settings icon
share icon
Tanong

Saan magandang magumpisa ng pagbabasa sa Bibliya?

Sagot


Para sa mga naguumpisa pa lamang magbasa ng Bibliya, mahalagang malaman na ang Bibliya ay hindi isang ordinaryong aklat na madaling basahin mula umpisa hanggang sa huli. Ang totoo ang Bibliya ay gaya sa isang aklatan o library. Ito ay koleksyon ng mga aklat na sinulat ng iba't ibang awtor sa iba't ibang wika sa loob ng halos 1600 na taon. Sinabi ni Martin Luther: “ang Bibliya ang duyan ni Kristo” dahil ang lahat ng kasaysayan sa Bibliya at mga hula dito ay tumutukoy kay Hesus. Kaya nga, ang isang bago pa lamang nagbabasa ng Bibliya ay maaaring magumpisa sa mga Ebanghelyo. Ang Ebanghelyo ni Markos ay malaman at mabilis at magandang pagsimulan. Pagkatapos, maaari mong basahin ang Ebanghelyo ni Juan na nakatuon sa mga bagay na inaangkin ni Hesus tungkol sa Kanyang sarili. Isinalaysay ni Markos kung ano ang ginawa ni Hesus samantalang ipinahayag ni Juan kung ano ang sinabi ni Hesus at kung Sino Siya noon pa mang una. Ang Ebanghelyo ni Juan ay naglalaman ng mga napakalinaw at napakasimpleng mga talata ngunit mga talata na mayroong napakalalim at napakahalagang katotohanan. Ang pagbabasa ng mga Ebanghelyo (Mateo, Markos, Lukas, Juan), ang magbibigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa buhay at gawain ni Hesus.

Pagkatapos nito, maaari mong basahin ang ilan sa mga sulat ng mga apostol (Roma, Efeso, Filipos). Itinuturo ng mga aklat na ito kung paano tayo mamumuhay ng kaaya aya sa Diyos. Kung uumpisahan mong basahin ang Lumang Tipan, basahin mo ang aklat ng Genesis. Isinasalaysay dito kung paano nilikha ng Diyos ang mundo at kung paanong nahulog ang tao sa kasalanan, gayundin ang resulta ng kasalanan sa sangkatauhan. Maaaring mahirap basahin para sa isang baguhan ang mga aklat ng Exodo, Levitico, Mga Bilang at Deuteronomio dahil ang mga ito ay naglalaman ng mga Kautusan para sa mga Hudyo. Inatasan ng Diyos ang mga Hudyo kung paano sila mamumuhay. Habang hindi mo naman kailangang iwasan ang mga aklat na ito, mas makabubuting ipagpaliban muna ang pagbabasa sa kanila para sa mas malalim na pag-aaral. Huwag kang magpakahirap na unawain ang mga ito. Basahin mo ang Josue hanggang Cronica upang magkaroon ka ng kaalaman sa kasaysayan ng Bansang Israel. Ang pagbabasa ng mga Awit hanggang Awit ni Solomon ay magbibigay sa ‘yo ng magandang pakiramdam dahil sa mga tula at karunungan ng mga Hebreo. Ang mga aklat naman ng mga hula o propesiya mula Isaias hanggang Malakias ay maaaring mahirap na maunawaan para sa isang baguhan. Tandaan na ang susi sa pang-unawa sa Bibliya ay paghingi ng karunungan sa Diyos (Santiago 1:5). Ang Diyos ang may akda ng Bibliya at nais Niyang maunawaan mo ang Kanyang mga Salita.

Mahalagang malaman na hindi lahat ay maaaring maging matagumpay na mag-aaral ng Bibliya. Yaon lamang may mga taglay na kwalipikasyon sa pagaaral ng Salita ng Diyos ang binigyan Niya ng ganitong pagpapala:

Ikaw ba ay naligtas sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu Kristo (1 Corinto 2:14-16)?

Ikaw ba ay may pagkauhaw sa Salita ng Diyos (1 Pedro 2:2)?

Ikaw ba ay matiyagang nagsasaliksik ng Salita ng Diyos (Mga Gawa 17:11)?

Kung “oo” ang sagot mo sa mga tanong na ito, makatitiyak ka na pagpapalain ng Diyos ang iyong pagnanais na makilala Siya at maunawaan ang Kanyang Salita, kahit saan ka magsimula at kahit ano ang paraan mo ng pagaaral. Kung hindi mo pa tiyak na ikaw ay isang Kristiyano - na ikaw ay naligtas sa biyaya sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo at pinananahanan ng Banal na Espiritu - imposible na maunawaan mo ang kahulugan ng mga Salita ng Diyos. Ang mga katotohanan ng Bibliya ay itinago sa mga taong hindi sumasampalataya kay Kristo, ngunit sila ay karunungan at buhay para sa mga sumasampalataya sa Kanya (1 Corinto 2:13-14; Juan 6:33).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Saan magandang magumpisa ng pagbabasa sa Bibliya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries