Tanong
Nararapat ba na aktibo tayong maghanap ng magiging asawa? O maghintay sa Diyos na bigyan tayo ng magiging asawa?
Sagot
Ang sagot sa parehong tanong ay "Oo". Hindi tayo nararapat na matuliro sa paghahanap ng mapapangasawa na parang nakadepende ang lahat sa ating sariling pagkilos. Ngunit hindi rin naman tayo dapat na walang ginagawa at iniisip na isang araw ay padadalhan tayo ng Diyos ng magiging asawa sa ating pintuan. Bilang mga Kristiyano, kung nakapagdesisyon ka na na dumating na ang tamang panahon ng paghahanap mo ng mapapangasawa, dapat mong upisahan ang proseso sa pamamagitan ng panalangin. Ipagkatiwala mo ang iyong sarili sa kalooban ng Diyos para sa iyong buhay. Ito ang unang hakbang. "Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso" (Awit 37:4). Ang pagpapakaligaya sa Panginoon ay nangangahulugan na hahanapin mo ang kasiyahan sa pauloy na pagkilala sa Kanya at pagtiwalaan mo Siya na bibigyan Ka Niya ng kasiyahan bilang kapalit. Ilalagay Niya ang mga nasa sa iyong puso at sa konteksto ng paghahanap ng mapapangasawa, nangangahulugan ito na nanasain mo muna ang iyong sarili na maging isang tipo ng mapapangasawa na nais Niya para sa iyo at alam Niya kung sino ang lalaki o babae na makapagbibigay sa iyo ng kasiyahan. Sinasabi ng kawikaan 3:6, "Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas." Ang pagkilala sa Diyos sa paghahanap ng mapapangasawa ay nangangahulugan ng pagpapasakop sa Kanyang kalooban at pagsasabi sa Kanya ng kung sino ang nais Niya para sa iyo ang pinakamabuti para sa iyo.
Pagkatapos na italaga ang sarili sa kalooban ng Diyos, dapat na malinaw para sa iyo ang mga katangian na iyong hinahanap sa isang makadiyos na kabiyak at dapat na naghahanap ka ng isang tao na karapat dapat ayon sa mga espiritwal na panuntunan ayon sa Salita ng Diyos. Mahalaga na maging malinaw muna kung ano ang mga katangiang nais ng Diyos para sa isang mapapangasawa bago maghanap ng mapapangasawa. Ang "umibig" sa isang tao at pagkatapos ay matuklasan na wala pala siyang mga espiritwal na katangian ay pagiimbita ng kabiguan at paglalagay sa iyong sarili sa isang mahirap na sitwasyon.
Pagkatapos mong malaman kung ano ang sinasabi ng Bibliya kung ano ang dapat mong hanapin sa isang tao, maaari ka nang magumpisa na maghanap ng mapapangasawa na may pangunawa na dadalhin ng Diyos ang taong iyon sa iyong buhay habang naghahanap ka ayon sa kanyang perpektong panahon at kalooban. Kung mananalangin ka, dadalhin ka ng Diyos sa taong inihanda Niya para sa iyo. Kung maghihintay ka sa Kanyang panahon, bibigyan ka Niya ng isang taong angkop sa iyong pinagmulan, personalidad at naisin. Kailangan mo siyang pagtiwalaan maging ang Kanyang panahon (Kawikaan 3:5), kahit na ang iyong panahon ay hindi Niya panahon. Minsan, ang kalooban ng Diyos para sa isang tao ay hindi magasawa (1 Corinto 7), ngunit sa mga ganitong sitwasyon, aalisin Niya ang kagustuhan ng isang tao na magasawa. Perpekto ang panahon ng Diyos, at sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiyaga, makakamtan natin ang Kanyang mga pangako (Hebreo 6:12).
English
Nararapat ba na aktibo tayong maghanap ng magiging asawa? O maghintay sa Diyos na bigyan tayo ng magiging asawa?