gumagawa ng ayon sa kanyang kalooban kapag ipinapanalangin natin ang kaayusan, pag-ibig at pag-asa para sa magasawa (1 Juan 5:14–15).
3. Bantayan ang mga salita. May mga posibilidad tayong maniwala sa ating sinasabi. Kung palagi nating pinagsasalitaan ng masama ang ating asawa o nagrereklamo sa kanya, magsisimula tayong maniwala sa masamang hinala natin. Ang karunungan ay nagtuturo na dapat nating sanayin ang pagkontrol sa ating dila at magsalita lamang ng mga bagay na “totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang.” (Filipos 4:8).
4. Bigyang pansin ang maliliit na bagay. Noong unang inibig ang asawa, napapansin nila ang bawat maliliit na bagay at sabik na pasayahin ang isa’t isa. Gayunman, kapag hindi natin ipinagpapatuloy ang mga gawing iyon, mauuwi ito sa isang nakagawian na pagsasawalang-bahala sa isa’t isa. Ang pagpapanumbalik ng pagmamahal sa isang walang pag-ibig na pagasasama ay ginagawa paunti-unti. Alamin ang love language ng kabiyak at sikaping tugunan ang pangangailangang iyon araw-araw.
Ang isang Kristiyano ay dapat na tumugon sa isang walang pag-ibig na pagasasama sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pag-uugaling nagdudulot ng problema. Kahit na ang kabiyak ay hindi nagpapakita ng interes sa muling pagtatatag ng isang emosyonal na koneksyon, dapat na gawin ng isang Kristiyano kung ano ang tama. Hindi tayo tinawag para gantihan ng masama ang masama kundi daigin ang masama ng mabuti (Roma 12:21). Tayo ay tinawag sa sanlibutan upang maging liwanag (Mateo 5:14), maging asin (Mateo 5:13), at mga piniling saserdote (1 Pedro 2:9–10). Ang ating misyon ay hindi para bigyang kasiyahan ang ating sarili kundi bigyang kasiyahan ang ating Ama sa langit (1 Corinto 10:32). Siya ay nalulugod kapag tinitiis natin ang mga paghihirap ng may pagtitiyaga at ginagawa ang lahat ng makakaya natin para pasiglahin muli ang isang walang pag-ibig na pagasasama.
English
Paano dapat tumugon ang isang Kristiyano sa isang pagsasama bilang magasawa ng walang pag-ibig?